Dahil sa mga hindi magagandang pangyayari sa mga nagdaang mga araw nagtungo si Toto sa Gulod (isang mataas na burol na kita ang buong syudad) upang mag muni muni at makapag-isip.
MONOLOGUE: Habang tumagal lalong humihirap ang sitwasyon. Lalong gumugulo. Hindi na ako makahinga ng husto. Nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit. Hindi ko alam kung sino ang pagsasabihan ng totoong nararamdaman ko.
Bakit kaya? Bakit dapat mangyari ang lahat ng ito?ano bang nagawa ko? Alam kong wala namang akong ginagawa? Masama bang maging silalis? Masama bang mainlab? Masama bang magmahal? Pero sino ba? Para kanino ba talaga ang puso ko? Natatakot akong magkamali baka isang araw mawala ang mga taong mahal ko. Natatakot ako.
Sana po gabagayan mo po ako sa mga desisyon ko sa buhay. Sana po iguide niyo po ako sa tama at sana po wag po.. Wag niyo pong ilayo sakin ang taong nagpapasya sakin. Please po.
----
Nagulat si Toto nang biglang may nag takip ng kaniyang mga mata habang siya'y nakatingin sa malayo.
"Reb?" ang hula niya.
Natawa ang taong nag takip ng kaniyang mga mata.
"Sabi na nga ba ee ikaw yan. Hindi mo rin pala ako magtitiis" malumanay na wika ni Toto.
"aba teka sino si Reb?" tanong ni Xyrene o Rere.
Nanlaki ang mga mata ni Toto ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Bigla siyang napalingon. Nasurpresa siya sa nakita.
"Xy! Insan! Kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ni Toto.
Si Xyrene ang kababatang pinsan niya na lumaki sa kanilang probinsiya. Si Xyrene Labueste ang kaniyang pinaka pinagkakatiwalaan pinsan sa kaniyang mga kamag anakan. Si Xy ay honor student at may kaya. Maputi, mahaba ang buhok na may pagkakulot ang dulo. May magagandang mga mata. May matangos na ala italyana ang ilong. Mapupula ang mga labi at balingkinitan. Bata palang ay nagmomodelo na ito sa iba't ibang mga produkto. Napaswerte ng batang ito dahil bata palang nakahiga na siya sa pera hndi tulad ni Toto na sakto lang ang pamumuhay.
Nagyakapan ang dalawa sa tuwa.
"kailan ka pa dumating Rere?" masayang tanong ni Toto.
"Kagabi lang Insan." sagot ni Rere. "Teka! Sino pala si Reb? Jowa mo?" curious na tanong ni Rere habang nakataas ang kaliwang kilay nito.
Nabigla si Toto sa tanong ng pinsan at tila namawis ang kaniyang kilig kilo sa kaba
"Ah.. Eh.. Bff ko un Insan." ligtas na sagot ni Toto.
"Bff? Eh diba si Athan ang Bff mo? You mean nagpalit ka na ng bff?" curious na tanong ni Rere.
"hindi na kami okay sa ngayon ng mokong na iyon" panginiwing wika ni Toto.
"oh bakit naman? Ano ba ang nangyari sainyong dalawa? Kuwentuhan mo naman ako Insan" marahang sabi ni Rere.
"Naki mahabang kwento Insan. Wag na at baka abutin pa tayo dito ng gabi hindi pa tayo natatapos." sagot ni Toto.
"Sabagay!" wika ni Rere.
"Teka ano palang ginagawa mo dito?. Eh diba sabi mo wala kang balak pumunta dito." tanong na may pagtataka ni Toto.
"Ano ka ba char char lang yorn Insan. Syempre namiss ko kayo ni Lola G." Sabagay hawi ng buhok ni Rere kay Toto.
"tologo long huh!" pang aasar ni Toto.
"Oo nga Insan kaya dito na muna ako mag-aaral para may kasama kang magbantay kay Lola Ganda." masayang bigkas ni Rere sa kausap na may buong kagalakan.
"Wow! Talaga Insan!?" Masayang sambit ni Toto.
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanfictionA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.