Chapter 1

108 1 0
                                    

1

 

 

"HONEEEEEEEEEY!!!!!!!!!" aw potek! ang sakit sa tenga. Ayos ah makatawag wagas?

"BAKIT?! Leche ka umayos ka! Kelangan talaga sumigaw ha!" andito ako ngayon sa SG office. At humahangos na dumating itong si Trixie, ang Vice president ko.

"Sorry, hehehe. Excited lang ako teh! Alam mo ba na babalik na dito ang PRINCE?" tuloy na tuloy na sabi ng bruha. Ang PRINCE babalik na? babalik na sya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"WHAAAAAAT?????!!!!!" ouch taragis na yan isa pa 'tong si Ria, isa sa mga senators ng SG.

"Pwede ba tigilan nyo ang pagsigaw at mababasag na eardrum ko sa inyo. Utang na loob naman mga ineng! Maawa kayo sakin." naiinis na sermon ko sa kanila. Pero wait lang babalik na ba talaga ang PRINCE? excited na kong makita sya ulit.

"Ows, di ka ba excited Honey? Di ba isa ka sa mga avid fans ng PRINCE? kunyari ka pa." leche ka talaga Trixie sige asarin mo pa ko.

"Oo nga hahaha. Kunyari ka pa talaga Ms. President! Ikaw nga yata ang President ng fans club ng PRINCE hihihi." ay masasabunutan ko na talaga 'tong si Ria. Silang dalawa ni Trixie.

"Excuse me?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. 

"Hehehe joke lang Ms. President. Di ka na mabiro." nag-peace sign sya at lumapit kay Trixie. "Madam President mauna na kami ni Trixie ha. Marami pa kaming pag-uusapan tungkol sa PRINCE hihihi." Kinikilig na lumabas na ng SG office ang dalawa. Napabuntung-hiningi na lang ako at napasandal sa upuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Masakit ang ulo ko. Iidlip muna ako.  One  hour pa naman bago ang next class ko.

**********

"Hey, please gumising ka." Inihiga ko sya agad sa tabi ng ilog. Ang bigat nya kaya nahirapan akong buhatin sya. Inilapit ko ang tenga ko sa mukha nya para i-check ang paghinga nya. Shit! bakit wala? patay na ba sya? Anong gagawin ko? Tumingin ako sa paligid pero walang tao. Oo nga pala. Nasa gubat ako ngayon. At tago ang ilog na ito. Tinignan ko ulit ang lalaki na nakahiga sa harapan ko. Kawawa naman sya. Hay! kaya ko 'to! Buti na lang tinuruan ako ni Daddy kung pano ang tamang CPR. "ABC kaya ko 'to!". Hinawakan ko ang noo nya at iniangat ang baba nya para pakinggan ulit kung himihinga sya. Bumilang ako ng 10 seconds pero wala pa din. Hinawakan ko ang ilong nya para gawin ang mouth-to-mouth. "2 full  breaths sabi ni Daddy". Wala pa din. 30 compressions Honey kaya mo yan! Inilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib nya. 30 chest compression dapat sabi ko sa sarili ko. Wala pa ding response galing sa kanya. "Hay please wag kang mamamatay". Binigyan ko ulit sya ng mouth-to-mouth. Tatlong beses ko inulit ang CPR sa kanya. Habang nakalapat ang dalawang kamay ko sa dibdib nya bigla syang umubo at lumabas sa bibig nya ang tubig na nainom nya.

Your Music is My DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon