THIRD PERSON's POV:
First day of school at St. Anthony!
Hindi sigurado ni Ysabel kung dapat na siyang ma excite dahil sa mas nangingibabaw yung kaba at takot niya kaysa sa pagiging excited.
Dahil sa nabura ang ilan sa ala-ala niya kaya siya bumalik sa dating Ysabel na takot makihalubilo sa ibang tao.
"YSABEL!" malakas na sigaw ni Allyssa na tumatakbo palapit sa kinaroroonan niya
"I've been looking for you" sabi ulit ni Allyssa sa kanya kaya masayang ngumiti si Ysabel
Kanina pa kasi siya hinahanap ni Allyssa sa buong campus dahil sa alam niyang wala itong kasama at siguradong hindi niya alam ang pasikot sikot sa kanilang paaralan.
Mas nauna kasi siyang pumasok kaysa sa kambal dahil sa kakagising palang nila noong paalis na siya ng kanilang bahay.
"Where's Jessica?" tanong ni Ysabel kay Allyssa
"She's with her boyfriend" sagot ni Allyssa
Napag usapan kasi nilang tatlong magkakaibigan na magkakasama silang papasok kaso wala si Jessica dahil magka sabay silang pumasok ni Joseph upang pag usapan yung tungkol sa gagawin nilang pag combine ng mga taga upper at social class.
"Let's go!" sabi ni Allyssa kay Ysabel kaya tumango nalang ito tsaka na sila nag lakad papunta sa may main building para doon i-meet si Jessica
Habang nag lalakad sila narinig nila yung malakas na sigawan ng mga babaeng estudyante kaya agad naman silang lumapit doon sa mga kinaroroonan nung mga nagkakagulong estudyante upang tignan kung kung bakit sila nagsisigawan.
"Kyle's so handsome!" kinikilig na sabi nung isang girl na nasa harapan nila kaya agad silang tumingin sa kinaroroonan ni Kyle na kasalukuyang naglalakad papunta rin sa may main building
"Oh my god! He's looking here!" kinikilig na sabi nung isang babae na nasa tabi nila Ysabel dahil sa kasalukuyang naka tingin si Kyle sa direksyon nila. Pero ang totoong tinitignan talaga ni Kyle ay si Ysabel na kasalukuyang naka titig lang rin sa kanya
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)
Teen FictionAre you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's all observe how they will face all UPS and DOWNS. If it is FATE that made them meet or they are reall...