Chapter 7

11 1 0
                                    

7

"Baby, andito na ang tita Denisse mo. Bilisan mo dyan." tawag sa akin ni Mommy. Kakatapos ko lang mag-ayos dahil ngayon kami mag-shopping ni tita. Nagmamadaling kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Hello Tita Denisse!" bati ko sa kanya pagkababa ko sa hagdan at humalik sa pisngi nya.

"Lalong gumanda ang baby ko ah. Mana talaga sakin." tapos kinindatan nya ko. Natawa tuloy ako bigla.

"Wow. Anak mo?" biglang singit ni Mommy. Napakagat ako ng labi ko sa pagpigil ng tawa

"Ang panira mo talaga ng mood eh noh?" natawa na ako ng tuluyan dahil sa pag-irap ni Tita Denisse. Ang kulit talaga ng mag-bestfriend na 'to.

"Psh. O siya. Hala umalis na kayo kung aalis kayong dalawa para di kayo gabihin. Shoo shoo!" pagtataboy sa amin ni Mommy.

"Hay ewan ko sayo best. Tara na nga Hannah. Excited na ko makasama ang baby girl ko. Bye best!" humalik si tita sa pisngi ni Mommy ganun din ako.

"Bye Mommy. Love you."

"Bye baby. Love you too. Ingat kayo." I waved my hand and sinundan na si tita palabas ng bahay.

"Wow Tita Den ang ganda naman ng new car mo." ang cute kasi ng kotse nya kulay pink. Kikay na kikay talaga.

"Of course baby. Maganda ang may-ari eh." sabay tawa nya. "Kidding. Oh sige na pasok ka na at mag-shopping pa tayo ng bongga." sumakay na nga ako sa sasakyan nya at kung cute sa labas mas cute sa loob. Gusto ko din ng ganito soon.

Kinakalikot ko lang yung mga display nya sa sasakyan ng makita ko yung picture ni Kael.

"How's Kael tita? I missed him sobra." antagal na rin kasi ng huli nilang uwi sa Pilipinas.

"He's doing good. Actually miss ka na din nya. He told me to tell you that."

"Awww. Bakit di mo sya kasama?" I feel sad. Ang tagal na kasi naming hindi nagkikita.

"Malapit na kasi ang exam nila. So he can't be absent. After we go shopping, we'll drop by sa bahay. He gave something for you." I smiled when I heard that.

"Wow. Thank you tita." Kael is Tita Denisse's son. He is 1 year older than me.

"So, how are you? How's school?" I smiled and look at her. Ganito kami lagi kapag nagkikita. Kinakamusta nya lagi ang pag-aaral ko. Para ko na din talaga syang Mommy.

"Ayos lang naman po. Medyo nakakapagod lang kasi President po ako ng Student Council. But I'm happy naman po."

"Oh that's good. As long as you're happy on what you're doing. It's okay. Basta mag-enjoy ka lang." she looked at me and smile.

"Opo." I hugged from her side and put my head on her shoulder while she's driving.

"Ang sweet talaga ng baby ko. No wonder why Kael likes you so much." napangiti ako. I like Kael too. He's my best buddy. He was always there when I needed him kaya nalungkot talaga ako ng pumunta silang U.S. para dun sya mag-aral ng college. Sa skype at facebook lang kami nagkakausap.

"Are you staying here for good after his graduation tita?"

"'Yes. Of course. Besides most of our business is here. And Kael will soon handle it after he takes his Master's Degree." Oh so hindi pa sya uuwi dito next year? I sighed.

"You really misses him that much huh?" natatawang tanong nya sakin. I just nodded.

"I hope you like him the way he likes you." napalingon ako sa kanya hindi ko kasi masyadong naintindihan yung sinabi nya.

"Ano po yun?" nagtatakang tanong ko.

"Nothing Hija. Just forget about it." tumango na lang ako.

"Okay po tita." nalulungkot na pinagmasdan ko na lang yung picture ni Kael na hawak ko.

Mahigit 30 minutes din yung naging byahe namin papuntang mall. Nauna namin pinuntahan yung boutique na pagmamay-ari nila at kung anu-anong damit ang pinasukat sa akin ni Tita Denisse. Fashion Designer kasi sya. At ang ganda talaga ng mga gawa nya. After that pumunta nilibot nya pa ako sa iba pang boutiques. Halos nalibot namin ang buong mall.

"Tita. Super dami naman nito." magkabilaan kasing kamay ko puno na. Pati sya puno na din. At halos lahat para sakin.

"Okay lang yan baby. Ang tagal din kitang di naregaluhan eh. Bumabawi lang ang ninang mo." napailing na lang ako. Sobra-sobra pa nga 'to kung tutuusin.

"Masyado nyo talaga akong ini-spoiled." kapag andito si Mommy papagalitan na naman nun malamang si Tita.

"Hayaan mo na lang ako Hannah. Eto lang naman ang kasiyahan ko eh." single child kasi si Kael. Kaya ganito sya sakin. Gusto nya din kasi magkaroon ng anak na babae.

Matapos namin mamili kumain kami sa Steakhouse. Isa din kasi yun sa favorite ko. Busog na busog ako. Pagkakain dumiretso na kami sa bahay nila para ibigay yung pasalubong para samin.

"Here's the gift of Kael, Hannah." masayang inabot sa akin ni tita ang red na box. I was mesmerized when I opened it.

"Woah! Ang ganda tita!" It was a necklace with an airplane pendant with crystals on its side. And by the looks of it, you can tell that its really expensive.

"Glad you like it. Sabi ni Kael you told him that you like to travel the world that's why noong nakita nya yan ikaw agad ang naisip nya."

"Opo. Natatandaan pa pala nya." napangiti ako. Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Masayang isinuot ko ang kwintas na bigay nya. Biglang sumagi sa isip ko si Gabriel, oo pinangarap ko talagang makalibot sa buong mundo kasama sya. Kasama si Gabriel. Ang lalaking mahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Music is My DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon