Chapter 4

31K 1.9K 1.4K
                                    

Chapter 4: Party

I was busy drying my hair while my phone kept on vibrating. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay pinatay ko na lang din ang cell phone ko. I am done entertaing everyone for today.

Wearing my merlot bathrobe, I went out of my room. Naabutan ko sa sala si Kristan. Nakaupo siya sa sahig habang pinagmamasdan na kumain ang pusang puti.

He was too focused that he didn't even notice me. He looked so fascinated while watching his pet eat. I was confused at first, but then I remember he was once a human.

I went to the kitchen to get myself a glass of wine. Saka ako uli pumunta sa sala. Umupo ako sa couch saka binuksan ang flatscreen TV. Hindi ko inakalang malakas pala ang volume ng TV kaya nagulat ang pusa. Sumiksim siya sa dulo at binaluktot ang katawan.

Napangiwi. Why is she so over-dramatic?

Kristan frowned. "You scared her."

My lips parted. What did he just say?

"Come here, Lilly," he called the cat.

Pinanuod ko siyang tumayo para kunin ang remote control ng TV. Hininaan niya ang volume nito. Saka niya kinuha ang pagkain ng pusa para ilapit. Muling kumain ang alaga niya.

I was speechless. Did he just say I scared his damn pet? In my own house with my own rules?

"She really likes here," bulong nito saka tumayo. Nag-inat siya ng katawan saka bumaling sa akin. "Puwede bang pakibantayan muna si Lilly? Maliligo lang ako."

I just stared at him. Ngayon ay inuutusan naman niya ako.

"Bawal?" ngumiwi siya.

I smiled. "No. Go on."

"Thank you. Sandali lang ako."

Saka na siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Tumingin ako sa pusang kumakain. Sobrang kalat nitong kumain. She reminds me of humans. Dumb and messy. Animals and humans are really fit with each other.

I stood up and went directly to the cat. Mukhang nasindak ko ito kaya tumigil siya sa paglalakad at sumiksim uli sa dulo. What a scaredy cat.

Umupo ako para matingnan siya ng maayos. Her illuminating copper eyes looked at me. She watched over me just as I stared at her.

"Lilly..." I mouthed her name. "I can't believe you have a name."

Napaisip naman ako. How did Kristan know her name? Did she tell him?

I never really paid attention to animals because they are either just pests or food. Pero may isa naman akong kabayong naiwan sa mansion. Still... I am not into them.

"Can you talk?" I asked her.

"Meow."

Napakurap ako. Meow?

"Is that a yes?"

Hindi ito kumibo.

I chuckled. I can't believe some animals can really talk. Bakit ngayon ko lang nalaman?

Tumikhim ako. "So... Lilly. Are you scared of high places?"

Napangisi ako habang nakatingin sa labas ng bintana. I wonder how high this floor is from the ground. Kahit siguro ako ang mahulog ay masasaktan ako. Paano kung ito pang hayop?

She wouldn't survive it!

I was about to grab her when she ran away. Tumalon siya sa center table kaya nabangga niya ang vase. Gumulong ito saka nabasag.

Never ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon