"Animation..
Isang bulalakaw ang nanggaling sa Universe at bumagsak sa kalupaan ng ating mundo.
Isang malaking pagsabog kasabay ng malakas na pagyanig lupa, pag alon at pagputok ng bulkan ng ang bulalakaw ay kinamtan ang lupa.
Nagulat sina Adan at Eba nang lapitan ang malaking bato ay tumambad sa kanilang harapan ang dalawa pang nilalang.
Isa pang Eba na mukhang Adan ang hitsura, kabaliktaran naman ang isa na Pusturang Adan ngunit na may dibdib na tulad ng kay Eba.
Wari'y nalito sila sa kanilang nakita at tinanong nila ang kataas taasang lumikha.
"Ama, kami po ay lubusang nalilito sa pagdating nila dito sa mundo. Ano po ba at sino po ba sila? Sambit ni Eba.
Sumagot ang kataas taasan at ang sabi
" kung kayo ang Babae at Lalaki. Sila naman ang Bakla at Tomboy. Tao din sila kagaya ninyo kaya wag kayong mag aalala."Namuhay silang apat na masaya. Naging magkakaibigan sila. Ngunit naging magulo ang lahat nang malinlang si Adan ng isang ermetanyong ahas at sinabing
"shhhhhhh...!! Ang mga bagong nilalang ay nilikha upang gawing kumplikado ang buhay ninyong dalawa ni Eba.""Ano pong ibig mong sabihin ahas" litong tanong ni Adan.
"ang babae ay para lamang sa lalaki ngunit ang parehong lalaki at babae ay kailanman hndi maaring ipares dahil guguho ang mundo." matalinong mensahe ng ahas.
"papaano po ang gagawin ko?" tanong ni Adan.
"kausapin mo si Eba tungkol sa mga sinabi ko sayo at huwag mong hahayaang pumatol siya sa kapwa nia babae, ganun Karin. Dahil sila ay kampon ng demonyo na siyang makasisira sa mundo. Kapag nagkataong nangyari ang kinatatakutan ko, dadami sila sa mga susunod na salinlahi at magkakagulo ang lahat. Kaya't habang maaga pa ay gawin mo na ang bilin ko sau. " sabi ng ahas.
Matapos niyang makausap ang ahas ay agad na siyang umuwi upang sabhan si Eba. Nang pag usapan nila ang ukol dito hindi nanaig ang nais ng ahas. Samakatuwid, sinubukan nilang suwayin ito at sinubukan ang kakaibigang pag ibig.
" At doon yumabong ang alamat kung bakit kami naririto sa mundo." pagtatapos ni Toto.
"I kwento mo sa pagong! Kaht kelan hindi ko yan na basa sa kaht anong bibliya. Pero naniniwala ako sa sinabi ng ermetanyong ahas na kayo ay likha ng mga demonyo." sabay tawa weird ni Althea sa kadebateng si Toto.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng dalaga at pinagtawanan ang kawawang bakla.
"siguro tapusin muna natin ang usapan sa ngayon Class. Althea, di maganda ang pagtawanan ang tulad ni Tito okay!?" sambit ni Ms. Dela cuesta.
"Soryy po ma'am." pag hingi ng paumanhin ng dalaga sa guro hindi sa kausap. Sabay irap ng dalawang mata nang mapansing nakatingin si Toto sakanya."
" Class Dismiss"
Bell..Kausap ni Toto ang kaniyang sarili na may malalim na hinga habang papalabas ng classroom.
"Hay! Buhay parang life. Hindi matapos tapos ang usapin tungkol samin. Gumawa na nga lang ako ng theory para may masabi pero olats parin. Tyaka, kasalanan pa ba namin na sa susunod na panahon ng pag silang namin ay nagkamali ang Diyos sa pagbigay samin ng katawan? Yung babae ka pero ang binigay sayo lalaki. See, even sya ay hindi perfect. Kung tutuusin, kami ung mga nabuhay na babae nung unang panahon at biniyayaan ng maling katawan sa makabagong panahon. Gusto ko mang magreklamo wala na. Ung dati kong matambok na dibdib ngaun wala na. Yung dati kong hiwa ngayon may laylay na. At yung dati kong seksing pangangatawan ngayon ay payat na maskulado na. Na kahit anong pagkendeng ay hindi na maibabalik ang dati kong awra. Kahit sang katerbang make up ang ilagay ko saking mukha ay hindi na matatabunan ang kung sinong ako. Kaya minsan tanong ko saking sarili na kung mahal ba ang kami ng Diyos? O totoong nilikha niya kami o hindi? Kase kung ganun, bakit kailangan naming pag daanan ang ganitong sitwasyon na nakakababa ng sarili. Hays, di bale na nga lang"
"Oh anak, mabuti nandiyan kana." Saad ni Emi sa anak.
"mano po! Mama" sabi ni Toto.
"Teka, Bat mukhang malungkot ang baby ko? May nangyari bang hndi maganda? Or masama ba ang pakiramdam mo? (huminga ng malalim) halika nga dito kay mama"
Lumapit si Toto sa kanyang ina at hinalikan sa nio bagong hagkan.
"Sige na anak, magsabi ka na kay Mama" bumaba ito ng konte at tiningnan ang mga mata ng anak.
"Ma, Bat ganun po sila? Bakit kailangan po nila kaming apihin dahil sa kinikilos namin. Tell me ma, may mali ba sakin? Abnormal ba ako?" sabay patak ng luha sa mga mata at paglabas ng emosyon ni Toto.
Pinaupo ni Emi ang kaniyang anak sa kaniyang tabi at marahang hinaplos ang likod nito."Nak, walang mali sayo. Hindi ka abnormal. Isa kang espesyal. Kaya wag mong intindihin ang mga sinasabi nila ukol sayo. Hayaan mo bukas pupuntahan ko sila sa Room niyo at pagsasabihan ko sila ng malaman nila na mali ang mga sinasabi nila sayo. Shhhh! Tahan na anak! " sabi ni Emi.
"Salamat Ma. Nandiyan po kayo palagi sakin. Na kahit na nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila nandiyan po kayo para pagaanin ang loob ko. Ma, maraming salamat po talaga. Mahal na mahal po kita." niyakap ng mahigpit ni Tito ang ina.
"Syempre naman dahil anak kita. Hindi man tayo biniyayaan ng magandang buhay pero masaya ako dahil biniyayaan naman ako ng anak na may ginintuang puso. Ano man ang sabihin nila sayo nandito ang si Super Mama na handang magtanggol para sayo. Mahal na mahal din kita anak. " lumuluha habang yakap ang anak.
**
SLAM Book.
Dear self..Heto masaya na di tulad ng kanina ay para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa hinagpis ko dulot ng mga komento ng ibang mga tao.
I'm very thankful nga ee kase pinagaan nanaman ni Mama ung nararamdaman ko. Isa siyang tunay na Super mama dahil di man niya ako nakikita ng tuluyan pero nakikita niya ang nilalaman ng puso ko. May Superpower talaga siya.
Kanina nung magkatitigan kami ni mama ko feeling ko nakikita niya ako. Kase alam niyang malungkot ako. Ang astig niya grabe. Kaya suwerte ako na siya ang mama ko. Kaya self mahal na mahal ko si Mama dahil siya lang ang nakakaintindi ng buo kong pagkatao.
Tyaka ano kayang pakiramdam ng mainlove? Masaya kaya? Or mas worst? Che self ambata mo pa para humarot at umawra. Pero curious lang naman ako about dun. Sabagay, masaya ako kapag nakikita ko si Rebreb. Bukod sa gwapo siya at matalino. He is nice to everyone. (nagiimagine habang kinikilig)
Hoy self! Wag over thinking hindi un maiinlab sayo! Maygod. Pero malay mo crush din pala niya ako. (kinikilig)
Imahinasyon
Lumapit si Reb kay Totoo at sinabing "Hi crush ang ganda ng araw ko kapag nakikita kita!" habang nakangiti. Lumapit si Reb at hinawakan ang kamay ni Toto at nakatinginan silang dalawa. Mapun gay ang kanilang mga mata at tila may ibig sabihin. Napapikit si Reb at dahan dahang lumapit ang mukha kay Tito. Nang mapansin iyon ni Toto ay nakaramdam siya ng kilig at sabay pumikit. Ngumuso si Toto at hinihintay ang paglapit ng mga labi ni Reb at di kalaunan ay nag vibrate ang phone niya kaya't nawala ang kanyang imahinasyon at napunta ang ang atensyon sa phone.Isang notification ang kaniyang natanggap sa kaniyang Friendsbook.
Isang selfie ni Reb ang tumambad sa kaniyang account kaya't lalo siyang natuwa.
"OMG! It's a sign! Thank you G." nanlaki ang kaniyang mga mata at napalundag sa kama dahil sa tuwa. Tiyak na makakatulong siya ng maganda dahil sa letrato ni Reb.
Cut
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanfictionA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.