Nag-drive na ako papauwi nung maisipan kong wag muna.
Umalis nga pala si Kyou kasama si Steve ng hindi nagpaalam.
Nung nagpa-ikot-ikot na ako ng daanan, umuwi na ako para magbihis ng pormal.
Pumunta ako sa closet at kumuha ng mga damit at nagsuot ng tux.
Kung titingnan ako, mukhang nagtatrabaho na ako sa outfit ko ngayon pero mukha lang.
Umalis ako kaagad pagkatapos at pumunta ng isa sa mga sikat na hotel.
Kumuha ako ng room na malaki at maganda na pang-isahan talaga.
Nung mailapag ko na ang mga gamit ko, uminom ako ng gamot ko.
Matagal ko nang hindi naiinom ang gamot na ito at akala ko hindi ko na magagamit pero nang dahil lang nauntog ako bumabalik yung sakit.
Gusto ko buksan yung ulo ko at lagyan ng sandamakmak na ice.
Humiga ako sa higaan, gusto ko nang matulog pero hindi ako makatulog.
Ilang ikot na ang nagawa ko pero gising parin ako.
Inaalala ko kung naka-inom ba ako ng energy drink at bakit ~"I'm wide awake, I'm wide awake"~ pero wala naman kaya't naisipan kong umalis muna at uminom.
Tutal nasa baba lang at makakatulog na ako.
Ang talino ko talaga.
Pagpasok ko, malakas ang music maraming mga tao at ang ingay nila.
May lumapit sa akin, tapos meron siyang sinabi pero di ko naintindihan kasi ang ingay at amoy usok siya.
Pumunta ako sa counter at nag-order, yung pinakamatapang para makatulog agad.
Isang baso.
Dalawa.
Apat.
Anim.
Pitong baso.
Alam kong lasing na ako pero gusto ko pang uminom.
Tutal walang aawat sa akin, wala akong kasama. Wala si Kyou kaya't dapat magsaya.
Di ba?
Bakit kasi masakit.
Bakit may kirot.
Kung masaktan ba, dapat may hapding kasama?
Ganito ba yung nararanasan nung mga lalakeng nasa mga telenovela?
Ang sakit, buti pa yung sa kanila may bayad samantalang sa akin, wala.
Kusang loob ko tong ginagawa.
Tapos nakita kong may tumulong luha.
Haha.
Ang drama ko, shete.
Yun yung number bago ang otso.
Siguro, dapat matulog na ako.
Patayo na ako nung may natamaan akong tao.
Nagmura siya at sobrang galit niya.
Di ko alam pero masarap makipag-suntukan lalo't alam mong marami kang dinadalang extrang bagahe.
Kaya't sinuntok ko siya ng sinuntok.
Ganun din siya.
Hanggang sa inawat na kami ng bouncer.
Isa lang ang naalala ko, duguan akong pumunta ng room ko.
Hindi na ako nagpalit ng damit at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Back on Track
Teen FictionWhat happens if suddenly nakalimutan niya ang lahat ng kanyang memory? But afterwards ay maaalala niya rin ito pero may nakalimutan pa din siya at ikaw yun. Gusto mong ipaalala ngunit it may give him shock at baka di pa kaya ng brain cells niya ang...