Rise 54
Ancient One
“Everyone will someday perish, and that’s why life is precious, because it has an end.”
-EnvoyofDeath by D. SnowNababalot ng makapal na mga ulap ang kalangitan. Tila pinintahan ng kulay abo ang langit. Ano mang oras ay maaaring bumuhos ang malakas na ulan.
Subalit hindi na iyon napapansin pa ng lahat.
Nakatuon ang kanilang atensyon sa isang dambuhalang nilalang sa kanilang harapan.
Ito na ba ang katapusan?
Pinagmasdan ni Luciano ang kanyang mga kapatid.
Si Levinus na nakatayo sa unahan ng batalyon ng mga sundalo habang hawak-hawak ang kanyang espada. Nababalot ito ng dugo subalit walang mababakas na takot sa kanyang mga mata.
Sa likod ni Levinus ay matapang na nakatayo ang Heneral ng hukbo ng Solas, ang kanilang kapatid na si Lorenzo. Puno ng galos at sugat ang duguan nitong katawan pero walang mababakas na takot mula sa kanya.
Hindi nalalayo sa sitwasyon ng dalawa ang kalagayan ni Luciano.
Subalit taliwas sa kanilang tatlo, ang kanilang ama na syang humarap at nakipagsagupaan ng direkta sa halimaw ay ngayo’y nasa bingit ng panganib. Ilang mga emitters ang sanib pwersang pinaghihilom ang mga natamo nitong sugat. Kahit nag-aalala ay walang magawa ang magkakapatid kung hindi ipagkatiwala ang buhay ng kanilang ama sa mga emitters na narito sa battlefield.
Hindi pa tapos ang laban. Kailangan nilang harapin ang halimaw.
Simula noong lumitaw ang nilalang na wumasak sa kalahati ng teritoryo ng Solas at ng kalapit nitong kaharian na Solair ilang linggo na ang nakakaraan, tila ba katapusan na ng mundo para sa lahat.
Nagkasundo ang tatlong kaharian ng Solas, Solair at Kosen na tipunin ang pinakamalalakas na mga Spiritists, Slayers at lahat ng mga handang sumuong sa laban upang sugpuin ang halimaw.
Sa loob ng isang araw na pakikipaglaban, kalahati ng bilang nila ang nalipol ng halimaw.
Kung hindi dahil sa Legion of Black Fire ay marahil mas marami pang buhay ang nalipol. Bilang mga uncles ni Leona, may pambihirang lakas ang legion lalo na ang kanilang pinuno na si Lagi. Maging ang obese subordinate ni Leona na si Tim ay may pambihirang lakas na hindi mahahanap saan man sa kontinente.
Sa likod nila ay ang mga Arbiters. Si Theo, the first, and founder of the arbiters. Si Santy, ang second arbiter at may-ari ng Monarch Aunction House na tanyag sa buong kontinente. Si Amarantha Fauna, the third arbiter and owner of the famous Flower House. Allisa Lentil, the fourth, an assassin and owner of the Blue Rose Guild. Albert Frost, the fifth, owner of the Medicine Tower. And the sixth arbiter, Keith Griffin.
Nakita din ni Luciano ang malapit nilang kaibigan na si Alexander, dating fiance ni Leona noong mga bata pa lamang sila. Sa tabi ni Alex ay matapang na nakatayo ang kanyang kabiyak na si Shalistera, hindi ito nagpapigil at matapang na sumali sa laban.
Naalala ni Luciano ang kanyang sariling pamilya. Nais ding tumulong sa laban ni Maris, subalit dahil sanggol pa lamang ang kanilang anak, pinigilan sya ni Luciano.
Ganoon din si Vivian na asawa ni Lorenzo, kakapanganak lamang nito sa ikalawa nilang supling ni Lorenzo ilang buwan pa lamang ang nakararaan kaya naman pinigilan din ito ni Lorenzo na sumali sa laban.
Taliwas kina Vivian at Maris, matapang na nakatayo sa tabi ni Levinus ang kanyang reyna na si Trinity. Naiwan sa pamumuno ng Crown Prince ang kaharian ng Solas.
BINABASA MO ANG
Rise of Dawn
AdventureRebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***