013

84 7 51
                                    

Meigan's Pov.


binabalot ako ng takot dahil sa mga malalaking mata na 'to, tinakpan ko ang tainga ko habang ang braso ko naman ay nakaharang sa muka ko, napa-luhod ako sa takot at napaluha.

Tumaas lalo ang takot ko at balahibo ko nang may kumalbit sa 'kin.

"No! go away!" sigaw ko at napatayo, napahinto ako sa pag takip ng tainga ko at muka ko, pero nakapikit pa ang dalawa kong mata dahil sa takot na makita ang mga nakabalot sa paligid na malalaking mata.

Nang paatras na sana ako bigla nitong hinila ang braso ko.

Hinila niya ang braso ko dahilang mapalapit ako sakaniya at mabunggo ang dibdib niya. Hinaplos niya ang ulo ko at sabay lapit ng labi niya sa tainga ko.


"It's okay, you're safe" he whispered.


Napaluha ako lalo dahil ramdam ko pa ang mga nakabalot na mata dito sa paligid. Tinakpan ko ang muka ko gamit ang pagtago sa dibdib niya.

Dahan dahan siyang nag lakad na hawak hawak ako.

Ramdam kong papalayo kami sa ilaw at pumasok sa dilim, mas lalo akong natakot dito. Nang nasa dilim kami ay may narinig akong tunog ng pintuan, binuksan niya 'to.

Hindi ako makatingin sakaniya at sa daan dahil nakatago parin ang muka ko sa dibdib niya. Sumilip ako ng unti at nakitang may pintuan na nakabukas sa harap namin, mailaw sa labas.

Dali dali kong binalik ang pagtago ng muka ko sa dibdib niya.

Ramdam kong pumasok o lumabas siya sa pintuan, umilaw ang paligid.

Patuloy parin siya sa paglalakad habang ako ay naka-kapit parin sakaniya niya at tinatago ang muka ko.

Huminto siya nang mag ring ang phone niya. Dahan dahan ko namang inalis ang muka ko sa pagtago sa dibdib niya at napatingin sa paligid, mailaw ang paligid, nasisilap ako dito at lumalabo ang paningin ko dahil dito.

Nasisilap ako sa mga ilaw at parang gusto ng katawan kong bumagsak at magpahinga.

Dali dali kong tinignan ang kinakapitan kong tao at ito yung lalaki kanina. Sumarado ang mata ko at bumagsak ang katawan ko sakaniya.



Nawalan ako ng malay.







Khlouie's Pov.


Nasa labas ako ng classroom ko kasama si ella, kakadating lang namin dito.

"Get inside" sabi niya habang nakatayo sa harap ko.

Tumango ako, "ikaw din, pasok kana baka malate ka"

Tumango din siya pabalik.

"Alright, bye" paalam niya sa 'kin at sinimulan ng mag lakad papalayo.

Pinag-mamasdan ko muna siyang lumakad papalayo bago pumasok sa classroom ko. Napalingon ako sa loob ng classroom ko at nakitang nag kakaguluhan sa loob.

Napalingon din ako sa paligid ko at parang nagkakaguluhan din dito.

Lahat ng studyante dito ay nag bubulungan at parang may chinichimis.

Pumasok na 'ko ng classroom at hindi ako sanay dito dahil wala si meigan.



Wala si meigan na laging andiyan.



Napa-bugtong hininga ako at dumiretso sa upuan ko, nilapag ko ang bag ko sa upuan at binuksan 'to, nilabas ko ang laptop ko at nilapag sa lamesa.

THE GIFTED UNIVERSITYWhere stories live. Discover now