A glimpse from the past
"Kamusta naman ang 'yong exam?" bungad na tanong sa akin ni Patricia. She is my classmate since first year high school. Nagkahiwalay lang nang magcollege na kami.
Nasa isang waiting shed kami at inaantay si Janine at Crystie na blockmates dahil parehas sila ng course na nursing, Si Patricia naman ay Fine Arts ang tinatake at ako naman ay Political Science because of my Lolo.
"Hay nako, ang gwapo ng prof ko pero mukhang bakla naman."Janine said pagkadating na pagkadating palang sa tambayan namin. Janine really needs to get a braces dahil hindi talaga pantay ang malalaki niyang ngipin.
Actually, Janine is a less fortunate sa aming grupo. She is one of my Daddy's scholar na hiniling ko pa kay Daddy dahil naaawa ako sa kanya.
I met Crystie because of Patricia dahil magkaibigan ang magulang nilang matalik at si Janine naman ay anak ng tauhan nila Crystie sa Lechonan nilang negosyo.
"Exams are done – ano makakapasa ba kayo?" Crystie asked. Well, Crystie's family is a well-know dito sa Cebu dahil sila lang naman ang nangunguna sa business sap ag lelechon dito while si Patricia is much richer than us dahil may-ari lang ng mga hotels ang parents niya.
"Feeling ko babagsak ako. My gosh, Political Science is really not my line." Sagot ko sa kanilang tatlo habang nakamangot. ramdam ko talaga na magkakaroon na naman ako ng tres dahil kahit anong saulo ko at review ko ay nakalimutan ko. "Gusto niyo bang mag shopping tayo and magpasalon?" I continued.
"Ako hindi pwede, you know naman may gig ako." Sagot ni Janine. Umirap ako sa kanya, if I know wala siyang pera at kailangan pa naming pilitin siya at ilibre para makasama.
"I'm in." Kibit balikat na sagot ni Patricia.
"Well, medyo malaki allowance ko this month. Go ako." Sagot rin ni Crystie. "Sagot na kita Janine basta ba ikaw ang gagawa ng assignment ko." Sumunod na sabi ni Crystie.
Kung tamad ako mag-aral mas tamad sa akin mag-aral si Crystie at Patricia na ang tanging gusto lang ay gumimik at makipag dates.
"Sinong target boyfriend mo ngayon, Patricia?" tanong ko sa kaibigan ko na mukhang busy sa kanyang cellphone at parang nilalagyan ng asin ang katawan dahil kinikilig.
"Well, may kachat ako na tiga UC. Pinakilala siya sa akin ng pinsan ko last weekend." Patricia answered. Hindi siya tumitingin sa amin kundi sa kanyang cellphone lang.
"Wala ba siyang friends na pwede rin naming makilala?" Tanong ko bago pumangalumbaba. Makapag boyfriend na rin kaya?
"Oo nga naman para may inspiration din kami, Pat. Hindi lang ikaw dapat." pag sesegunda ni Crystie na malaki ang ngisi. She's not pretty, she's not ugly. Tama lang ba. kayumanggi unlike me na makinis at mestiza dahil na rin sa dugo ni Mommy. They called me young dawn Zulueta dahil nga kamukha siya ni Mommy.
Patricia is literally ugly mapera lang kaya may pambayad sa derma dahil na rin tigyawatin at last month nagpalagay ng double eyelids. Nagbabalak na magparhinoplasty after this semester.
Habang si Janine ang pinakamatangkad at kayumanggi rin pero makinis. Pang model or beauty queen ang dating yun nga lang poor siya at malaki ang ngipin.
"Check ko." maikling sagot ni Patricia sa amin.
"What is these that you bought, Natalia?" tanong agad ni Mommy nang makauwi ako sa bahay. Alas-siyete na ng gabi at kanina pang Alas-Tres natapos ang aming klase.
"What Mommy?" balik kong tanong sa kanya habang iniabot sa isa sa mga maid namin ang paper bags na mga binili ko.
"Yang hawak mo, Natalia. Your father is a mayor, Natalia. You need to keep a low profile at baka mamaya isipin ng mga tao na corrupt ang daddy mo." Sita sa akin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
All too well
Romantik'Cause there we are again when I loved you so, back before you lost the one real thing you've ever known. It was rare, I was there, I remember it all too well