Chapter 5 Who's that girl?
His Point of view
Minamaneho ko ang kotse ko papunta sa university kasi manonood kami ng barkada ng pageant. Hindi kami bakla andoon kasi ang kapatid ko si nathan kaya manonood ako para support na din sa kanya. Ginawa daw siyang partner ng anak nila Mr. Monteverde.
Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari sa birthday ko. May umamin sa aking nerd at sinabi niya na mahal daw niya ako, huh! Asa siyang mamahalin ko din siya. Pero medyo kumirot ang dibdib ko ng itulak ko siya at nakita ko na umiiyak siya.
Ayoko kasi yung pinipilit ako e hindi daw siya titigil hangga't hindi din ako mahuhulog sa kanya naitulak ko tuloy ng dahil sa sobrang inis ko. Balak ko pa sanang habulin nung tumakbo para humingi ng sorry kaso wag na lang baka isipin nun pumapayag akong ituloy niya ang kahibangan niya.
Nang makarating ako sa university ay pinark ko na ang kotse ko ng maayos at pumunta sa Gymnasium. Maingay ang mga tao pero may isang nagsalita na nagpakuha ng atensiyon ko.
"Hindi ko talaga akalain na si Angelie yun. Ang nerd na palaging kasama nila patricia"
"Ako nga din e. May tinatagong ganda pala talaga yang si angelie"
"Ay! Naku wag na kayong magtaka anak yan nila Mr. Monteverde e. Nasa genes na talaga ang pagiging maganda at gwapo halata naman sa mga magulang pati sa mga kapatid"
Nerd ang isa sa mga anak nila Mr. at Mrs. Monteverde? Posible kaya? Ay! Naku imposible yun! Tama imposible yun.
Umalis na ako doon at lumapit sa pwesto nila james at carl. Magkakaibigan na kaming tatlo noon pa man nung high school kami. Hindi kami naghiwalay simula nung maging magkakaibigan kami.
"Bro! Ang tagal mo naman kanina pa nag start yung pageant pero hindi pa naman lumalabas ang kapatid mo" sabi ni james
"Ganun ba? Pero nagpakilala na ang mga contestant?" Tanong ko
"Oo ang ganda nga nung number 5 e" sabi ni carl
"Malamang anak yun nila Mr. Monteverde e" sabi ni james
Umakyat sa stage ang mc
"So guys habang inaantay natin ang mga contestant magbibigay muna ng introduction number ang kinuhang p-pop ng university" sabi ng mc
Sumigaw naman ang mga audience ng dahil doon
"Lets all welcome SB19!" Sabi ng mc
Lumabas yung p-pop na kinuha ng university para sa introduction number. Naghiyawan ang mga fans ng mga ito at nagsimula na sila sa pag perform.
Medyo na bo-bored na ako kaya tumayo na muna ako para pumunta sa cafeteria para kumain na muna. Bumalik na ako sa gymnasium ng marinig ko na magsisimula na daw ang talent portion ng mga candidate.
Lumabas yung isang babae na mukhang sasayaw base na rin sa suot nito nagpatuloy yun hanggang sa pang-apat na candidate. Umakyat ulit ang mc para magsalita.
"So guys candidate number 5 request a piano so it may took a while" sabi ng mc
Nagbulungan naman ang mga audience doon. Nakita ko yung mga judges na inaantay yung piano na mai-akyat sa stage. Nang maging maayos na ang pag lagay ng piano ay nag-signal anv mga nag-aayos na okay na.
"Kakanta siya?"
"Ngayon lang natin siya maritinig kumanta"
"Excited na ako"
Nahinto ang bulungan ng umakyat sa stage ang mc at nagsalita.
"Let's all welcome Candidate number 5!" Sabi ng mc
Naghiyawan ang mga tao dahil lumabas na candidate na yun. Nakasuot ito ng white fitted dress kitang-kita ang kurba nito.
Humarap ito sa mga judge at ngumiti.
"Go! Babysis!" Sabi nung nasa tabi namin
Napatingin naman ako dito si Luna Margarette Monteverde ang sumigaw katabi nito ang mag-asawang monteverde at ang kambal na monteverde.
"Ate! Can you please calm down" sabi ng isa sa kambal si bentley monteverde yun
"Yeah ate can you please" sabi ni william monteverde
"Itong mga to ang k-kj nagche-cheer lang ako kay babysis e" sabi nito at umupo na
"Whoa she's indeed a goddess" sabi ni carl
"Yeah right" sabi ni james
Tumingin ulit ako sa stage at nakita ko na nakatingin siya sa akin. Nagtaka naman ako ng dahil doon.
"Who's that girl?" Tanong ko
"Angelie Monteverde" sabi ni james
Bumalik ang tingin ko rito ay nagsimula na siyang magpatugtug ng piano.
BINABASA MO ANG
Done Chasing You ( Monteverde Series #2 )
Roman d'amourAngelie Monteverde ang bunsong anak nila Sunny at Marco Monteverde. Red Salvador ang nag iisang anak nila Manuel at Rose salvador. Isang manang manamit na babae na may lihim na pagtingin sa isang campus hearth throb ano kaya ang pwedeng mangyari? Ta...