Ejay's Pov.
Nakatayo lang ako sa gitna ng daan ng canteen habang nakatutok sa cp ko.
May kumalabit sa 'kin at doon ako napahawak at inalis ang atensyon ko sa cp.
"Kanina kapa diyan nakatayo iho, ok ka lang ba?" tanong nang matandang babae na kumalabit sa 'kin.
"Ah opo" sagot ko naman "ok lang po ako" dagdag ko.
"Osya sige, ako'y may pupuntahan pa iho, mag ingat ka" sabi naman ng matandang babae bago umalis.
Muli kong tinignan ang cp ko at wala na ang message na dumating kanina, pati yung picture.
Nataranta ako dito at sinubukang isearch ang number nang nag text sa 'kin kanina pero wala.
—
Naglalakad ako habang ginagamit ang cp ko dahil patuloy parin ang pag hahanap ko sa number kanina. Hawak hawak ko din ang plastik na ang laman ay mga gatas na pinabili ni kissa kanina.
Habang nag lalakad ay bigla akong napahinto nang may tumawag sa cp ko.
Sinagot ko naman 'to.
"Ejayy"
It's kissa.
"Kissa? bat ka napatawag?" i answer.
"Saan kana? Bat ang tagal mong bumili ng gatas?"
"Ah.." napakamot ako sa ulo ko "ang haba kasi ng pila" dahilan ko.
"Bilisan mo, tagal tagal e"
"Oo na, papunta na" sagot ko.
"Bilisan mo, biliss" sabi neto bago binaba ang tawag.
Dali dali kong inilagay ang cp ko sa bulsa ko sa likod at nagpatuloy na sa pag lalakad.
Iniisip ko parin yung number kanina na nag text sa 'kin, hindi mawala sa isip ko 'yun, siguro dahil sa picture na kasamang sinend dito? ewan, basta ang random lang kasi at ang weird kung ganon ang sinisend.
Kung na wrong number man siya o hindi sana naman ok lang yung babaeng nasa picture.
Iniling ko ang ulo ko at nag focus sa pag lalakad.
—
Nasa labas na 'ko ng pintuan ng dorm ko at bubuksan ko na sana 'to nang napatingin ako sa door knob, may papel na maliit dito na naka dikit.Napakunot noo ako at kinuha ang papel na maliit na nakadikit sa door knob, hindi ko muna 'to binasa at binuksan na ang pintuan at pumasok na.
Inilapag ko ang plastic sa couch at umupo, huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko.
"Andiyan kana pala" rinig kong nag salita si kissa, napamulat ako at napatingin sa gilid ko.
Tumango ako bilang sagot, "andiyan na din yung pinapabili mong mga gatas" dagdag ko bago ulit sumandal sa couch.
"Oh right, thank you!" kinuha niya ang plastic na nilapag ko sa couch na katabi ko.
"Ano yan?" Tanong niya, napatingin naman ako sakaniya, "ang alin?" tanong ko pabalik.
"Yang maliit na papel" sagot niya.
YOU ARE READING
THE GIFTED UNIVERSITY
Horror'a famous mystery university where students started to go missing & dying.' Some student who study there are friends and some of them aren't, they build their friendship so healthy but an betrayal happened, An unhealthy end of their friendship. This...