22

8.2K 335 33
                                    

Hi sa mga naghihintay ng update. Pwede ninyong basahin ang story ng grandparents ni Reon para mas makilala ninyo ang family nila and ang cause kung bakit ganito ang genre nila sa kabila ng pagiging Villafuerte ng younger gen.

Nai-publish ko na ulit dito sa Wattpad.

"Bautista series."
1.PSA(psychologically Sex Addict)
2. Allysa's Revenge/Masochist Revenge
3. Laro ng Apoy(hindi ko pa nabalik dito sa Wattpad.)
4. The Erotic Writer
5. My Marion
6. The Mayors secret(hindi ko to maibalik dito dahil masyadong sensitibo ang topic)
7. The Mayors Son
8. The Mayors Daughter.

Please walang magco-comment ng kung ano ang ibalik ko dito kasi pini-pressure ninyo ako. Ang hirap pong mag-copypaste at hindi ko siya maibalik ang lahat sa isang oras lang!





















Unedited...











"Reon! Buti at dumating ka!" masayang wika ni Lynlie at niyakap ang apo.

"Hello po," bati niya na humalik sa pisngi ng lola tapos bumalik kay Zia at inakbayan ito. "Kilala na ninyo siya dahil nadala ko na rito noon. Si Zia ho," pagpakilala niya.

"Oh, siya lang pala ang makapagdala sa 'yo sa family dinner natin," biro ni Marion sa anak.

"Busy lang ho ako."

"Kahit gaano ka ka-busy o kayaman na, palagi kang magbigay ng oras sa pamilya," seryosong sabi ni Revolver.

"Babawi ho ako," sagot ng binata.

"That's okay, hijo," ani Lynlie. "Iba-iba tayo ng coping mechanism pagdating sa problema."

"Guys, medyo ma-late lang ang ibang food kaya mag-wait muna tayo," maarteng sabi ng kapatid ni Reon at tumabi sa kakambal nito.

"Kuya," nakalabing wika ni Maver sabay abot ng cellphone sa nakakatandang kapatid.

"What?" tanong ni Reon sabay kuha ng cellphone.

"Bank account, please," sabi niya habang nagpapa-beautiful eyes.

"Me too, kuya!" sabi rin ni Mavol na iniaabot din ang cellphone kay Reon.

"What the heck?" bulalas niya nang makita sa basket ng LV ang bags at sapatos na in-order nito. "Are you kidding me?"

Pahablot na inabot din niya ang cellphone ni Mavol. Puro LV din ang in-order.

"Sige na, please!" sabay na pakiusap ng kambal.

"Bakit hindi kay Daddy kayo manghingi?"

"Nasa limit na yung credit card ko," sabat ni Revolver. "Minsan lang naman humihingi yang kambal sa 'yo."

"Milyon naman!" ani Revolver.

"Hmm? Lifetime investment naman," ani Maver.

"Hindi naman sa nagdadamot ako pero utang na loob, magtrabaho naman kayo kahit kwarto lang ninyo sa bahay, linisin ninyo," pakiusap niya habang gigil na tina-type ang bank account number. Matitiis ba niya ang kambal? E baby niya ang mga ito e. Ang problema lang nakikita niyang lumalaking spoiled brat ang mga ito na ayaw niya sanang mangyari. Dapat lowkey pa rin ang mga ito kahit na may pera sila. "Ganyan ba talaga kayong mga babae? Puro bag at sapatos ang pinagkagastusan?"

"Bag is life!" Mavol.

"Shoes is lifer!" natatawang segunda ni Maver. "Ask your girlfriend. Di ba ate?"

Napatingin ang kambal kay Zia na nakikinig sa usapan nila.

"She's not my girlfriend!" sabat ni Reon.

"Kung hindi, ano mo?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Mavol.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon