MADLANG KRITISISMO

18 0 0
                                    

"Madlang kristisismo

Bakla! BAKLA!
Kung ipagsigawan ay malala.
Kapag paulit ulit mong naririnig para kang pinupunit kang bigla.
Nakakasakit, nakakababa
Nakaasar, masarap manapak bigla
Pero hindi pede, masama.

Ganyan ang nararamdaman ng isang bakla
Kapag mga sinasabi ay masakit sa tainga
Animoy lahat nalang ay mali sa kanilang mapanghusgang mata,
Kilos mo'y palaging pinupuna.
Wala kang naging tama sa paningin nila.

Oo nga't isinilang silang magpasaya,
Upang lungkot niyo ay mawala
Pero bakit ganun kayo tila may hindi tama,
Pagkatapos ninyong tumawa, pagtalikod nila ay pag aalipusta.
Nakakadurog ng puso diba?

Kaya sanay matuto tayo rumespeto sa mga bakla
Dahil tao sila hindi animal para ihabla.
Hangad nila ang tamang hustiya
Na tanggapin at mahalin ng madla.
Dahil ang bakla, may puso't nasasaktan, kaya tama na.

Hindi nila kasalanang magkamali ng katawan,
Hindi nila mali na bigyan sila ng ibang kasarian,
Hindi nila gustong magkamali ng nararaman,
Dahil sila ay tulad natin may karapatan,
Mamuhay ng wasto na may kaligayahan.

Tama ka, lumikha ang Diyos ng Eba at Adan
At lumikha ng tomboy at kabaklaan
Nais niyang maging makulay at mundo puno ng kaligayahan
Dahil alam niyang kami ang sagot sa problemang,
Magpapagaan gamit ang taglay nilang sayang kapangyarihan.

Kayat siguro panahon na upang magbago,
Ang dating ayaw ngayon ay gusto.
Tama na ang panunukso, Dapat magmahalan tayo.
Ibigay na natin sa kanila ang tamang respeto,
Dahil kapag nakamit nila ito, sa saya ang mundo panigurado.

Bigla siyang nagbow pagkatapos mag tula ni Toto.

Nagpalakpakan ang lahat ng kaniyang mga kaklase.

"Ang galing! Grabe ang husay ng tula mo Toto." masayang sambit ni Teacher Ae

"maraming salamat mam" sagot ni Toto habang nakangiti at proud sa sarili.

"Sino naman ang naging inspirasyon mo upang makagawa ng napakagandang tula?" tanong ng guro.

"Mam ito po kase yung mga napapanahon ngayon. Maraming mga bakla na natatakot lumabas sa sarili niyang kloseta dahil natatakot po silang mahusgahan ng lipunan." sagot ni Toto.

"Mahusay na sagot Toto. Pero maari mo ba kaming kuwentuhan ng mga taong kilala mo na hirap lumantad bilang isang bakla?" muling tanong ni Teacher Ae.

Napalunok bigla si Toto sa tanong ng guro at medyo nanlamig. Ngunit nagpatuloy siya.

"Sige po Mam. Meron po pero hindi ko na po babanggitin kung sino siya. Magpahanggang ngayon po kase Mam sobrang takot syang magladlad dahil mga pinupukol na hindi magagandang salita sa mga bakla. Kahit din siya ay nabully noon nang kanilang mga kaeskwela nung malaman ang pagkatao niya ng ilan. Nalumo siya dahil tinawag siyang anak ng demonyo, salot sa lipunan." nalulungkot siya habang nagsasalita ngunit hindi nagpapahalata at nagpatuloy si Toto sa pagsasalita.

" Gayundin po nung mapadaan siya sa isang kapitbahay na kinakausap ng ina ang kaniyang anak. Ang sabi ay wag kang tutulad sa mga bakla anak. Ang tanong ng kaniyang anak ay bakit po Ma? At ang sagot ng kaniyang ina na hindi sila nilalang ng Diyos. Ginawa sila ng mga demonyo upang maghatid ng problema sa mundo kaya iwasan mo sila anak at wag kang gagaya sa kanila dahil masasama silang tao. Sabagay sabi ng anak na Opo Ma. Mga ganun salita ay nakakadurog sa pagkatao ng isang lalo nat nang may isang Manong nang mapadaan ako pauwi sa amin na tinataboy ang isang binatilyong bakla na bumibili sa kaniyang tindahan. Sinisigawan niya ito at pinaaalis. Hindi niya pinagbibidahan ika nga niya na mamalasin daw ang tindahan niya kapag hinayaan niyang may bumili sa kanyang bakla o tomboy. Binasa pa niya ito ng tubig upang maitaboy. Bumibili lamang ito ng sardinas upang may maiulam ngunit sa kasamaang palad ay nakatanggap ng pang aapi sa kapwa. Hindi makatarungan ang mga ganung klaseng tao. Sobra akong nasaktan kaya't nilapitan ko po siya upang tulungan. Kinuha ko sakanya ung pera at ako na ang bumili sa tindahan ni Mang Daryong. Nang maiabot sakin ang lata sabay ko siyang tinanong na bakit ka po ganun ang turing niyo po sakanya? Tinuro ko ang binata. Sabay sabay nag mura siya at sinabing salot yang baklang yan. Dapat yan sinusunog at hndi binubuhay ng sinilang ng kaniyang mga magulang. Nakakapurwisyo lang. Hindi ko po napigilan ang aking sarili at pinagtanggol ko ang binata. Nawalang galang po ngunit wag naman po kayong matabil ang dila upang mambastos ng tao. Wala po siyang kasalanan kung pinili niyang maging isang bakla. Hindi po tama na sabihan niyo siya ng masasakit na salita at buhusan ng tubig sa mukha. Tao din po siya na likha ng Diyos, may puso, nasasaktan. Hindi po purwisyo dahil ang pagkakamali at kamalasan ay nasa tao. Wala po sa pagiging bakla. Dapat respetuhin po natin sila hindi po yung hihilain natin sila pababa para masabi nilang hindi sila tanggap sa lipunan. Sabagay nakikinig po ang Diyos at nakikita ka niyang ganyan ka sa kapwa mo kaya't pasensyahan nalang po kung balang araw ay bibigyan ka niya ng hatol na tiyak na hindi mo magugustuhan. Kaya't sanay humingi ka na ngayon ng kapatawaran." napatigil si Toto sa paglalahad.

Bakla! Bakla! pano ka ginawa? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon