CHAPTER XI : ABRUPT

21 2 0
                                    

Naglalakad na ako sa loob ng bahay.

Off na ang karamihan ng mga ilaw.

Siguro natutulog na si Kyou.

Dahan-dahan akong pumunta ng kusina at dahan-dahan ko ring nilapag ang dala-dala kong BH sa mesa. Nang mailagay ko na, dahan-dahan akong umupo.

Sa sobrang dami ng nakain ko, akala ko puputok na ako sa sobrang busog.

Di nga talaga pwede sa akin ang sobrang gutom.

Tiningnan ko ang tyan ko at tinitigan ko ito.

Tapos hinimas-himas (hahaha. Parang ang sagwa nung term.) ko ang tyan kong lumaki nga talaga. Feeling ko may alaga na ako sa tyan ko.

Busog na busog na talaga ako.

Feeling ko natatae na ako. Wew!!

Bigla akong nagulat at napatayo bigla ng may nagsalita sa likod ko.

Buti hindi ako natae sa gulat.

"What's that?" Tanong ni Kyou sabay turo sa cellophane.

"Can't you just state the obvious?"

"How can I if it's still inside the cellophane? Ang bobo mo." At nang dahil dun nagpantig ang tenga ko.

Kakaaway lang namin ni Kyou tapos heto, mukhang mag-aaway na naman kami. Nice, just nice! May sequel pa!

"Ako bobo?! Ang galing mo talaga eh noh. Sumusobra kana. Kung hindi ka lang babae, kanina pa kita inupakan diyan. Pasalamat ka nga eh. At isa pa, see through naman tong cellophane. Sino sa atin ang bobo ngayon?"

At tumaas ang boses ko at pinamukha ko talaga kay Kyou na galit ako.

KANINA PA!

Biglang nag-iba ang expression sa mukha ni Kyou mukhang siya naman ang nagulat ngayon.

Hanggang sa nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi ko.

*FACE PALM*

Nahawa na ba ako kay Chi Minh?

Sa sobrang inis ko, di ko na tuloy namamalayan na nakakapagtagalog na pala ako. Nasira tuloy yung plano ko.

"Whoah! Marunong ka palang magtagalog?" Manghang tanong ni Kyou na animo'y bata na first time nakakita ng magic.

"Ay hindi! Chinese to. Hindi to tagalog. Ni hao ma!" Sabi ko sabay bow.

Tapos bumalik na naman sa pagsusungit ang mukha ni Kyou.

"Naririnig mo na ngang nagsasalita ako ng tagalog diba? Itatanong mo pa. Psh. Can't you just-"

"State the obvious. Yah I know. Bakit bawal bang magtanong? Ha?"

Aba't tingnan mo nga naman to, hindi pa nga ako tapos magsalita.

Bastos yan! Walang galang!

"Hindi! Sinabi ko bang bawal? Aba't ikaw lang ang nag-iisip niyan."

"Nakakainis ka!" Singhal ni Kyou sa tapat ng mukha ko.

ASDFGHJKL!

Laway ni Kyou tumalsik sa mukha ko.

Ito talagang babaeng to hindi na lang naawa sa mukha ko.

Pati ba naman ang laway niya hindi pinalampas. Aish!

"Madali ka palang mapikon. Hahahaa!" Ayun tawa ako ng tawa.

Mukha na akong baliw kasi kanina nag-aaway kami. Pareho pa kaming galit tapos ngayon tumatawa na ako.

Back on TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon