CHAPTER XIII: MISCONCEPTION

9 1 0
                                    

Minsan hindi kami nag-uusap ni Kyou. Ibig kong sabihin, most of the time.

Pabagao-bago kasi siya ng mood. Minsan naman nakakatakot ang aura niya na minsan pagdating niya galing school, hindi siya nagsasalita tapos ibabato niya yung bag kahit saan at isasara ng malakas yung pintuan.

Kaya’t mahirap kausapin.

Ramdam mong ayaw ka niya. Dapat ngang magustuhan niya ako.

Sa gwapo kong to, sino namang hindi magkagusto, di ba?

Teka, bakit parang tumayo lahat ng mga balahibo ko at ang lamig bigla.

Nevermind.

Classes na naman.

Unang pumunta sa school si Kyou.

Ako kumakain pa, kaya siguro matatagalan pa ako.

Buti nalang at maaga-aga pa at hindi pa nagstart ang classes kundi lagot ako sa prof namin. Muntik ko na din makalimutan, katabi ko nga pa la si Kyou.

“Morning Kyou.”

Tiningnan lang ako ni Kyou ng kanyang Oh so famous evil glare.

I then turned away, looking on the other side.

Baka kasi mapatay ako ni Kyou and to my surprise kaklase ko pala yung lalaking nakipag-usap kay Kyou nung isang araw.

Narinig ko na humihingi siya ng kapatawaran kay Kyou. Doon ko din nakita na seryoso ang mukha ni Kyou pero hindi galit, parang matagal na niyang hinihintay yon.

Nagtago lang ako nun, kaya’t alam ko ngunit hindi nila alam.

Tumayo bigla yung si ano, di ko pa pala alam pangalan nun.

Tatanungin ko nalang mamaya.

So, ayun nga, tumayo siya at lumipat sa tabi ni Kyou.

Binigyan ni Kyou ng matatalim na tingin yung lalake pero ngumiti lang siya.

Galing ah.

Nakakatawa tingnan magagalit si Kyou minsan pero most of the times, nakakatakot tingnan.

Minsan para siyang nasasaniban.

Ang bait kasi.

Nung nagsimula na ang classes ay nag-usap sila.

Dinig ko na naman.

“Why are you here?” Tanong ni Kyou sa kay, hindi ko nga alam ang pangalan.

“Same as you learning.”

Nag-uusap sila pero pareho nakatingin sa board. Ako lang ata ang nakatingin sa mga mukha nila eh.

“I know that Steve.” Ah Steve pala pangalan niya. “We talked about this. Bakit tumabi ka pa.” Nakasimangot si Kyou.

Parang fishy yung usapan nila ah at wow, nakakaintindi si Steve ng tagalog.

Tumawa lang yung si Steve.

Kaya niya pa tumawa?

How?

“You’re always like that. Bigyan mo din ng oras ang pagngiti Kyou. Madali lang naman ngumiti di ba? Why not try?” Tapos finorm ni Steve yung lips ni Kyou para nakasmile na si Kyou.

Ba’t di nagalit si Kyou at hinayaan lang niya?

Kung ako gumawa nun, sigurado akong tatalsik ako sa kabilang planeta.

“There, gumanda ka kahit walang make-up.” At ngumiti talaga si Kyou, yung totoo.

Hindi to joke.

Bilib ako sa kay Steve, ang lakas ng loob niya.

Nagsalita si Kyou “”If I have time”  Pinutol niya yung sasabihin niya at titingin siya kay Steve kaya dali-dali akong tumingin sa board at nagsulat bigla sa notebook ko ng small circle kasi kung di ko ginawa yun, malalaman ni Kyou na nakikinig at nakatingin ako sa kanila.

“Let’s talk. Matagal na panahon na ang lumipas. You could help.” Sumeryoso silang dalawa. Para akong kinakain ng aura nila.

“I’ll wait. Sanay na ako diyan.” Hugot ni Steve.

Bakit ang seryoso nila? Nakaka-intriga.

Matapos yung pag-uusap nila, nakita kong hinawakan ni Steve yung kamay ni Kyou at pinisil kaya’t tumingin ako sa ibang direksyon.

Para kasing private at di ko na dapat tingnan yun.

Last subject namin ay P.E

Pagkatapos ng class namin ay nag-impake na ako ng mga gamit ko (para naman akong lalayas)

Nakita ko si Kyou na napapalibutan nung mga lalake na nasa taekwondo team. Mukhang may away sila, di ko alam.

Kahit saan to magpunta, masungit talaga.

Anong connect nun?

Pababayaan ko na lang sana si Kyou mag-isa kasi kaya niya naman sarili niya. Nakita ko kasi sa bahay nila, karate champion siya kaya mapapataob niya yang mga yan kung gugustuhin niya.

Lalakad na ako palayo ng nakita kong mahigpit na hinawakan si Kyou sa kanyang kamay O nag-iimagine lang ako. Napag-isipan kong awatin sila at tulungan si Kyou pero anong panama ko, wala akong alam na martial arts kahit isa.

Malapit na ako nang nakalapit na si Steve na nakangiti kaya’t tumakbo ako dahil mukhang hindi niya alam ang mga nangyayari.

Pagkalapit ko binitawan nila si Kyou at yung kamay nung lalakeng nakahawak sa kanya ay tumama sa mukha ko at napadaing ako.

Mukhang sinadya.

Ang lakas ng impact na napahiga ako.

Walang tumulong sa akin kahit isa, narinig kong may tumawa, narinig kong may umutot, at narinig kong nag-uusap si Kyou at Steve na kanina pa hinahanap ni Steve si Kyou.

Kinuha ni Steve ang gamit ni Kyou at may binulong.

Tumawa naman si Kyou.

Bwiset na Kyou!

Mukha akong sinisiraan nila.

Nakahiga pa rin ako kasi ang sakit ng pagka-untog ng ulo ko sa sahig.

Akala ko katapusan ko na pero walang tumulong.

Dahan-dahan akong tumayo at aalis na sana nung nagsalita si Kyou.

“By the way guys, this is Tashisu my classmate.” Classmate lang?

Tumango yung mga kasama niya na si Steve at yung nasa taekwondo team na kaibigan pala niya.

Tapos ayun, umalis na sila nang hindi man lang ako tinatanong ng kung kaylangan ko ba ng tulong dahil sa tingin ko kailangan ko talaga dahil ang sakit sobra ng ulo ko at ang lamig ko na kahit mainit ang panahon.

Akala ko malapit na akong mainlove kay Kyou kahit ganun siya pero muntik lang.

Di pala tama.

Para akong nawasak.

Masakit mauntog sa sahig lalo na’t walang sumalo at walang tutulong. Magmumukha ka lang tanga.

Ngayon, mag-iisip na ako ng mga paraan para hindi talaga matuloy yung kasal.

Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga, ang sakit ng ulo ko lalo na at alam kong ako lang mag-isa.

Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.

I don't want to stay in these nightmare for long.

Back on TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon