Chapter 6

31 1 0
                                    

6

"Ah Karl!" biglang tawag ni Trixie sa kanya.

"Yep?"  huminto sya sa paglalakad at humarap sa amin.

 

"I'm sorry, I can't go with you guys..." at bakit naman kaya?

"Huh?" kumunot naman ang noo ko.

"May gagawin pa pala kasi ako. Magkikita kami ni Ria sa library. Next time na lang. Sorry talaga." 

"Anong gagawin nyo?" nagtatakang tanong ko. 

"Project ni Ria, nagpapatulong lang." oh really? wala naman kaming project ah.

"No problem Trix, next time then." agree naman agad 'tong si Gabriel.

"Sige guys! See you later! Bye bhesy!" kumaway na lang si Trixie at ngumiti bago umalis. May iba sa ngiti nya. I'm sure sinadya nya 'to.

"Come here Honey." nahihiya naman akong lumapit sa kanya. Iba talaga kapag sya ang tumatawag sa akin sa nickname ko. At Hindi talaga ako sanay na kasama sya na kaming dalawa lang sa school. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao. Syempre sikat ang kasama ko. Baka matsismis pa kami.

"So how's your day?" ngumiti na naman sya. Ampogi nya lang talaga! nakapamulsa sya habang naglalakad. Ang cool nya lang tignan.

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Eto pagod. Mamaya may recording kami. You want to come with me?" huh? ano daw? sasama sa kanya  sa recording nila? gusto ko yun! pero wait! hindi pala pwede. 

"Ah, wag na. Next time na lang. Dumating kasi yung yung bestfriend ni Mommy. You know bonding time. Close kasi kami ni Tita Den."

Your Music is My DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon