006

135 9 32
                                    

Khlouie's Pov.

nakaupo kami ni meigan sa isang upuan na nasa harap ng library habang ang mga pulis ay iniimbistigahan ang nangyare sa likod ng library. May ambulance naman sa gilid namin para icheck kami kung ok lang ba kami.

Nakatulala kami ni meigan at na tra-traumatize parin sa nakita namin.

"Are you guys sure wala kayong nakita?" tanong ng pulis, may kasama siyang nurse.

"W-wala po.." utal utal na sabi ni meigan.

"Sigurado kayo?" tanong ulit ng pulis.

"Wala po talaga" tumingin ako sa pulis at nanginginig dahil sa takot.

"Nurse, paki-asikaso sila" utos ng pulis sa nurse na kasama niya.

Tumango ang nurse at lumapit samin.

"Okay lang ba kayo?" tanong ng nurse saming dalawa.

"Opo okay lan-" naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita sa gilid ng nurse.

"Hindi" nagsalita siya, "hindi po sila okay" dagdag niya.

Napalingon kami ni meigan sa gilid ng nurse at nakita si..



Rey.



Napalingon din ang nurse at napangiti.

"Anak" sabi ng nurse, "andito ka pala" dagdag ng nurse.

Nanlaki ang mata ko nang tawagin ng nurse si "rey" na "anak".

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng nurse.

"I just wanna check them if they're okay" sagot ni rey.


"Kilala mo ba sila anak?" tanong ng nurse, tumango naman si rey.


"Kaibigan" dagdag ni rey.



Wow? after mo 'ko hindi pinansin sasabihin mo kaibigan?



"Ah ganon ba anak? pwede mo ba silang tignan saglit at may kukunin lang ako sa loob ng ambulansya" nginitian ng nurse si rey at niyakap.

Tumango si rey.


Hindi man lang siya ngumiti, aray.


Tumayo si rey sa gilid ko at nanahimik, tumingin naman ako kay meigan at nakatulala parin ito.


She's so traumatized..


"Okay ka lang?" lumapit ako unti kay meigan.

Tumingin siya sa 'kin, kitang kita ko ang mga mata niya na takot na takot at gustong umiyak dahil sa takot.

"She's not definitely okay" nagsalita si rey.



Aba, pasalamat ka pogi ka.



"Khlouie, narinig mo ba yun?" tanong ni meigan habang nakatitig ng masama kay rey.

"Ha? ang alin?" tanong ko naman.

"Yung nag salita" sagot niya, "nabingi kasi ata ako kaya hindi ko narinig ng maayos" dagdag niya.



Mag-kaaway ba sila? baka enemies to lovers kayo diyan ha, wag.



Napatingin si raze samin dahil sa sinabi ni meigan.

"Hoy, ano ba manahimik ka nga" siniko ko siya.

THE GIFTED UNIVERSITYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang