Chapter 7

322 4 0
                                    


Chapter 7 Señorita


Her Point of view


Nilugay ko ang buhok ko kasi kanina nung kumanta ako ay nakatali siya. Nagsignal sa amin ang staff at tumango kami.


Nagsimula ng magpatutug ng señorita. Yan ang sasayawin namin ni nathan. Nagbukas ang ilaw at nagkatinginan kami ni nathan at nagsimula ng sumayaw.


"Omy! Is that nathan salvador?"


"Omg! Ang hot nilang tignan"


"Ang galing ng kumanta at ang galing pa sumayaw"


Bulungan nila ng matapos ang sayaw namin ni nathan. Nagpasalamat kami at umalis na sa stage.


"Ho! Kapagod yun a" sabi niya


"Salamat nathan sa pagpayag na maging partner ko kanina" sabi ko


"Angelie wala lang yun" sabi niya at hinawakan ang kamay ko


Ngumiti ako sa kanya at napalingon ako sa likod ng tinawag na ako ng staff para magbihis na tumango ako at nagpaalam sa sa kanya. Inaya ko na muna siya sa dressing room kaso umiling siya at lalabas na daw siya andoon kasi ang kuya niya nanonood.


Pumunta na ako sa dressing room at sinalubong ako ng mga kinuha ni mommy para tulungan ako sa pageant.


"Ms. Angelie magbihis na po kayo ng swimsuit kasi yun na ang susunod" sabi ng stylist


Tumango ako sa kanya at kinuha ko ang swimsuit na hawak niya atsaka ako pumunta ng Fitting room. Naka black two piece swimsuit ako. May nakatali naman na tela sa may bewang ko kaya hindi ako masyadong makikitaan.


Inayos na ng glam team ang make up ko at ang buhok ko. Inilugay nila ito at nilagayan ng curl sa dulo na mukhang natural tignan. Nilagayan din nila ako ng light make up.


Nang matapos akong maayusan ay sakto naman na tinawag na ako dahil malapit ng magsimula ang swimsuit competetion.


Pumila na ako at maya-maya lang ay nagsalita na ang mc.


"Ladies and gentle men it's time for swimsuit competetion!" Sabi ng mc


Nag-ingay ang mga audience at pinatahimik naman sila ng mc dahil magsisimula na nga. Narinig namin na pinatugtug na ang kanta para sa paglalakad namin ng naka swimsuit.Lumabas na ang naunang candidate sa akin at medyo kinakabahan ako sa part na ito kasi hindi alam nila daddy at mga kuya na may swimsuit si mommy at ate lang ang may alam kaya naman alam ko na madilim na ang mukha nila ng dahil doon.


"Ikaw na ang susunod Ms. Angelie Good luck!" Sabi ng nag-aassist sa amin


Nagpasalamat ako at tinawag na ako ng mc


"Number 5!" Sabi ng mc


Lumabas ako ng backstage at ngumiti sa kanila. Bakas sa mukha nila kuya ang iritasyon kaya nginitian ko na lang sila. Nakita ko naman na napa-buntong hininga sila.Habang naglalakad ako sa stage ay nagsasalita ang mc sa gilid ng stage.


"Angelie Monteverde is a 20 year old and the youngest child of Mr. and Mrs. Monteverde. She is taking a course of business management. Is 3rd year college to be exact" sabi ng mc


Pumunta ako sa gitna at ngumiti sa mga audience at judge. Umalis na ako doon at bumalik sa dressing room. Sinalubong ulit ako ng stylist at tinulungan ako sa evening gown ko.


Inayos uli nila ang buhok ko kasi medyo na gulo ito pati din ang make-up ko ay ni-retouch nila.


"Ms. Angelie ang ganda niyo po talaga" sabi ng make-up artist


"Salamat at ng dahil sa inyo yun" sabi ko


"Ms. Angelie may suggestion po ako sa inyo" sabi niya


"Ano yun?" Tanong ko


"Tuturuan ka namin kung paano maglagay ng make-up para maging routine mo na ang ganyang mukha." Sabi niya


"Atsaka Ms. Angelie wag na kayong magsalamin pagkatapos nitong pageant ah dapat magdress na kayo minsan" sabi ng stylist


"Okay sige" sabi ko ng nakangiti


Tinawag na ako ng staff dahil magsisimula na daw ang evening gown competetion. Ganun din ang nangyari rumampa kami at pinapila kami ng paharap sa stage dahil question and answer na.


Binigyan kami ng headphone ng mga staff para daw hindi namin marinig ang tanong. Mukhang iisa lang ang tanong para sa aming lahat.


Tapos na ang apat na nauna sa akin at ako na ang susunod. Ngumiti ako at lumapit sa mc.


"So. Good evening Ms. Angelie, how are you?" Tanong nito


"I'm good thank you" sabi ko


"So here is the question. Anong masasabi mo tungkol sa mga taong na panghihinaan ng loob dahil sa mga taong naka-paligid sa kanila ay kinukutya sila" sabi nito


"Ang mapapayo o masasabi ko sa mga tao na iyon ay lakasan nila ang loob nila dahil pagsubok lamang yan na ibinigay ng ating panginoon. Sabi nga ng mommy ko Don't ever lose hope because it's just a challenge, a challenge that you need to pass. Para lang yang parking lot pagkatapos mong pumarada ay dapat ka ng umalis dahil tapos na" sabi ko


Nagpalakpakan ang mga audience sa sagot ko at nagpatuloy ang question and answer.


Pinabalik na muna kami sa dressing room at doon bumungad sa akin sila mommy at ate sa loob. Sinalubong nila ako ng yakap.


"We're so proud of you little sis" sabi ni ate


"Ang galing mo anak. Wala na akong masabi" sabi ni mommy


Tinawag na ulit ako ng staff para pumunta sa back stage at bumalik na sila mommy at ate sa upuan nila. Bigayan na ng award kaya pinatawag na kami.


Lumabas na kami ng back stage at ganun uli pinapili kami paharap at kinakabahan ako para dito.


"Our first award is Ms. Photogenic. Nag photo shoot ang mga candidate nung nakaraang linggo at andito na ang resulta" sabi ng mc


"Number 5! Ms. Angelie Monteverde!" Sabi ng mcPinakita ang picture na kinunan nung nakaraang linggo

Done  Chasing You ( Monteverde Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon