Rise 1
Rebirth“There is good in the bad, and bad in the good. Just as there are no people that is pure selfless, and pure evil.”
-DistantEden by S. HarperGunshots.
Tila isang pangkaraniwang tunog na lamang ito sa aking pandinig.
Blood. My favorite color.
I learn to embrace it. To appreciate it.
Death.
My bestfriend, and worst enemy.
I’am tainted.
I’am evil.
I’ am nightmare incarnate.
Sa edad na twenty eight ay ako ang nasa top ng most wanted criminals sa buong mundo. Even rebellion group leaders trembles hearing my name.
Marahil ay nagtataka kayo kung paanong ang isang tila napakanormal na Pilipina ay nagkaroon ng reputasyon na tulad ng sa akin. Ulila na ako, at sa edad na limang taon ay naging biktima ako ng human trafficking. Ipinagbenta ako sa isang organisasyon na kumukuha ng mga lamang-loob ng mga bata. Pero ayokong mamatay. Ginawa ko ang lahat para makatakas. Matapos makita ang potensyal sa pagkatao ko, ipinagbenta nila ako sa isang organisasyon na nagsasanay sa mga bata na maging mga mamamatay tao. At oo, puno ng dugo ang aking mga kamay.
Marahil nandidiri kayo sa akin. Pero ginawa ko lang ang lahat ng bagay na tanging makapagliligtas sa akin. Selfish? I know. Pathetic? I know that too.
Ngayon na ako na ang pinakamaimpluwensyang Tao sa underground world, pagod na akong maghiganti. Pakiramdam ko ay malulunod na ako sa dami ng dugo na dumanak dahil sa aking mga kamay.
Naagaw ng tunog ng mga wangwang ng mga pulis ang aking atensyon. Kung saan sila pupunta, I have no idea.
Kasalukuyan akong nasa isang cafe somewhere in Manila. Matapos ang huling assassination na ginawa ko sa Prime Minister ng isang bansa dito sa Asia, mainit ang mga mata ng world government sa akin ngayon. Pero wala silang lead kung sino ako, nasaan ako, at saan ako nagmula. Hindi nila ako matutunton dito sa Maynila. Kahit ang aking mga tauhan ay hindi alam na narito ako.
Pinagmasdan ko ang tasa ng kape sa aking kamay.
“Maam we're closing the cafe ten minutes from now.” pag-inform sa akin ng isang crew nitong cafe.. Ako na lang pala ang tanging customer nila. Malalim na din kasi ang gabi.
Agad kong ibinaba ang tasa ng kape sa aking kamay at binura ang panget na ekspresyon sa aking muka. Isang ngiti ang pumalit dito. “Thank you for notifying me, I guess I lost track of time.”
***
Mag-aalasdies na ng gabi noong makalabas ako ng cafe.
Maingay ang kalye dito sa parteng ito ng kamaynilaan, well kahit saan namang parte ng maynila..
Nakared pa ang ilaw ng stoplight kaya inaliw ko muna ang sarili ko sa pang-aasar sa isang sanggol na buhat-buhat ng isang babae sa harap ko. Nakatalikod sakin ang INA ng bata habang tumatawa naman ang sanggol sa mga ginagawa kong ekspresyon ng muka. Sa tuwing lumilingon yung ina nung bata ay iiwas ako ng tingin at patay malisyang sisipol-sipol.
Napansin ko ang isang babae sa tabi ko na naweweirduhan sa ginagawa ko. Bakit ba? Basag trip naman ang isang ito.
Namalayan ko na lang na nag-green na yung ilaw ng stoplight noong naglakad na yung mag-ina na nasa unahan ko.
Sinimulan ko na din na maglakad pero agad natigilan noong marinig ang malakas na busina ng isang malaking truck.
“Tabi! Tabi! Nawalan ako ng preno!” sigaw nung driver
BINABASA MO ANG
Rise of Dawn
AdventureRebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***