28

8.2K 349 31
                                    











Unedited...







"Inayos ko na ang isang kwarto, doon na muna matutulog ang boyfriend mo ha," sabi ni Maricar habang naghuhugas sila ng plato. Balak pa sanang mamasyal ni Zia sa kapitbahay kaso nahiya siya dahil kasama niya si Reon. Kahit na ilan lang silang makapitbahay, malalaman at malalaman ng buong barangay nila na may dala siyang lalaki.

"Pasensya ka na ho," nahihiyang paumanhin niya.

"Saan?"

"Kasi nag-uwi ako ng lalaki," aniya at napakagat sa ibabang labi.

"Hindi ko alam ang nangyayari sa 'yo sa Maynila, Zia. Walang masama na magmahal ka, basta alam mo ang hangganan ninyo bago pa kayo ikasal. Yang mga lalaki, kapag makuha ang gusto, basta umaalis na yan kapag ayaw na sa 'yo."

"Alam ko po," sagot niya na sana nga ay umalis na si Reon sa buhay niya dahil nakuha naman nito ang gusto.

"Sige na, asikasuhin mo na ang bisita mo."

Bumalik si Zia sa sala at naupo sa tabi ni Reon.

"Diyan sa kabilang kwarto ka matulog," sabi niya kay Reon na nasa tabi ng banyo ang kwarto. May tatlong kwarto ang bahay nila, isa sa tabi ng kusina, sa gitna at ang isa ay karugtong ng balkon. "Inayos na ni Tiya. Huwag kang magreklamo ha! Mahirap lang kami kaya baka may surot ang foam dahil matagal na naming hindi ginagamit at mumurahin lang ang punda at kumot, baka mangati ka."

"Okay. Hindi naman ako nagpunta rito para sa mga gamit o bahay ninyo."

"Eh bakit ka nandito?"

"Kapag hindi mo ako iniwan sa Manila, tingin mo nandito ako?"

Napasulyap si Zia kay Reon pero agad din niyang binawi nang makitang lumabas ang tiyahin sa kusina.

"May kailangan pa ba kayo?" tanong ni Maricar sa dalawa.

"Wala na ho. Ako na ang bahala kapag may kailangan pa kami," sagot ni Zia. "Magpahinga ka na po."

"Minsan lang ako may bisita kaya okay lang na asikasuhin ko kayo," nakangiting sabi ni Maricar saka naupo sa sofa at nakipanood ng paborito niyang teleserye.

Napatingin si Reon sa wristwatch niya, alas nuwebe na ng gabi.

"Gusto mo ng popcorn?" tanong ni Zia.

"Busog pa ako," sagot niya.

Tumayo si Maricar at tumungo sa kusina.

"Hindi pa ba siya matutulog?" bulong ni Reon.

"Paborito niya ang teleserye. Alas diyes pa siya matutulog. Bakit? Inaantok ka na?" tanong ni Zia.

"Matulog na ako," sabi ni Reon saka tumayo.

"Sige," ani Zia saka tumayo rin.

"Matutulog na kayo?" tanong ni Maricar na may dalang tubig.

"Si Reon ho," sagot ni Zia.

"Pagod ho ako sa biyahe," magalang na sagot ng binata. "Good night."

"Good night," sagot ni Maricar.

Binuksan ni Zia ang pinto.

"Hindi ka ba tatabi?" bulong ni Reon.

"Matulog ka na!" sabi niya at pinandilatan ang binata. "Ba't ba kasi ang tagal matulog ni Tita Maricar?"

Napailing si Zia at tinulak si Reon papasok dahil nakikita sila ng tiyahin niya.

"Wala bang goodnight kiss?" hirit ni Reon.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon