Chapter 20 The Wedding
His Point of view
Kinakabahan ako kasi ngayon ang araw ng kasal namin kasi baka mapaano sila ng anak namin angelie is now 2½ months pregnant.
Nalaman namin na buntis siya nung bigla siyang himatayin habang nag-uusap sila mama sunny at papa marco kasama sila mom and dad. Nagpa-plano kasi sila tungkol sa kasal namin ng biglang himatayin si angelie sobra ang taranta ko nun dinala namin siya sa ospital baka kasi na paano siya.
Nang suriin ng doctor kung ano ang lagay ni angelie ang sabi ay normal lang daw yun kasi buntis ito imagine ang gulat ko nung time na yun magiging daddy na ako.Nagtatalon ako sa tuwa sa narinig ko na balita pati sila mommy,daddy at mama,papa ay natuwa sabi nga ni mama sunny buti hindi daw ako nahimatay katulad nila william at bentley pati ni kiel na nahimatay natawa naman ako ng dahil doon.
Sabi nga ni william nauna pa daw ang pamangkin nila bago ang kasal namin ni angelie kaya naman ang sabi ko e kailangan madaliin ang kasal para bago manganak si angelie ay naikasal na kami.
Minadali namin ang pag-aasikaso sa kasal namin at ito na nga ang araw kung kailan opisyal na magiging akin na si angelie at magiging sa kanya na ako.Pinunasan ko ang pawis ko na namumuo sa noo dahil sa kaba tinapik naman ako ni charles siya ang best man ko at ang witness naman ay si james.
"Bro okay ka lang ba? Namumutla ka e" sabi ni charles
"Naku! Charles normal lang yan kasi ganyan din ako ng ikasal ako kay luisa hindi ako mapakali" sabi ni james
"Hays! Sorry bro pero ganyan pala ang pakiramdam kapag ikakasal na para ayoko na tuloy magpakasal" sabi ni charles
Tinawanan namin siya ni james
"Masasabi mo lang yan ngayon pero dadating din ang katapat mo" sabi ko
"Sige tignan natin" sabi ni charles
Sumigaw ang organizer na andoon na daw sa harap ng pinto si angelie kaya mas lalo akong kinabahan.
Nag-umpisa na ang kasal namin at nung si angelie na ang papasok lumakas ang kabog ng dibdib ko inalalayan siya ni william at bentley papunta kila mama sunny at papa marco at nung makalapit na sila sa amin ay nagpasalamat ako sa kanila.
"Ingatan mo yang bunso ko marco dahil kaming tatlo talaga ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo yang si angelie ulit" sabi ni papa marco
"Hindi ko po maipapangako yan kasi iiyak po siya sa saya at hindi sa lungkot" sabi ko
"Siguraduhin mo lang kasi ibibitay talaga kita ng patiwarik sa helicopter at ihuhulog ka nila william at bentley sa dagat pag sinaktan mo yang bunso namin" sabi pa ni papa marco
"Marco!/Papa!" Sabi ni angelie at mama sunny
"Wag mo nga takutin yang si red ikaw talaga o siya sige na pumunta na kayo sa altar" sabi ni mama sunny
Inalalayan ko si angelie sa pag-akyat papunta sa altar
"Are you okay? Hindi ka ba nabibigatan sa gown mo? Baka mapaano si baby" sabi ko
"I'm okay red wag kang mag-alala" sabi niya
Nag-umpisa na ang misa at ikinasal na kami ni angelie nagpalitan kami ng vows at singsing pagkatapos ay sinabi ng pari na ganap na kaming mag-asawa.
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ko mahalikan si angelie.
"Kita-kita na lang po tayo sa reception" sabi koNagpicture taking muna kami bago kami pumunta sa reception sa hotel nila angelie namin na pili ganaoin ang reception para ng sa ganun ay dederetso na lang ang mga guest sa mga kwarto nila pag natapos ang reception at hindi na sila mapagod sa byahe.
BINABASA MO ANG
Done Chasing You ( Monteverde Series #2 )
RomanceAngelie Monteverde ang bunsong anak nila Sunny at Marco Monteverde. Red Salvador ang nag iisang anak nila Manuel at Rose salvador. Isang manang manamit na babae na may lihim na pagtingin sa isang campus hearth throb ano kaya ang pwedeng mangyari? Ta...