""Salot!" kung kami ay ituring ng lipunan.
"Bayot!, Bakla!, Bading! Shokwe" at samu't saring pangalan ang itinatawag samin sa tuwing kami ay lalabas ng kabahayan.
Kung minsan pa sinasabihan pa kami na "Mga anak kayo ng demonyo" na kung saan nakakaapekto na ang aming pagkatao.
At kadalasan ay hindi nakakahanap ng tunay na nagmamahal dahil para sa kalalakihan pera lang ang nais hindi ang puso.
Talagang napaka unfair ng mundo para sa amin. Kung hindi kami lalaitin or pagtatatwanan. Kundi paasahin, peperahan at sa saktan.
"ANO BANG KALASANAN NAMIN SA MUNDO BAT PARANG ANG BIGAT NG PASANIN NAMIN SA BUHAY?"
Oo, inaamin ko, masaya kaming makita sa daan, lalo na't kung nagiinuman.
Kapag kasama mo kami hinding hindi ka mauubusayan ng saya, kung may unli text kami ay may unli tawa.
Kami yung tipo ng tao na parang walang problema. Magaling makisama, magaling umunawa kahit na di ninyo alam na ang sakit sakit na palang itago ang saya sa kadiliman.
Tama ka!
Habang pinangingiti ka namin hindi mo alam, kapag kami solo na madalas kaming umiiyak para pag daanan ang sarili namin problema na hindi niyo nakita dahil busy kayo ka katawa na halos maluha luha na kayo sa hiyawan at kung minsa'y may kasama pang palakpak.
Oo nga't bakla kami, ngunit may ambag kami sa mundo.
Ano?
Hindi ko na kailangan pang isa isahin pa sayo dahil biniyayaan ka ng Diyos ng dalawang mata upang makita mo taong may problema sa wala. Hindi para gamitin sa panlalait ng kapwa.
Oo nga't bakla kami ngunit may ambag kami sa mundo.
Madali man samin ang patawanin kayo ngunit kailangan pa naming mag doble effort upang makuha namin ang halakhak nio. Ayan kami. Bakla is happiness. Kung wala kami wala kayong happiness. Tandaan niyo yan.
Kaya ang tanong ng marami..
Bakla! Bakla! Pano ka ginawa?Ayan ang dapat mong abangan sa kung saan kami nagmula.
"
Translate this to English
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanfictionA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.