Chapter 17 I love you
His point of view
Pagka-alis ni angelie sinubukan ko siyang habulin pero nakasakay na siya ng taxi kaya bumalik ako sa bahay para magpalit ng damit at ng makapunta ako sa bahay nila.Minaneho ko na ang sasakyan ko papunta sa bahay nila angelie ilang minuto din ang tinagal ko bago ako nakarating sa bahay nila nag doorbell ako sa gate nila.Maya-maya lang ay bumukas ang gate at lumabas doon ang guard.
"Sino po sila?" Sabi nito
"Anjan ba si angelie pakisabi na andito si red. Red Salvador" sabi ko
Pumasok ito ulit sa loob ng gate ang guard at may tinawagan ito. Lumapit ulit ang guard sa akin at sinabing pumasok na daw ako kaya pumasok ako sa kotse ko at binuksan niya ang gate para maipasok ko sa loob ang kotse.
Nang maiparada ko na ng maayos ang kotse ko ay lumabas na ako at nag doorbell sa pintuan nila may lumabas na katulong mula sa loob at pinapasok ako.Sinabi niya na nasa living room ang mag-asawang monteverde kaya pumunta ako doon.
"Good morning Mr and Mrs Monteverde" sabi ko
"Good morning din sayo red" sabi ng mama ni angelie
"Ano ang mapaglilingkod namin sayo?" Sabi ng papa ni angelie
"Gusto ko lang po sanang makausap si angelie tungkol doon sa nangyari sa aming dalawa" sabi ko
"Yung kasal ba ang tinutukoy mo? O yung nangyari sa inyo ni angelie kagabi" sabi ng papa ni angelie
"A-ahm parehas po sir" sabi ko
"Go magsalita ka na at nang maliwanagan ako kami ng asawa ko kung bakit mo yun ginawa sa anak namin" sabi ng papa ni angelie
"Yung tungkol po sa kasal matagal ko na pong mahal si angelie at ayoko po na makahanap siya ng iba maliban sa akin alam ko po na may pagtingin siya sa akin bago siya umalis patungo sa new york napagtanto ko po ang totoo ko na nararamdaman para sa kanya nung naka alis na siya alam ko po na umalis siya para kalimutan ako at ang nararamdaman niya para sa akin kaya nag antay po ako hanggang sa maka uwi po ulit siya" sabi ko
"Yung tungkol naman po kagabi ay nakita ko po siya sa bar na sobrang lasing kaya minabuti ko po na iuwi muna siya sa bahay ko para mahimasmasan siya" sabi ko
Hindi ko sinabi yung tungkol doon sa nangyari sa aming dalawa ni angelie gusto ko na si angelie mismo ang magsabi nun sa kanila.
"Kulang ang sinabi mo red. Alam ko na may nangyari sa inyo ng anak ko" sabi ng papa ni angelie
"Sir sorry po sa nangyari sa aming dalawa ni angelie wag po kayong mag-alala kasi pananagutan ko po si angelie" sabi ko
"Wag ka ng mag sorry kasi mag-asawa naman na kayo kaya hindi yun masama ang amin lang ay sana hiningi mo ang opinyon namin ng asawa ko sa ngayon ay antayin natin si angelie na tanggapin kung ano ang nangyayari" sabi ng mama ni angelie
BINABASA MO ANG
Done Chasing You ( Monteverde Series #2 )
RomanceAngelie Monteverde ang bunsong anak nila Sunny at Marco Monteverde. Red Salvador ang nag iisang anak nila Manuel at Rose salvador. Isang manang manamit na babae na may lihim na pagtingin sa isang campus hearth throb ano kaya ang pwedeng mangyari? Ta...