Nung nagising na ako, kanya-kanya na kami ng prepare ng breakfast. Alam niyo na, di kami close ni Kyou.
Ako nag-cereal lang samantalang si Kyou nag-luto ng bacon tapos may bread pa. Damot talaga nitong babae na'to. Di man lang ako binigyan kahit isa. Siya ang perfect example nang isang madamot na nilalang.
Since wala namang masyadong maganda na nangyari, i-fast forward ko nalang.
Saturday na ng hapon. Shinining!
Papasok na sana ako ng CR para mag-shower kaso andun si Kyou naliligo pa. Tagal naman nito maligo. Nakakatakot siya pero ang kupad ng kilos. Nakakainip maghintay. Aalis na sana ako ng lumabas na siya at nakabihis na.
Thank God!
"Saan ka galing?" Bungad kaagad ni Kyou pagkalabas niya ng CR sabay punas niya sa buhok niya.
Kung makatanong, kala mo kung anong kasalanan ko.
"Nagbasketball kasama si Chi Minh. Bakit?"
"Nagtatanong lang. Sige maligo ka na."
"Aii! Teka" Pasigaw kong pagpigil kay Kyou with actions. "Kilala mo na ba si Chi Minh?"
"Yup! He went here yesterday. Hinahanap ka, kaso may binili ka and I didn't know where you went. I told him na maghintay na lang siya and ayun, nagka-usap kami sandali and umalis na din siya."
"Ahh." Sabi ko sabay tango-tango.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng formal. Syempre naman, andun si Mama eh baka mapagalitan pa ako kapag hindi formal.
Paglabas ko ng room hinanap ko kaagad si Kyou."Kyou!! Hoy kutong lupa! Nasaan ka na? Alis na tayo!" Saang lupalop ba kasi ng bahay nawala si Kyou. Kung kailan ready na ako, nawawala naman siya. Nagpapahanap pa! Di naman siya si Elisa! Kuha niyo?
"What did you say? Ang lakas ng loob mo pagsabihan ako ng ganyan." Sermon ni Kyou na nakataas ang kaliwang kilay. Tingnan mo tong tao na to, bigla-bigla na lang susulpot na parang kabote. Buti hindi halata sa mukha ko na nagulat ako.
Ganyan ba talaga pag-gwapo?
Pagkatapos manermon ng lola Kyou niyo ay naglakad na siya palabas na may nag-uusok na ilong.
"Wait!" Pagpigil ko kay Kyou. Iniwan ako sa ere, sarap sapakin nito!
"What?!! Akala ko ba aalis na tayo?""Oo nga pero ba't hindi ka pa nakabihis?" Tanong ko sa kanya ng may mga nangungunot na noo.
"What do you mean?" Tanong din ni Kyou na may nangungunot na din na noo.
Alam niyo, ang pangungunot ng noo ay maaari nang mapasa through face to face communication. Copy-paste lang yan.
Effective yan! Tested and proven. Kagaya nang sa amin ni Kyou ngayon.
"You know, bakit ganyan ang suot mo?" Sabay tingin ko kay Kyou from head to toe at toe to head."Bakit may problema ka ba sa suot ko? Hindi ba ito damit? Damit naman ah. Choosy ka pa. Pasalamat ka at may sinuot pa nga ako eh."
"No that's not what I mean. Hindi ka ba magsusuot ng something formal or you know something like dress?"
"Hindi. Kung gusto mo ikaw na lang ang magsuot ng dress, mukhang bagay sayo. Gusto mo?"
"Bakit ka kasi nakajeans lang at t-shirt?" Hysterical na ako dito pero siya chill lang.
BAKIT GANUN?!!
"Anong paki mo?! Eh mag-meet lang tayo kina Mom tapos restaurant naman namin yun. What's to worry about? Sanay na silang makita na ganito ang bihis ko. Kaya wag kang maarte diyan. Tara na at baka hinihintay na tayo."
BINABASA MO ANG
Back on Track
Roman pour AdolescentsWhat happens if suddenly nakalimutan niya ang lahat ng kanyang memory? But afterwards ay maaalala niya rin ito pero may nakalimutan pa din siya at ikaw yun. Gusto mong ipaalala ngunit it may give him shock at baka di pa kaya ng brain cells niya ang...