Chapter 10 Goodbye, Philipppines. See you soon
Her Point of view
Nagising ako ng maaga para makaligo na ako at makaalis ako ng maaga para sakto lang pagdating ko doon sa airport.
Tinignan ko ang relo ko sa kanang bisig at nakita ko na 7:30 na ng umaga kaya tinawag ko ang mga katulong namin para matulungan ako magbuhat ng bagahe ko.
Nang maibaba lahat ay sinalubong kami ng driver at siya na ang naglagay ng mga bagahe ko sa sasakyan nagpasalamat ako sa kanila at pumasok ulit sa loob ng bahay para kumain ng almusal.Mamayang 12 noon pa naman ang flight ko papunta sa new york maaga lang talaga akong nag-asikaso para kung sakali na meron man akong makalimutan ay makukuha ko agad.
Wala naman akong nakalimutan dahil kompleto naman ang mga papeles na kailangan ko at andito sa bag ko ang passport pati plane ticket ko.
Pumasok na ako sa dining room at na abutan ko doon sila mommy at daddy kasama sila ate at mga kuya mukhang inaantay na nila ako para makakain na ng breakfast.
"Good morning po sa inyong lahat" sabi ko
"Good morning din sweetheart. How's your sleep?" Tanong ni mommy
"Okay naman po ang tulog ko" sabi ko
"Babysis mamimiss ka namin" sabi ni kuya bentley
"Ang drama mo bro" sabi ni kuya william
"Hoy! Wag kang magsalita ng ganyan akala mo naman hindi siya nag-overthink nung sinabi ko sa kanya na aalis ngayon si bunso" sabi ni kuya bentley
"Oo na ako na ang ao happy ka na?" Sabi ni kuya william
"Tumigil na kayong dalawa" sabi ni daddy pero hindi sila nakinig
"You two stop it already" sabi ni mommy
Tumigil naman sila sa pagbabangayan ng tumingin ako sa direksyon ni daddy ay nakasimangot ito.
"Mga favoritism" sabi ni daddy na nakasimangot
Tumayo ako at lumapit kay daddy sabay yakap sa kanya.
"Don't worry daddy. If kuya william and kuya bentley don't love you i'm here and ate luna loving you" sabi ko
"Oh! My princesses i love two" sabi ni daddy
"Aba! Hindi lang nakinig sayo itong mga siraul0 na ito nagtampo ka na" sabi ni mommyPero hindi siya pinansin ni daddy mukhang nagtatampo nga. Natawa naman kami ni ate dahil sa inasal ni daddy.
"Ah ganu sige sa sofa ka matutulog kapag hindi mo ako pinansin" sabi mommy
Agad-agad namang niyakap ni daddy si mommy at hinalik halikan ni daddy si mommy. Natawa kaming apat kay daddy.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami patungo sa airport. Habang nasa byahe kami papunta sa aiport ay kung ano-ano ang mga sinabi nila kuya.
Kesyo kung may mang-bully daw sa akin doon sabihin ko daw. Kesyo kung may magtangka na manligaw sabihin ko daw muna sa kanila at kung ano-ano pa.
Sinaway naman sila ni mommy paano daw ako magkaka-boyfriend kung ganyan daw sila kahigpit tinawanan sila ni ate pero si ate naman ang tinarget nila.
Inaasar nila si ate hanggang sa makarating kami sa airport kaya nung nakababa kami ng sasakyan doon sumigaw si ate kaya nanahimik sila.
"TIGILAN NIYO AKO! Ikaw william hindi ka nga maka amin sa secretary ng feelings mo towards her kasi natotorpe ka at ikaw bentley pasalamat ka wala pa akong nalalaman tungkol sa kinababaliwan mo na babae kaya wala pa akong pagsasabihan ng mga kalokohan mo" sabi ni ate na asar na asar
"Uy! Ate naman walang ganyanan" sabi ni kuya william
"Sisiguraduhin ko na hindi mo malalaman kung sino ang babaeng kinababaliwan ko" sabi ni kuya bentley
"Ah! Talaga ba kasi kaka receive ko lang ng picture ng babaeng kinababaliwan mo e" sabi ni ate at pinakita sa amin ang picture sa cellphone niya nagulat naman kami sa nakita namin.
"Seryoso ka ba kuya? Si Patricia talaga?" Sabi ko
"Oo bakit? Anong masama doon?" Sabi ni kuya bentley
"Naku bro diba ang sabi ni jullian kung sino man ang magka gusto sa isa sa kapatid niya sa ating barkada haharapin muna siya" sabi ni kuya william
"Kaya ko naman kung ano man ang ipapagawa niya sa akin para kay patricia" sabi ni kuya bentley
Napailing naman kami dahil sa sinabi niya sabay sabi ng
"GOODLUCK sayo" sabi namin
Narinig namin na tinatawag na ang mga pasahero ng papuntang new york kaya nagpaalam na ako sa kanila.
"Take care babysis" sabi ni ate
"Huwag papagutom babysis" sabi ni kuya william
"Bunso sabihin mo pagnahihirapan ka na susunduin kita para iuwi dito sa pilipinas" sabi ni kuya bentley
"Call us sweetheart if you have a free time okay" sabi ni mommy
"Don't tired your self okay? Maiingat ka doon bunso" Sabi ni daddy
Tumango sa kanilang lahat at umalis na para makasakay na ako sa eroplano papuntang new york.Ang pinili ko na upuan ay katabi ng bintana para makita ko ang view mula dito sa pwesto ko.Napatingin ako sa bintana dahil nag announce na ang piloto na mag take off na kami kaya sinuot ko na ang seatbelt ko at tumingin sa labas nasa himpapawid na kami ng nag announce ang piloto na okay na pwede ng tanggalin ang seatbelt namin.Goodbye Philippines, See you soon.
![](https://img.wattpad.com/cover/322186839-288-k785839.jpg)
BINABASA MO ANG
Done Chasing You ( Monteverde Series #2 )
RomanceAngelie Monteverde ang bunsong anak nila Sunny at Marco Monteverde. Red Salvador ang nag iisang anak nila Manuel at Rose salvador. Isang manang manamit na babae na may lihim na pagtingin sa isang campus hearth throb ano kaya ang pwedeng mangyari? Ta...