CHAPTER 21

96 5 0
                                    

ERNEST's POV:

Pagkatapos magsalita ni Yvan ay lumabas siya agad dito kwarto ni Kyle kaya naman sinundan ko siya palabas para kausapin. Halos isang buwan niya na rin kaming hindi kinakausap.

He is the one who called me para lang i-inform kami tungkol sa condition ni Ysabel. At first, nagulat ako kasi himala na tinawagan niya ako dahil alam kung ayaw niya kaming kausapin. Pero kilala ko si Yvan at ayaw niya kaming nag aalala lalo na sa kalagayan ng kapatid niya kaya kahit mabigat sa loob niyang kausapin kami ay pinilit niya pa rin para sa kapatid niya. Alam ko na may dahilan siya kaya ayaw niya kaming kausapin or makita and we understand it.

"Yvan, can we talk?" tanong ko agad sa kanya nang mahabol ko siya dito sa may front door ng bahay nila Kyle kung saan naka park yung sasakyan niya. Buti nahabol ko siya bago pa siya makasakay sa sasakyan niya

"If you're just going to defend your sister, I think it's better if you stop because you know my answer already" seryosong sagot niya sakin habang naka harap sa may sasakyan niya at ako nakatayo sa likod niya

"I'm not going to defend her! You know that I will never do that! Alam mong never akong nag defend lalo na kapag tungkol sa maling gawain" sagot ko sa kanya tapos bigla siyang humarap sakin at makikita sa mga mata niya na sobrang nalulungkot siya sa mga nangyayari ngayon

"Gusto lang kitang maka usap dahil alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon" mahinahon na sabi ko sa kanya

Alam ko na may pinagdadaanan ang pamilya nila ngayon at naiintindihan ko yung sitwasyon niya dahil hindi rin ito madali para sa kanya.

"I know you feel sorry for Kyle but it's not your fault! So don't blame yourself to much" sabi ko sa kanya

His sister is currently in coma and his best friend is currently struggling because of what he did but the worst part is Kyle pushed him to do that. Kyle asked him to tell everything to his parent kahit na alam niyang magagalit ang mga ito sa kanya. Pero mas malala ang kinahantungan ng ginawa ni Yvan dahil sa pinaghihiwalay nila si Kyle at Ysabel.

"I know what Spencer did to my sister!" out of nowhere na sabi niya sakin

"I'm sorry!" tanging nasabi ko nalang sa kanya

"Hindi dapat ikaw ang mag sorry! Your sister should be the one saying that to my sister" seryosong sabi niya sakin

"I know! But Spencer is really not in a good condition right now. She doesn't want to talk to anyone and since that day she's having a severe panic attacks" pag papaliwanag ko

After kasi nung maaksidente si Ysabel ay palaging nagwawala si Spencer. She's having a severe panic attacks! I think she's traumatized on what she saw. She can't even sleep without taking sleeping feels.

"Kyle told me everything! He said that your sister is the one who started the bullying" seryosong sabi niya sakin kaya tumango nalang ako bilang sagot. Hindi na ako mag dadahilan dahil totoo naman talaga na si Spencer ang may pakana ng lahat ng nangyari kay Ysabel at sa mga kaibigan nito

"And she's the reason why Daniel transferred to our school" seryosong sabi niya ulit sakin kaya tumango nalang ulit ako

Ang tanging naka usap ni Spencer bago pa man siya mag umpisang mag panic attacks ay si Kyle. Kaya wala si Kyle noong nasa operating room si Ysabel dahil sa kinakausap niya yung kapatid ko bago pa man tuluyan siyang hindi magsalita. At sinabi samin ni Kyle lahat ng sinabi sa kanya ni Spencer.

"I want to know your side of story" biglang sabi niya sakin na siyang ipinagtaka ko

"I thought Kyle told you everything?" curious na tanong ko sa kanya

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon