A glimpse from the past
Natapos ang klase at napasa ko ang mga assignments ko na hindi ko alam kung makakapasa ba ako ? Dahil nang makita ko ang result ng exam ko ay pasa naman.
Kasalukuyan kong hinihintay sina Patricia dito sa SM City Consolocion dahil may gusto akong bilhin na mga dress sa Forme at Mags at maiba naman ang ambiance.
Medyo malayo to sa Pardo parang dulo sa dulo kaya aabutin ng isang oras ang byahe.
Maaga naman natapos ang klase ko half day lang talaga. Tinakasan ko ang kaklase kong si Lucas dahil kinukulit ako sa group work namin. Tinatamad din ako at kailangan ng utak ko ng pahinga saglit dahil hindi naman ako katulad ni Vicente na literal na academically gifted.
Thinking of him, makes me hate him. Charaught lang, I love Vicente kahit malakas siyang mang-asar.
Iniintay ko silang Tatlo dito sa isang coffee shop dahil napaaga ako.
Habang tumitingin-tingin sa paligid ay may isang malaking bagay ang humarang sa paningin ko. Hindi pala bagay kung hindi tao.
"What are you doing here?" tanong ng isang baritonong boses. Napatingala ako dahil parang kinabahan ako at nang makilala ko siya naestatwa ako sa kinakaupuan ko.
"Nagkakape." Mataray na sagot ko sa kanya. Nakakakilabot ang boses niya. Lalaking-lalaki.
"Nagkakape na nakauniform?" muling tanong niya. Hindi ako makatingin sa kanya ewan ko ba naiirita ako sa buhok niya. Paano ba naman lahat ng makakakita sa kanya ay lumilingon at napapabalik ang mga tingin.
"Oo tapos na klase ko. Bakit ba?!" asik ko. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya bagkus ay naupo siya sa tapat ng upuan ko kaya naman napatalon ako at napatingin sa paligid dahil baka dumating ang mga kaibigan ko at makita siya.
Ayokong makita nila si Darious.
"Pwede ba, Darious umalis ka na at huwag mo akong pakelaman kahit na kaibigan mo ang pinsan ko." I said again.
Imagine pag ginupit ni Darious ang buhok niya baka hindi lang lingon-likod ang gawin ng mga bakla't babae sa paligid kundi baka pati mga underwears nila ay malaglag. Yucks!
"Bakit ang sungit mo? Tinatanong lang naman kita and did your cousin knew that you are going here in Consolacion?" Napatingin ako kay Darious. Wala siyang suot na salamin ngayon kaya kitang-kita ko ang almond eyes niya na nagbbrown at ang eyelashes niya na makakapal at mapipilantik. His pointed nose and his curvy lips na kulay pink. I wonder, kung anong gamit niyang lip-gloss? Tanungin ko kaya?
Napalunok ako nang isipin ko at narealise ko na gwapo pala ang lalaking nasa harapan ko kaya pala ang mga babae kung makatingin sa kanya eh wagas!
"I have my bodyguards around kaya safe ako." Pagsisinungaling ko. I will not gonna tell na nagpunta ako dito ng walang nakakaalam dahil tinakasan ko rin ang bodyguards ko. I did not bring my car at sa likurang bahagi ako ng school dumaan it's because gusto kong mapag-isa.
Sumipsip ako sa ice coffee na inorder ko bago matapang na tumitig sa kanya.
"Are you sure? Then tell me what are you doing here? Mas marami at mas malalaki ang malls sa city tapos dito mo naisipan na pumunta at magshopping?" Seryoso pa rin sa Darious na nakatitig sa akin at feeling ko malulusaw na ako sa titig niya.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ko sa kanya para makaiwas sa pang huhuli niya.
"I am living here." Mabilis na sagot sa akin ni Darious. So, tiga dito pala siya. Medyo malayo to sa syudad kaya naman pala hindi siya masyadong updated sa fashion trend ngayon.

BINABASA MO ANG
All too well
Romance'Cause there we are again when I loved you so, back before you lost the one real thing you've ever known. It was rare, I was there, I remember it all too well