ERNEST's POV:
We're currently here in Batangas for vacation. Nag plano si Joseph ng outing para saming tatlo dahil nga sa ayaw lumabas ng bahay ni Kyle.
Nung una ayaw pumayag ni Kyle na sumama pero dahil sa hindi siya tinigilan ni Joseph at halos oras oras siyang iniistorbo nito kaya wala na siyang ibang choice kundi pumayag na sumama samin.
But the worst part of this plan is that Ysabel's also here in Batangas. We received a call from Yvan and he said that they're also here for vacation. Yung feeling na ginagawa na namin ang lahat para hindi siya makita at hindi mabanggit yung name niya sa harapan ni Kyle tapos ngayon malalaman naming andito rin siya.
At ang mas malala pa ay ilang metro lang ang layo ng rest house nila dito sa rest house nila Kyle.
"Bakit kasi di mo sinabi na pupunta sila dito!" naiinis na sabi ni Joseph kay Jessica kaya naman siya hinampas nito
"Kung sana sinabihan mo ako na dito tayo pupunta edi sana nasabi ko rin sayo na dito pupunta sila Ysabel" naiinis na sagot naman ni Jessica sa kanya
Here we go again!
Don't tell me mag aaway na naman itong mag jowa!
"Paano ko sasabihin kung may surprise sana ako para sa Monthsary natin" sagot naman ni Joseph na siya namang ikinagulat ni Jessica
"OH MY GOD!" shock na sabi ni Jessica sabay takip sa kanyang bunganga dahil sa napa nganga nalang siya sa sinabi ni Joseph
"It was supposed to be a surprise! Because I want to make our Monthsary extra special" dismayadong sabi naman ni Joseph
Kaya talaga ayaw pumayag ni Kyle na sumama dito sa plano ni Joseph ay dahil may pa surprise event ito para kay Jessica.
It's their Monthsary and I don't have any idea kung pang ilang month na nila ito.
Kagaya lang rin ni Kyle, ayaw ko rin sanang sumama dahil sa sobrang badoy ng plano niya pero sabi na rin mismo ni Joseph na kailangan nating i-support paminsan minsan ang ating mga bestfriend lalo na sa mga gantong bagay. Even it's cringey!
"My love, kinilig ako dun!" kinikilig na sabi ni Jessica sabay yakap kay Joseph tapos bigla kaming nagkatinginan nila Yvan at Yvon dahil sa sobrang nandidiri kami dito sa dalawa naming kasama
Hindi dahil naiinggit kami kundi dahil naiilang kami sa itsura nilang dalawa.
Ang awkward kaya!!
"Sana all nalang talaga may jowa!" naiilang na sabi ko tsaka ko sila pinaghiwalay sa pagkakayakap nilang dalawa kaya naman natawa si Yvan at Yvon
Habang nagtatawanan kami dito biglang hinawakan ni Joseph yung balikat ko tsaka niya ako tinitigan ng sobrang seryoso.
"What?" kinakabahang tanong ko sa kanya
"Bro, don't worry dahil hahanapan kita ng pwede mong jowain" seryosong sabi niya sakin habang naka hawak sa balikat ko
"G*go!" natatawang sabi ko tsaka ko siya itinulak palayo sakin kaya naman siya natawa
Lakas rin amats nitong kaibigan ko minsan.
"Balik tayo sa usapan" sabi ulit ni Jessica kaya tumingin kami kay Yvan at Yvon
"Kung andito kayong dalawa ngayon, nasaan naman si Ysabel?" tanong ni Joseph
"She was sleeping so we took the chance to leave the house and kinausap namin si Mamu na wag sabihin na pumunta kami dito incase na hanapin niya kami" sagot ni Yvon
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)
JugendliteraturAre you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's all observe how they will face all UPS and DOWNS. If it is FATE that made them meet or they are reall...