A glimpse from the past
Maaga akong gumising para paghanadaan ang today agenda ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung sino ang hahanapin ko pero sana umayon sa akin ang araw na to at makita kung sino ang kasama ni Daddy.
Natanong ko rin nang hindi nagtataka ang secretary ni daddy na si Tito Arcelo na matalik na kaibigan ni Daddy. Dahil, usually I am asking him kung anong gagawin sa araw na yon para bisitahin siya minsan sa munisipyo.
"Aalis ka anak? Sabado ngayon ah?" tanong ni Mommy nang makita ko siya sa living room namin at minamanduhan kasama ni Manang Irma ang mga kasambahay na nagpapalit ngayon ng mga malalaking kurtina.
"Yes, Mommy. May gagawin lang kaming group study ngayon sa school. Then can I buy a new dress for tomorrow's party?" malambing kong tanong bago niyakap ang mommy at hinalikan sa kanyang pisnge.
Mommy hugged me too.
"Hay nako, ikaw talagang bata ka. Sige. Umuwi ka ng maaga so you can meet your cousin's future wife." Mommy said. I hugged her tightly.
"Yes mommy." Sagot ko at nagpaalam na umalis.
Napagpasyahan namin ni Trixie na sa school nalang magkita para tapusin na rin yung activities namin at si Lucas ay maagang nagpunta at hinihintay na kami dahil magbabasketball daw.
Nang makarating ako ng library ay hinanap ko si Lucas sa may dulo kung saan tinext pa niya ako. Nang makita ko siya ay kumakaway na pala ito sa akin.
Umirap ako bago naglakad papunta sa kanyang table.
"Akala ko sasakit na naman ang tiyan mo eh." Bungad agad ni Lucas.
Walang masyadong tao ngayon kaya hindi kami makakaistorbo kung mag-ingay kami at malayo naman ang librarian kaya hindi kami maririnig.
"Tigilan mo ako Lucas simulan na natin gawin ang activities habang naghihintay kay Trixie." Sagot ko sa kanya.
"Naks, nakakapagtaka kung bakit mo tinanggap yung weirdo na yon eh ang mga kaibigan mo puro mga tiga alta siyudad." Lucas said and smirked.
Inirapan ko siyang muli. "Wala kang pake kung sino kaibiganin ko. Ikaw ba pinapakelam ko?" tanong ko sa kanya.
Nagstart na ako magsulat sa isang yellow pad at ililipat nalang namin mamaya sa power point pag tapos na kaming magdiscuss.
"Well, I am willing to give you a permission na pakielaman ang buhay ko." Sagot ni Lucas na nakapangalumbaba sa harapan ko ngayon habang nakatitig sa akin.
"Hi, sorry late ako." Buti nalang dumating na si Trixie dahil bigla akong nailang sa sinabi ni Lucas sa akin.
Well, Trixie wears her normal nerd clothes.
Tama nga ang hinala ko matalino si Trixie. Wala pang isang oras ay tapos na agad kami kaya mapupuntahan ko agad ang consolacion.
I asked Tito Arcelo kung nasaan ang daddy ngayon and he said he's in municipality, but he has a meeting outside which is hindi niya alam kung saan.
Dati pag tinatanong ko si Tito Arcelo tungkol doon ay wala akong pakielam pero ngayon ay iba na.
I thought Lucas will go and follow us pero pasalamat dahil may nakasalubong siyang kakilala kaya mabilis naming natakasan siya pero joke lang pala yon dahil sumunod nga ang lalaki sa amin palabas sa likod ng school kung saan hindi alam ng bodyguard ko at driver ko na dumadaan ako sa takasan ng mga estudyante dito.
BINABASA MO ANG
All too well
Romance'Cause there we are again when I loved you so, back before you lost the one real thing you've ever known. It was rare, I was there, I remember it all too well
