"Biyernes, nagkaroon ng isang seminar sa eskwelahan ng Don Juana Esperanza High School ukol sa S.O.G.I.E. Bill upang maunawaan ang kasarian at pagkakakilanlan sa sarili.
Pinangunahan ito ng Chairman na si Jermaine Naic, Founder of Pride Society Organization upang linangin ang kaisipan ng mga kabataan ukol sa usaping kasarian at pagkakailanlan.
Ang misyon ng institusyong ito ay hubugin ang kaalaman ng bawat kabataan gayundin ng mga magulang ukol dito kaya't layunin nilang puntahan at ikutin lahat ng Barangay, Eskwelahan at kung saan man upang magsagawa ng ganitong seminar para sa lahat.
Ang pinakalayunin ng grupo ay maiwasan ang pagkalito ng karamihan sa pagkakakilala sa sarili at matulungang maipaliwanag kung ano ba ang kasariang nararapat nilang tukuyin.
Samantalang, habang patungo si Reb sa Multi-purpose Hall ay nakita niyang hindi sinasadya si Toto na magisang nakaupo sa loob ng library habang nagbabasa. Ngumisi si Reb at naglakas loob na puntahan ang binata.
Binuksan ang pinto. "Hi Toto, anong ginagawa mo? Mukhang busy ka diyan ah?" tanong ni Reb.
"Oo tama ka, kailangan kong mag advance reading dahil I'm sure sa Monday may test nanaman kami kay Mam Piller. Oh!? Sya pala bat ka nandito?" pagtatakang tanong ni Toto.
"Ahm-kase - para sayo." pagputol putol na kabadong sagot ni Reb.
"Para sakin, huh!? Hindi kita maintindihan." litong Saad ni Toto.
"Ah eh gusto ko lang malaman na kung - pupunta ka ba ng seminar sa 4th floor? Sabay ka na sakin" kabadong sagot pa din ng binatilyo.
"ay oo nga pala. Salamat at pinaalala mo sakin yun, teka liligpitin ko muna Tong mga to. Sandali lang." nagmamadaling pagliligpit ni Toto.
"Tulungan na kita." sambit ni Reb at sinubukang ligpitin ung ibang libro kaso inagaw ito ni Toto.
"Ako na, kaya ko na to" pagpipilit ni Toto habang nililigpit ang mga libro.
"ikaw bahala, 😊, hintayin nalang kita sa labas." at hintay nalamang niyang matapos magligpit si Toto. Habang nasa labas ay hindi siya mapakali.
Nang matapos na si Toto ay agad na silang tumakbo upang mabilis na makarating ngunit sa di sinasadyang pangyayari ay nagkamali ng tapak si Toto ay sumabit ang paa sa huling baitang ng hagdan at napatid ito.
"aray!" sigaw ni Toto.
"Toto! Teka lang!" dali daliang tumakbo si Reb pabalik kay Toto upang alalayan.
Napatingin si Toto habang pababa ng hagdan yung Crush niya at nag mistulang slowmo ang kaniyang mga nakikita. Parang kathniel ang datingan na may slowmo effects pa sa kaniyang paningin. At nang malapitan siya ni Reb ay biglang naging Epic ang sumunod na pangyayari.
Habang nagsasalita kase si Reb na "Okay, ka lang ba, hindi ka ba nasaktan? Anong masakit sayo?" ay nakatitig lang ito sa binata at ang kaniyang mga naririnig ay "Crush na crush din kita Tito kung alam mo lang" sabay ngumuso si Toto dahil sa kaniyang day dreaming ay ngumuso din si Reb na papalapit at papalapit ang mukha para halikan siya ngunit...😘
Day dreaming cut-
"Hoy! Toto, ayos ka lang ba? Bat naka nguso ka?" weired na tanong ni Reb habang hawak hawak ni Toto ang kaniyang mga pisngi.
Nangaglaki ang mga mata ni Tito sa kanilang posisyon. Ang mukha ni toto ay malapit sa mukha ni Reb habang naka nguso ito at kanyang mga palad ay nakapat sa mga pisngi nito tulad sa isang kissing scene. Bigla naitulak ni Toto si Reb sabay sabing "Tara nat baka malate pa tayo!" nataranta siya at sinubukang tumayo ngunit napaupo siyang muli at nasalo ni Rebreb.
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! pano ka ginawa?
FanfictionA story of Ginelberto Louie "Toto" Buenito a victim of a malicious mindset of society where he was bullied due to his Gender Identity.