YSABEL's POV:
"My god! The exams are so freaking hard" naiinis na sabi ni Jessica sakin habang nag lalakad kami papuntang detention room para puntahan si Allyssa at kasana niya ngayon yung tatlong lalaki na palaging naka buntot samin.
Every exam week namin ay palaging half day lang kami and our time is 1pm-5pm. Since St. Anthony is an international school and all school levels are in here. Simula nursery dito na nag aral sila Kyle and in fact dito rin ako nag nursery but nag home schooling ako after ko mabully.
Today is our 2nd day of examinations and kahapon pa nagrereklamo itong bestfriend ko na mahirap daw yung exams.
"I know everything is easy for you" sarcastic na sabi niya ulit sakin
"I didn't say a word" sagot ko naman sa kanya kaya nag make face lang siya
What she hates the most is examinations.
Well she's one in the Top 20 students of our batch pero sadya talagang tamad lang siya mag aral. Ang totoo talaga niyan ay sa stock knowledge lang siya kumakapit.
"Sana kagaya kita! Yung kahit hindi na mag aral mataas pa rin score sa exams!" sabi niya ulit sakin kaya tumawa lang ako
"Matalino ka rin naman kaso tamad lang" natatawang sabi ko sa kanya
"Grabe ka talaga sakin" naasar na sabi niya tapos bigla niya akong itinulak palayo sa kanya kaya tumawa lang ako
"I will miss this! I hope that I will be studying here again next year" masayang sabi ko sa kanya tapos inirapan niya lang ako
"Para namang mawawala ka!" sagot niya sakin kaya tumawa lang ako tsaka na kami nag lakad papunta sa detention room
Pag dating namin sa detention room nakita namin agad si Allyssa kasama si Ernest at Joseph.
After what happened, mas lalong naging protective silang F4 members except kay Yvan dahil sa hindi niya alam yung nangyari sakin. Kahit nag stop na rin kahit papaano yung bullying after that incident.
But I still need to keep everything a secret dahil gagawa ng paraan ang parents ko para pag bayarin lahat ng nambully sakin kapag nalaman nila yung mga nangyari tungkol sakin. Di ba sinong magulang ang hindi magagalit kapag buhay na nang anak nila yung madadamay! Kaya ayaw ko na malaman nila kasi for sure madadamay rin ang family nila Joseph.
"Saan kayo galing?" tanong agad samin ni Joseph
"We went to the library to return our books" sagot naman ni Jessica
"Where's Kyle?" tanong ko naman sa kanila dahil sa hindi ko siya makita
"Pinatawag siya nung coach namin sa tennis club" sagot naman ni Ernest kaya kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko para tawagan siya at sabihin na nasa detention room na ako
"He left his phone and bag here" biglang sabi ni Joseph sakin dahil nag ring yung phone ni Kyle na nasa tabi niya
"Then we'll just wait for him here" sabi ko nalang kaya tumango sila
Kailangan namin siyang antayin dahil ang number 1 bilin niya sakin ay dapat sabay kaming uuwi.
"Mag CR lang ako" sabi ko sa kanila tsaka ko ipinatong yung bag at phone ko sa isang desk malapit sa kung saan iniwan ni Kyle yung gamit niya
"I'll come with you" sabi naman ni Allyssa pero umiling lang ako
"No need! Katabi lang naman ng detention room yung restroom at kapag may nangyari sakin sisigaw ako ng malakas" sabi ko sa kanila kaya tumawa lang sila tsaka na ako nag lakad palabas ng detention room
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)
Teen FictionAre you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's all observe how they will face all UPS and DOWNS. If it is FATE that made them meet or they are reall...
