Chapter 2

69 1 0
                                    

2

"Grabe kapagod yun Honey! ayoko na maulit yun!" reklamo ni Trixie. Nakakatuwa talaga sya kasi hanggang ngayon hinihingal pa. Buti wala syang asthma kundi lagot ako sa mommy nya hahaha.

"Hehehe opo besy sorry." nakangiti kong sabi sa kanya. 

"Wow buti hindi kayo late. President ka pa naman ng SG Honey." singit ni Francis, childhood friend ko. 

"Oo nga eh." inayos ko ang buhok ko na medyo nagulo dahil sa pagtulog ko kanina.

Dumating na si Ms. Dela Torre na nakangiti. Wow anong nakain nitong masungit na prof na 'to? baka may boyfriend na hehe.

"Class you will have a new classmate. And I want you to be good on him ok?"

Napuno ng bulungan ang classroom. 

"Is that clear?" ulit ni Ms. Sungit.

"Yes Ma'am!" sabay-sabay naming sabi.

"Mr. Yu come inside." dahan-dahang  pumasok ang  bagong estudyanteng tinawag ni Ms. Dela Torre.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kasingbilis ng tibok na naramdaman ko 3 years ago. Ang una at huling araw na nakita ko sya ng personal. Ang araw na iniligtas ko sya.  Ang  tibok na hindi ko maintindihan mula ng iwan ko ang probinsyang kinagisnan ko. Ang araw na lisanin ko ang probinsya namin para mag-aral dito sa Maynila.

"Gabriel?" mahinang sabi ko.

"Prince Karl!!!!!" sigawan ng mga kaklase kong babae.

"Honey, classmate natin ang leader ng PRINCE!" halos pasigaw na sabi sa akin ni Trixie.

Karl Gabriel Yu. Bakit ganito na naman ang bilis ng puso ko?

"Class, Quiet!" sigaw ni Ms. Dela Torre.

Bigla namang tumahimik ang buong klase. Ako naman tulala pa din. 

"Mr. Yu. I know that they already know you. But please  introduce yourself" ngumiti ulit si Ms. Dela Torre, nakakakilabot, sya ba yung terror prof namin?

"Hi classmates! I'm Karl Gabriel Yu. I hope that we can all be friends. For all the supporters of my band PRINCE, thank you!" nakangiting sabi niya.

"Thank you Mr. Yu. You can now sit beside Ms. Neyhart. Ms. Neyhart, you will be in-charge for Mr. Yu, give him a tour on this school on your free time."

"Ms. Neyhart, are you listening?" parang bigla naman akong nagising dahil sa malakas na boses ng matandang dalaga naming prof.

"Ah, yes Ma'am!" inayos ko ang upo ko. Nakakahiya.

"Uy Honey, ikaw ha! crush mo si Karl noh? Natutulala ka dyan." bulong sa akin ni Trixie sabay kindat. Baliw.

"Hindi noh, nagulat lang ako. Di ko kasi expected na mag-aaral sya dito." lumapit na si Gabriel sa akin para umupo sa tabi ko.

"Hi Ms. Neyhart, nice meeting you." inilahad nya ang kamay nya para makipag-shake hands. Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya ng nakangiti. 

Ang gwapo nya talaga. Ang kulay brown nyang mata, Ang matangos nyang ilong. Ang red na lips nya. Ang lips nya.....ang first kiss ko??? hindi kiss yun Honey. Napakurap ako sa alalahaning yun. Nakangiti lang sya sa akin. "Nice meeting you too." Nag-iwas ako ng tingin at humarap kay Ms. Dela Torre. Nag-start na siyang mag-klase. Sa tingin ko, magiging favorite subject ko na ang Rizal.

"Ang swerte mo Honey, makakasama mo si Prince Karl ng matagal." kinikilig na bulong ni Trixie.

"Wag ka ngang maingay mapagalitan pa tau ni Ma'am." saway ko sa kanya. Sumulyap ako kay Gabriel na seryosong nakikinig sa lecture.

Napangiti ako. Ang liit talaga ng mundo. Sinong makakapagsabi na dito tayo ulit magkikita? Halos araw-araw napapanaginipan kita. Ngayon ang lapit lapit mo na sakin. Sana maging magkaibigan tayo Gabriel. Yun lang muna ang mahihiling ko. Sana.

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Ayun oh! Ako'y kinikilig ngayon kaya ganyan ang UD ko hehehe. Hangpogi lang kasi ng bagong crush ko. Ayieeee..... I sooo love him talaga! I know bitin. Pipilitin kong mag-UD on my free time. Grabe 3 months din pala akong di nakapag-UD. 'Til next time! Love love love. <3

Your Music is My DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon