"Si John Ruebert Miñano a.k.a "Reb" ay ang campus crush ng Don Juana Esperanza High School.
Anak mayaman. Matipuno. Matangkad. Gwapings. Matalino. Varsity Player. Halos nasa kanya na lahat ng katangian ng nais mo sa isang lalaki.
Sino ba naman ang hindi maiinlab sa isang mestisong chinito na kissable lips. HINDI mayabang. Hindi presko. School work lang ang alam at may kaya sa buhay.
Class president. Magaling makisama. Down to earth. At nakikisabay sa trip. At higit sa lahat walang bisyo.
Alam mo agad kapag paparating na siya sa school dahil malayo palang parang nasa palengke ka dahil sa ingay ng mga tili ng mga kababaihan at kabaklaan. Tinalo pa ang F4 sa hiyawan dahil animo'y artistahin ang dating sa madlang people.
Lahat ng mga kakabaihan at kabaklaan ay updated sa buhay ni crush. Lahat kami nagkakanda ugaga kapag may balitang may laban siya sa school. Either sa sports man o sa other extra curricular activities lahat block buster sa dami niyang supporters. Parang si Lee Min Ho ng South Korea. Oh di ba, Kabog! Pakak!
Bell ringing!
Nagmamadaling lumabas si Toto dahil may tatapusin pa siyang assignment ng biglang.. Boooogh!
"aray!" ang sabi ni Toto nang mapaupo sa pagkakabangga. "Nyemas naman, hindi kase-" napatigil siya sa kaniyang nasabi nang marinig niya ang pamilyar na boses nito.
"I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Reb kay Toto.
Napatulala si Toto nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Para siyang nasa loob ng freezer na biglang nanigas ang kaniyang buong katawan. Hindi na siya makagalaw. Kahit na nadidinig niya ang mga sinasabi ni Reb ay tila nabablanko siya sa sunod na gagawin. Ngunit may musiko na tumutugtog sa isipan niya na siya lamang ang nakakadinig. "ikaw ang sagot"
"Hey! Are you okay?" pagsigaw na tanong ni Reb.
"Ahh.. O-..Oo. Oohk-kkkey la.. Lang ako." sabay takbo ng matulin na parang nasa karera upang umiwas sa kausap.
"huh!? Anong nangyari dun!?" napakamot sa ulo nang makita niya ang reaksyon ng binatilyo habang papalayo. "ang weird!?" napangisi nalang siya sa nakita.
Nang makarating si Toto sa CR ay para siyang nakipagkarera na hingal na hingal. Lumapit siya sa gripo at naghilamos. Kinausap ang sarili sa salamin.
"Hays.!!! Para akong tubig na ginawang bloke kanina. Nakakahiya. Buti nalang lahing magnanakaw to kaya ang bilis kong tumakbo. Thank you self. (ngumiti na kinikilig) pero thank you G dahil nakasalubong ko si Crush! I crush you Rebreb." sumigaw siya sa sobrang saya na kinikilig.
Bowl Flush!!
Biglang may lumabas na lalaki mula sa cubicle. Isang pamilyar na boses ang muli niyang narinig.
"grabe crush mo pala ako ah!" biglang tumawa ng malakas si Reb na may pagka mean.
Muling nabigla si Toto sa kaniyang narinig. Na laki ang kaniyang mga mata matapos niya itong imulat at makita ang lalaking nakasilip mula sa kaniyang likuran.
"anong nakain mo bat crush mo ko?" mean na tanong ni Reb kay Toto.
Biglang naging lalaki si Toto. "Crush!? Hi-hhhindi ah! Ako mag kaka crush sayo Pre? Teka bakla ka ba Pre?" pagpapanggap ni Toto habang kabado.
"hindi naman ako bingi para hndi ko marinig yung mga sinabi mo. Tyka, ekskyus me, hindi ako bakla baka ikaw? Na biglang sagot ni Reb.
"Ah ganun ba!? Pasensiya na Tol. Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Reb.
"Oo Tol okay lang ako!" buong boses na sagot ni Toto.
"Oh siya, mauna na ako kase may tatapusin pa akong assignment." ngunit ito ng may pagpungay ng mga mata. Animo'y nagpapagwapo sa kausap habang siyang naglalakad papalayo at nakaaway sa kausap.
Habang si Toto naman ay nakatulala na parang may angel na nakita. Bakas sa mukha nito ang kilig.
Sa di kalayuan ay sinisipat siya ng kaniyang bes na si Athan. Nagtataka ito sa reaksyon ng kaibigan na tila ngayon lamang niya nakita ang ganitong reaksyon nito.
"Huy Bes! Huy!" pagtawag ni Athan kay Toto.
"Ay baklang palaka!" biglang nagulat siya sa pagtapik ni Athan.
"Oh anong nangyari sayo? Bat para kang bakla kung magulat? Wag mong sabihin bes na bumibigay ka na?" curious na tanong ni Athan na may halong biro.
"tsk! Ako bakla? (nilabas ang muscle ng braso) baka iuntog kita dito sa maskels ko!" pabirong banat ni Toto.
"Eto parang biro lang ee (sabay akbay ni Athan) hindi ko na ba pwedeng bituin yang bes ko?" sabay kurot ni Athan sa pisngi ni Toto na may paglalambing.
Namula si Toto ng bahagya. Tila may kiliti syang naramdaman na nagpatibok ng puso niya. Napangisi siya ng sobra.
"oh bat parang namumula ka ata bes? Wag mong sabihing pati ako crush mo?" pabirong sabi ni Athan.
Biglang napabulong ng bahagya si Toto. "Oo"
"Anong sabi mo bes?" sabay halakhak ni Athan sa patuloy nitong pang aasar sa kaibigan.
"Ahm hindi.. Ang sabi ko.. Tara na't umuwi na tayo at anong oras na!" bahagyang tarantang sagot ni Toto.
"Oh siya hatid na kita baka magalit si tita Babes." pagsang ayon ni Athan sa kaibigan.
Habang naglalakad ay may nakasalubong silang isang baklang nagpapansin kay Athan.
"Hi pogi!" Saad ng dumaan.
Natawa si Athan sa sinabi ng nakasalubong at nagsabi ng sama ng loob. "Bat pa kase may bakla sa mundo nakakakilabot. Hahahaha. Kadiri.."
"Grabe ka naman bes kung makapag sabi ng Kadiri sa tao." pagtatanggol ni Toto.
"Anong grabe dun Bes? Ee deserve nilang makarinig sakin ng hindi magandang salita kase hindi sila maganda sa paningin ng nakararami. Tignan mo oh, ang sagwa nilang tignan." natatawa ng mejo bwisit na sabi ni Athan.
"Bes, sobra ka na kung magsalita. Tao din sila at nasasaktan kaya Please tama na." Inis na wika ni Toto.
"okay fine bes (tinaas ang dalawang kamay) . Shut up na ako! Naku kapag ikaw babakla bakla ka a-" putol na wika ni Athan dahil nagsalita si Toto.
"na ano? Tyaka wag kang mag alala lalaki ako kaya labas ako diyan" kabadong sagot ni Toto.
"Good bes! Kase kapag naging tulad ka nila to be honest lalayo ako sayo kaya please hayaan mo na yung kabataan natin na Super lambot mo nun. Okay!?" Saad ni Athan.
Napabuntong hininga si Toto. Makakaasa ka bes. (nag fist bomb)." Napalunok ng laway si Toto sa mga sinabi sa kaibgan.
Nagpatuloy sa kanilang paglalakad at di kalaunan ay na ihatid na ni Athan si Toto.
"salamat sa paghatid bes! Bukas ulit!" Saad ni Toto.
"sige Pre! Mauna na ako!" pagpapaalam ni Athan sa kaibigan.
Habang naglalakad papalayo si Athan ay sinundan niya ito ng tingin na may pag ngiti. Animo'y may konting kilig sa mga nangyari sa kanilang dalawa habang papauwi. Hindi maawat ni Toto ang tunay niyang nararamdaman kay Athan ngunit hindi maaari dahil sa mga sinabi nito kanina lang. Ninais na lang niya itong itago kesa magsabi dahil alam niyang masisira ang kanilang pagkakaibigan sa mahabang panahon. Mahal niya si Athan kaya't hangga't kaya niyang itago ay itatago niya ito.
"
Translate this to English
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanfictionA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.