AUTHOR's NOTE:
I created a simple video to introduce the main characters for Book 2! I know some of you will be confused to the names that's why I put pictures of the characters incase! 😊
Hope you like it!! 😊💚
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
THIRD PERSON's POV:
"Bakit parang antagal ni Jessica?" nag aalalang tanong ni Ysabel kay Allyssa habang naka upo na sila sa may classroom
"Wag kang mag alala! Hindi yun mawawala dito sa school" sagot naman ni Allyssa sa kanya kaya ngumiti nalang ito
Habang nag uusap silang dalawa bigla namang nag sigawan yung mga estudyante sa may hallway pati na rin yung mga ibang classmates nila na babae na kasalukuyang nasa loob ng classroom nila.
"They're here!" kinikilig na sabi nung isang babae na nasa hallway
"Who?" curious na tanong ni Ysabel kay Allyssa
"Just wait and see!" sagot naman ni Allyssa sabay turo sa may pinto kaya tumingin rin si Ysabel
Biglang pumasok sila Joseph, Ernest at Kyle sa pinto kaya muling nagsigawan yung mga classmates nilang babae na nasa loob ng classroom.
"Are they really famous?" curious na tanong ni Ysabel kay Allyssa
"You don't have any idea!" sagot nalang nito
Habang nag uusap si Ysabel at Allyssa ay bigla namang lumapit si Joseph sa kinauupuan nilang dalawa.
"Where is she?" tanong nito sa kanilang dalawa
"Sabi niya pupunta lang siya sa restroom" sagot naman ni Allyssa
"Bat antagal naman niya?" tanong ulit nito sa kanilang dalawa at sabay lang silang nag kibit balikat
"Try calling her" biglang sabi naman ni Ernest kaya naman kinuha ni Joseph yung phone niya mula sa kanyang bulsa
At akmang tatawagan na sana nito si Jessica ng marinig nila ang sigaw nito mula sa may hallway.
"OH MY GOD!" malakas na sigaw ulit nito ng makapasok siya sa pinto tsaka siya tumakbo palapit kina Ysabel at Allyssa
"Alam niyo ba kung sino yung nakita ko?" kinikilig na tanong nito habang naka tayo sa may harapan nila
"Kami ba yun?" biglang tanong naman ni Joseph kaya biglang nagseryoso ang mukha ni Jessica
"At bakit naman ako kililigin sa inyo!?" sarcastic na tanong ni Jessica sa boyfriend nito kaya naman natawa si Ysabel at Allyssa
"Grabe ka naman!" kunwaring nasaktan na sabi naman ni Ernest
"Wag kayong feelingero dahil hindi kayo kakilig kilig!" seryosong sabi ulit ni Jessica tsaka siya umupo sa tabi ni Ysabel
"The Castañeda Brothers are going to study here" excited na sabi ni Jessica
"WHAT!?" shock na tanong nung isang babae na classmate nila tapos tumango si Jessica
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)
Teen FictionAre you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's all observe how they will face all UPS and DOWNS. If it is FATE that made them meet or they are reall...