CHAPTER X : NANG DAHIL SA GUTOM . . .

14 2 0
                                    

I went home ahead of Kyou after classes.

May binili pa kasi siya sa minimart.

Sabi niya pagkain raw. Ok na din yun.

Pagdating ko sa bahay, nag-isip isip agad ako ng paraan para matakasan tong napasok namin ni Kyou na problema para maging Malaya na ako, pero kahit anong gawin ko wala talagang pumasok sa kokote ko kahit isa.

Nagugutom lang ako.

After 1 hour ay dumating na rin si Kyou.

Medyo nagtaka ako kasi hindi naman ganun kalayo yung minimart dito sa bahay para ganun siya katagal makabalik.

Saktong-saktong talaga ang pagdating ni Kyou. Gutom na gutom na talaga ako.

"Hey Kyou! Let's eat I'm hungry." Sigaw ko kay Kyou.

Nasa sala ako habang siya, hindi ko mahagilap kung saang sulok siya napunta.

"Oh about that, I'm already done eating. On my way home I saw a restaurant and I felt hungry so I went inside."

Awtomatikong napatayo ako at hinarap si Kyou. Andito na pala siya sa sala.

"And you didn't even bother to invite me?" May pagtatampo na tanong ko.

Ikaw ba naman hindi inanyayahan kumain tapos akala mo pa kakain kayo.
Di ba magagalit ka?

Tss. Badtrip.

"Apparently, yes. So?"

"I am so hungry right now. I waited here for almost an hour and then there's no food for dinner. SUCK YOURSELF!! Ughh!"

Gusto kong sumuntok sa pader. Napupuno na ako ng galit.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lahat ng to pero Aishh!

Nakakapikon.

Akala ko pa naman sabay kaming kakain.

"Well it is not my fault that you didn't think of your stupid brain of buying any food. Gosh! Do I even have to feed you? What are you? Three years old that needs her nanny?"

Alam kong nagagalit na talaga si Kyou at galit na din ako kaya nga't nagsisigawan na kami. Kung gusto niyo, sigaw rin kayo para partey-partey!!

Ang liit ng dahilan ng pinag-awayan namin, ano?

Matapos magsalita si Kyou ay nagwalk-out na siya. Mukhang na iinis.

Para ngang may usok na lumalabas. Nagmukha tuloy siyang chimney. Joke lang.

Dapat nga eh ako yung magwalk-out at hindi siya.

Sarap nito ihambalos sa kabilang planeta.

Akala ko pa naman ay nag-initiative siyang bumili but then akala ko lang pala.

Naglalakad ako ngayon patungo sa isang restaurant.

Ang layo pala nito sa bahay namin.

Nakakapagod lakarin kasi nga gutom na gutom na gutom na ako. Kaya't wag kayong magtaka na bigla na lang akong mahimatay.

Sabi pa naman ni Kyou na malapit lang daw.

Eh ang layo pala.

Nakakagutom na.

Gusto ko nang kumain ng marami.

Pagdating ko dun. Agad din akong bumili at ang dami kong nakain.

Tapos nun umuwi na agad ako.

May dala-dalang BH.

Back on TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon