Chapter 48

11.9K 947 225
                                    

Chapter 48: Chained

Before I completely passed out, I noticed Kristan holding something in his hand. He was holding that thing tight as if his life depended on it.

A book.

I heard heavy footsteps slowly approaching my location. I have been conscious for, I think, ten minutes now, but I had no strength to open my eyes. I couldn't feel my lower body. It was as if I got paralyzed.

Where am I?

Sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa akin, alam kong nakahiga ako ngayon sa kama. Alam ko rin na may pumipigil sa lakas ko kaya nanghihina ako. Is it still because of the poison? No. I would have been completely healed by now if what's affecting my condition was still caused by that bite.

The door creaked open. Narinig ko ang mga marahan niyang yabag palapit sa kama. May nilagay siya sa tabi ko. Sa amoy no'n ay alam kong alak at tinapay.

"Finally. You are awake."

Nung marinig ko ang boses niya ay parang mas lumala ang panghihina ng katawan ko. Kahit na siguro may lakas akong imulat ang mga mata ko ay pipiliin ko na lang pumikit at magkunwaring walang narinig.

"Nathalia..."

What the hell is happening?

I had to figure it out.

Dahan-dahan ay nagawa kong imulat ang mga mata ko. Sa una ay malabo. Habang palinaw nang palinaw ang paningin ko ay nabuo ang isang imahe.

"I'm happy you are back..."

"H-Hestia..." Even my voice sounded lame.

Hestia gently sat on the bed beside me. May pumatak na luha sa kanyang kabilang mata. Marahan ay hinawi niya ang buhok ko habang nakangiting nakatingin sa mukha ko.

"I missed you," she whispered.

I stared at her and tried to figure out what felt wrong. It took me a moment for me to realize what it was. Sa pagkakatanda ko ay maiksi ang buhok niya. Mahaba na ito ngayon.

Mula sa kanyang mukha ay bumaba sa mga binti kong nakabalot ng puting kumot ang aking tingin. Nagkaroon ng lakas ang kamay ko para hawiin ang kumot.

"What the fuck is this?" I hissed and tried to free myself from the chains that tied me to bed. I angrily turned to Hestia after my attempt failed. "I don't know what's happening, but I don't like it."

She swallowed. May inikot siya sa gilid kaya umangat ang taas ng kama kasama ang katawan ko. Nakaupo na ako ngayon ngunit nakasandal pa rin sa kama.

"I know you have a lot of questions," she said as she poured a glass of wine. "I am here to answer all of it. But you need to regain your strength first."

Sinubukan niyang ibigay sa akin ang baso ng alak pero hinawi ko 'yon. Nahulog 'yon sa sahig at nabasag. Sinubukan kong bumangon ngunit hindi tumutugon ang ibaba kong katawan.

Hestia sighed as she picked up the shattered glass pieces from the floor. Napansin kong sa sobrang pagkakahawak niya sa bubog ay dumugo ang kamay niya.

"Why am I chained in bed?" I asked.

"You are asking me why after you acted like this?" aniya sa pagalit na tono. Nilapag niya sa tray ang mga bubog saka nagpunas ng dugo sa tissue.

"Sa tingin mo ay aakto ako nang kalmado gayong nakakadena ang mga paa ko?" Madiin ko siyang tiningnan. "What happened, Hestia?"

"What happened?" she asked me back.

I swallowed. "H-how long have I been unconscious?"

She bit her bottom lip as she responded, "Six months."

Never ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon