"Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang kwentong ito!" 😭 umiiyak ng husto si Toto sa pagdadalamhati.
"Papa G bakit naman ganito? Sobrang sakit! Hindi ko kaya!" pagpapatuloy ni Toto habang kausap ang panginoon.
Yun na nga. Biglang gumuho ang makulay kong mundo sa isang iglap. Sa tingin ko hindi talaga ako mahal ng Diyos dahil kung mahal niya ako hndi niya hahayaang mawala ung kaisa-isang taong tunay na nagmamahal saakin ang aking ina.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula gayong wasak at durog ang puso ko nung nawala siya.
Kahapon lang, masaya kaming nagkukukulitan. Pinipisil pisil ko pa nga ung mga pisngi niya. Kinakagat kagat ko din ang mga daliri niya at kinikiliti bilang pagpaparamdam ng pagmamahal sakanya. Ganun kami kapag walang pasok. Sakanya lang ako nakafocus dahil mahalaga saakin ang sabado at linggo dahil ito ung mga araw na nagbobonding kami ng malala ng mama ko.
Ako taya kapag wala akong pasok. Ako ung gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at ang gagawin ko lang ay alagaan si Mama. Syempre sa tagal ng panahon na siya ang gumagawa nito saakin dapat ngayong marunong na ako ay ako naman ang magbalik nito sakanya.
Mahal ko Mama Emi. Siya ang superhero ko. Kahit alm hindi kong hindi niya ko tanaw ay ramdam ko na nakikita niya kung ano ang nasa puso ko. Kapag hinahaplos niya ako ng mga palad niya ay ramdam ko ang init nito at nagiging kalmado ako. Masarap kayang hinahaplos ng ina ang buhok mo habang nakahiga sa mga huta nito habang naririnig mo ang malamyos niyang mga tinig habang inaawitan ka ng sa ugoy ng duyan.
Nakakamiss. Lalo nat sa hapag kainan. Favorite niya ung luto kong nilaga. Kapag wala akong pasok nilaga agad ang una kong niluluto dahil excited yn makahigop ng sabaw. Tapos may reward pa akong halik sa pisngi mula sakanya. Tapos habang naglilinus ng bahay nagkakantahan kaming dalawa. Ang hndi niyo lang alam na isang amateur singer ang aking ina. Isa siyang kampunato sa kanilang probinsiya. Sumasali siya sa lahat ng mga patimpalak sa pagkanta at lahat un nanalo siya.
Actually, kilala si mama sa bayan nila bukod sa malaanggel na tinig niya kundi sa pambihira niyang kabaitan sa pagtulong sa kanilang komunidad. Masasabi kong swerte ako at siya ang aking ina. Kaso...
Kinuha na siya ni Papa G. 😭
Lalong lumala ang sakit ni mama na diabetes kayat naging sanhi ng kaniyang pagkabulag. At hanggang siya ay nanghina ng husto kaya naging bedridden na siya, at tuluyan na siyang kinuha kahapon ng wala akong kamalay-malay.
Ang sakit Papa G. Na naschool ako ng mga araw na yun tapos ang sakin nang malaman kong wala na si mama. Halos gumuho ang mundo ko. Ang sakit!
Pagkauwe ko ay sinalubong agad ako ng aking lola at niyakap ng mahigpit habang umiiyak. "wala na ang mama mo apo!" kayat napayakap ako ng mahigpit at sabay humagulhol ng husto.
Pinuntahan namin siya ni Lola G sa morge doon sa hospital. Pagkatanaw ko palang sakanya ay nanlambot ang aking katawan na hindi ko alam kung anong emosiyon ang nataramdaman ko. Gusto kong sumigaw ng napakalas pero hndi ko siya magawa. Gusto kong tumakbo pero nanghihina ako. Hanggat pinilit ko lumapit sakanya at bigla nalang pumatak ang mga luha ko nang tumambad na ang kaniyabg mukha. Doon ako sumigaw ng napakalas.
"Ma, tumayo ka diyan, please. Hindi ka patay. Umuwi na tayo ma." pinipilit ko siyang hilahin at patayuin ngunit mabigat na siya.
"Ma, hindi. Hindi ko kayang mawala ka. Tara nat umuwi na po tayo." Niyakap ko siya. Pinisil ko ung mga pisngi niya. Kinagat ko ung mga daliri niya dahil akala ko babalik siya. Pero hindi. Hanggat sumuko na ako. Wala na akong magawa kundi ang umiyak ng husto.
Kasma ako ni Lola G nang ihatid si mama sa funel homes sa Nueva Isidro. Pagkalapag ng mama ko ay muli ko siyang ginigising para umuwi ngunit wala na talaga. Hindi agad siya na imbalsamo dahil ayoko pa siyang ipagalaw dahil sa inaakala konf ibabalik oa siya saakin ng panginoon. Naghintay ako. Muli ko siyang niyakap. Kinantahan. At paulit ulit na pinisil ang pisngi. Matapos ang isang oras ay pinigilan na ako ng lola ko.
"Tama na apo, kailangan na nating tanggapin ang lahat na wala na si mama mo. Tahan na. Halika na. Please." sabi ni Lola G upang pigilan ako na may pagmamakaawa.
Tumigil ako at tumayo ng may mabigat na nararamdaman. Niyakap ako ni lola at doon lalong bumuhos ung emosyon ko dahil heto ang huling pagkakataon na nahawakan ko ulit si mama."
Inakay ako ni lola sa lobby ng funerl homes para pakalmahin at pakainin pero nanatili akong umiiyak at walang gana.
Pagkatos ng ilg minuto. Hindi ako mapakali at gusto ko siyang makitang muli kayat nagtungo ko muli ako sa labi ng mama ko para hawakan. Yakapin at kausaping muli. Pinipigilan ako ng lola ko peo hindi ako nagpigil. Agad akong nagtungo sakanya at nang makita ko siyang muli ay muling bumuhos ang luha ko.
Nilapitan ko siya at niyakap. "Ma, kahit masakit ay tatangapin ko na wala ka na. Sana huwag mo po akong pabayaan at palagi mo po akong bantayan. Kami ni lola. Napakasakit na wala ka sa piling ko kase ikaw lang ang aking sanggalang sa lahat ng bigat na pasan ko buhay ko. Wala na po akong mapagsasabihan ng mga problema ko. At hindi ko na po magagawa yung routine natin sa bahay. Laht po ng yun mamimiss ko. Hindi ko po kaya." humagulhol ako ng sobra dahil sa bigat ng nararamdaman ko." Ma, mahal na mahal po kita. Ikaw ang super mom ko na ipagmamalaki sa sa buong mundo at wala nang iba. Makakaasa po kayo na aalagaan ko po si Lola Ganda at mas pagbubutihin ko pa ang lahat para sayo ma. Ma mag-ingat ka palagi. Mahal na mahal kita" muli ko siyang hinagkan sa pinaka huling pgkakataon at hinlikan sa kamay.
Maya maya ay nakaramdam ako ng taong nakatayo sa akibg likuran kasabay ng paghawak sa aking kanang balikat. Nanlaki ang mga mata ko at napangiti. Ayun ang huling paglapat ng kamay ni mama saakin upang maramdaman ko na nandiyan lang siya para saakin. Kumalma ang puso ko. Pumikit ko at kinausap ko siya. At matapos iyon ay nagpaalam na ako.
Tumayo ako at niyakap si Lola G ng mahigpit. Ikinuwento ko sa kanya tungkol sa nangyari at natuwa siya ng marinig iyon. "Tila mahal na mahal ka talaga ng mama emi mo kaya't nagawa niyang magpaalam sayo ng maayos" masayang sabi ni Lola G. "Kaya nga po ee. Ngayon kalmado na ako at alam kong palagi niya akong babantayan.
Matapos ang 3 oras ay nakauwi na kami sa bahay dala ang bangkay ni mama. Tumagal ng 5 araw lang ang burol ni mama dahil sa wala namn kaming sapat na pera para matagal ko po siyang makapiling. Bale lahat ng mga tulong mula sa Barangay, Kagawad, munisipyo at sa lahat ng mga tumulong doon nagmula kung paano namin naisakatuparan na magkaroon siya ng maayos na burol at libing.
May mga kamag-anak siyang pmunta ngunit iilan lamang gawa ng malayo saamin at napakamahal ng pamasahi. Kayat ang iba ay nagpahatid ng tulong nalang kaysa sa ipinamasahe.
After 5 days, inilibing na si mama. Masakit man ngunit tinanggap ko dahil wala na rin akong magagawa kahit pigilan ko ang mundo. Ipinagsadal ko nalanf ang kaniyang kaluluwa upang nakarating siya sa langit ng walang hanggan.
Pagkatapos nun ay si Lola G na ang nagtaguyod sa akin kaya't siya na ang itinuring kong ina sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanficA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.