41

7.6K 331 34
                                    








Unedited....









"Ehem! Ang saya natin ngayon ah," puna ni Mary matapos matanggap ang pasalubong ni Reon.

"May dahilan ba para malungkot?"

"Iba talaga kapag inlove," sabi ni Jason.

"Ako na naman ang nakita ninyo," ani Reon. "Magtrabaho na nga kayo."

"Stay inlove, Reon. Deserve mo 'yan," seryosong sabi ni Mary na masayang nakikitang ganito ang awra ni Reon. Muling bumalik ang sigla ng binata at paunti-unti ay bumabalik na ang Reon na palakaibigan at palaging nakangiti sa mga nakakausap.

"Salamat sa inyo," pasalamat ng binata.

"Kailangan ang kasalan at makakain na naman ng lechon," biro ni Jason.

"Araw-araw pwede kang kumain ng lechon," ani Reon at napailing.

"Iba pa rin kapag nasa kasal mo."

"Tigilan nga ninyo ako. Nag-aaral pa si Zia eh. Saka na kapag makatapos na," sabi ni Reon.

"Hindi ka na bumabata, Reon. Sige ka, baka maagaw pa ng iba," biro ni Jason.

"Napaka nega mo!" sabat ni Mary at kinutusan ang kaibigan.

"Bakit? Bata pa si Zia at firstime niyang magka-boyfriend. Paano kapag makahanap 'yan ng iba? For example ka edad niya. Alam nyo naman ang kabataan ngayon, masyadong marupok. Parang hindi tayo dumaan sa ganyang edad. Gusto pa nila 'yan mag-explore at nandoon pa ang curiousity sa isip, no!" ani Jason.

"Naku, iba si Zia! Huwag ka ngang ano! Bumalik na tayo sa trabaho natin!" ani Mary nang mapansing umiba ang awra ni Reon na tila may bumabagabag sa isip.

Umalis na si Jason kaya hinarap niya si Reon at tinapik sa balikat. "Huwag mong isipin 'yon, Reon. Basta ang mahalaga ay masaya kayo at may tiwala sa isa't isa."

"Yeah," ani Reon na lumiwanag ang mukha nang makita si Zia na palabas sa elevator.

"Hello," bati ni Zia. Sinalubong siya ni Reon at mabilis na hinalikan sa mga labi. "Medyo traffic kaya ngayon lang nakarating."

"Okay lang. Tara sa office," yaya ni Reon at inakay ang dalaga papasok sa opisina.

"Si Jessica?"

"Maagang umuwi," sagot ng binata at hinapit ito sa bewang. "I miss you."

"Kaninang umaga lang tayo nagkahiwalay," natatawang sabi ni Zia.

"Pero hindi tayo nagkita ng ilang oras," ani Reon.

"Itali mo na lang kaya ako," biro ng dalaga at sinabayan ng tawa.

"Kung pwede nga lang," ani Reon kaya pareho silang natahimik at umiwas ng tingin nang maalala nila ang nangyari sa Armsterdam.

"H—Hindi na yun mauulit, 'di ba?" tanong ni Zia.

"Hindi na. Zia, I'm so sorry. I was drunk and—" Tinakpan ni Zia ang mga labi niya ng daliri nito.

"It's okay, Reon. Hindi naman ako nasaktan at pumayag naman ako."

"Hindi ba talaga kita nasaktan?"

Umiling si Zia.

"Ano ba ang nararamdaman mo noon, Zia?"

"H—Hindi ko alam," sagot ng dalaga at iniwas ang tingin. "May tiwala naman ako sa iyo na hindi mo ako sasaktan. Ikaw? Ano ang nararamdaman mo noon, Reon? Masaya ka ba?"

"Huwag na nating pag-usapan, pwede?" pakiusap ni Reon dahil pinagsisihan ang ginawa. Ayaw niyang maging katulad ng pamilya niya at higit sa lahat, ayaw niyang matulad si Zia sa mommy niya.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon