Chapter 3

67 2 2
                                    

3

After class nga inayos ko na ang gamit ko para ma-itour ko na sa buong campus si Gabriel.

"Ready ka na?" aya ko sa kanya.

"Yup, tara na?" sabay ngiti nya. Oh shet! ngumiti na naman sya. Waaahhh ang gwapo-gwapo nya talaga! pwede papirma ng autograph? hehehe.

"Uh Hannah ok ka lang ba?" bigla naman akong napakurap. Oh my God nakakahiya!

"Ah eh sorry, ok lang ako. Tara na." una naming pinuntahan ang gym, sunod ang canteen, clinic, chapel, library at madami pang iba. Grabe nakakapagod. 

"Thank you Hannah, alam ko nakakapagod libutin ang buong school. Kaya treat na kita ng dinner." papunta na kami ngayon sa parking area para makauwi na.

"Naku, wag na Gabriel. Wala yun." todo iling ko. Halos mag 360 degrees na ang ulo ko sa pag-iling. Adik lang.

"No. I Insist. Sige ka magtatampo ako sayo." natatawa-tawang sabi nya. 

"Hay...sige na nga. Sundan na lang kita." dala ko din kasi yung kotse ko.

"Wag na, iwan mo na yan. Ihahatid na lang kita sa inyo mamaya. Ipapahatid ko na lang yang sasakyan mo." Kinuha nya ang cellphone nya at may tinawagan, di nagtagal dumating na ang driver daw nila at kinuha ang susi ng kotse ko. Ibinigay ko naman sa kanya ang address ko  at sumakay na kami sa sasakyan ni Gabriel. Nakakatuwa kasi napaka-gentleman nya. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto hehehe.

Huminto kami sa isang sikat na Spanish fine dining restaurant. Wow isa ito sa favorite restaurant namin ng family ko. Isa kasi akong 1/2-Filipina, 1/4-Spanish and 1/4-American. Half-Filipina and Half-Spanish kasi si Mommy and Half-Filipino and Half-American naman ang dad ko.

"Ok lang ba sayo dito Hannah?" tanong sakin ni Gabriel habang inaalalayan nya akong bumaba ng sasakyan nya. Nagsuot sya cap para siguro hindi sya makilala.

"Oo naman. Favorite restaurant ito ni Mommy kaya nahiligan ko rin ang Spanish cuisine. Mahilig ka din ba sa Spanish foods?"

Your Music is My DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon