CHAPTER 43

63 5 0
                                    

ALLYSSA's POV:

"Why are you here?" gulat na tanong sakin ni Ysabel pagkagising niya

Nagulat kasi siya nung makita niya akong naka upo dito sa may sofa sa room niya nung bumangon siya.

"Did you drink last night?" seryosong tanong ko sa kanya imbes na sagutin ko yung sagot niya

"No!!" sagot niya sakin with that facial expression na di makapaniwala sa tinatanong ko sa kanya

"So you remember everything that happened last night" sabi ko sa kanya kaya siya napaisip

"Well, I do remember everything happened last night, but after I passed out, I don't have any idea what exactly happened" sagot niya

"So you do remember that Kyle was the one who helped you last night?" seryosong tanong ko sa kanya tapos tumango naman siya with that straight face na para bang wala lang sa kanya yung pinagtatanong ko ngayon

Paano nga ba naman siya maapektuhan, wala nga pala siyang maalala about sa kanila ni Kyle.

"Pero ang weird lang!" out of nowhere na sabi niya sakin

"Ang ano?" curious na tanong ko naman sa kanya

"How did he have the same kind of inhaler that I use?" curious na tanong niya sakin tapos sasagot na sana ako ng bigla siyang napatakip ng bunganga niya at kung saan nanlaki ang mata niya

"Oh my god!" di makapaniwalang sabi niya na siya naman ipinagtaka ko dahil sa reaction niya

"Does he also have asthma?" tanong niya sakin

Yung napakamot nalang talaga ako ng ulo dahil sa tanong niyang yan sakin.

"But he's a varsity player, right? So that means he doesn't have asthma because he plays sports" naguguluhang sabi niya ulit

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon.

Allyssa, habaan mo pa ng unti ang pasensya mo! Tandaan mo wala siyang maalala about kay Kyle kaya intindihin mo nalang.

"Let me remind you that you're also a varsity player, but you have asthma" seryosong sagot ko naman sa kanya kaya naman natikom nalang ang bibig niya dahil sa sinabi ko

"At tsaka linawin ko lang ha! Walang asthma si Kyle" sabi ko ulit sa kanya kaya naman biglang nagsalubong yung kilay niya

Kung ano-ano nalang kasi pinagsasabi niya kaya kailangan kong linawin sa kanya dahil baka mamaya kung ano-ano ang paniwalaan niya.

"So paano siya nagkaroon ng inhaler na same sa ginagamit ko?" naguguluhang tanong niya sakin pero mas minabuti ko nalang na wag sumagot

Actually, I know the reason kung bakit dala ni Kyle yung inhaler ni Ysabel.

How did I know?

Syempre sinulit ko na magtanong tanong kagabi nung malamig pa ulo niya.

I asked him kung bakit dala niya yung inhaler ni Ysa and he said that he always brings that inhaler in case of emergency at buti nalang talaga palagi niyang dala yung spare na inhaler ni Ysabel na nasa kanya kundi may masamang nangyari na kay Ysabel kagabi.

"It's weird, right?" biglang tanong niya sakin

"What's weird?" tanong ko naman sa kanya pero hindi muna siya sumagot at napa isip lang siya

"Because he has an inhaler with him, or because he found you in the fire exit?" tanong ko ulit sa kanya

Kasi yung dalawang yun lang talaga ang sobrang weird para sakin kasi di ko talaga inaasahan kay Kyle yung mga actions niya kagabi. Buong akala namin wala na talaga siyang pake kay Ysabel.

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon