24

8.2K 327 33
                                    

Happy teachers day sa lahat ng guro at belated happy birthday sa admin ng Love and Graces, Mary Grace at sa lahat ng may birthday... Ayieee. More birthdays to come...




Unedited...






Kabado siyang pumasok sa opisina. Mula nang magkita sila sa condo niya ay hindi na sila nag-usap pang muli ni Reon.

"Good morning ho," bati niya kay Mary nang makasalubong.

"Morning, Zia," masiglang bati ni Mary. "Ihanda mo na ang sarili mo."

"Ha?"

"Baka ikaw ang makapagpakalma ng init ng ulo ng boss natin."

"B-Bakit ho?"

"Basta," ani Mary. "Sabi nga pala niya, linisin mo ang opisina niya dahil ang kalat."

"Ganoon ho ba? Sige po."

Kinuha niya ang gamit panlinis saka kumatok.

"Brauchen Sie etwas(may kailangan ka?)" tanong ng batang babae na may hawak na barbie doll.

"Hello, good morning," bati ni Zia kahit na walang maintindihan. Sobrang puti nito at ang tangos pa ng ilong. Para itong barbie at tila kay sarap kurutin ang mamula-mulang pisngi. "Maglilinis lang ho ng opisina."

"Es ist nicht schmutzig,(hindi madumi)" bibong sabi nito.

"H-Ha?" clueless na tanong niya.

"Pasok!" sabat ni Reon kaya pumasok ang dalaga. "Pakilinisan at pakiayos ng kalat ng bata."

"Daddy, I have stomachache," nakalabing wika ng batang babae habang nakatingala kay Reon.

"Kanina ka pa nagrereklamo, wala ka naman talagang sakit sa tiyan," ani Reon.

"Doch! Ich habe Bauchschmerzen! Ich kann nicht mehr(di ko na kaya)," naiiyak na wika ng bata habang nakahawak sa tiyan.

"Huwag mo nga akong dramahan," sabi ni Reon sabay gulo ng buhok ng batang.

"Ich mach kein Drama(di ako nagdadrama)," nakalabing wika ng bata, "wirklich(really)."

"Mag-umpisa ka na, Zia," ani Reon.

Pumasok si Zia at inumpisahan ang pag-ayos ng mga laruan ng bata.

"Pasok ka sa loob at sa kwarto ko lang ikaw maglaro," sabi ni Reon.

Bumukas ang pinto ng silid ni Reon at iniluwa si Monica.

"Baby, come here, let's play. I have a very nice barbie doll for you," tawag ni Monica at ipinakita ang may kalakihang manika.

"You go there na," ani Reon. "Sunod ako sa 'yo."

"I don't want to play with mommy!" nakalabing sabi nito.

"Wag ka nang manggulo rito, maglilinis si Zia!" sabi ni Reon.

"Ugh! I want to eat chocolates!" ani ng bata at padabog na pumasok sa silid kasama si Monica.

"Stop na ng chocolates. Nakailang piraso ka na," saway ni Reon.

"Minsan lang naman kumakain ang bata," sabat ni Monica. "Pagbigyan mo na."

"No!" madiing tanggi ni Reon.

"Ayusin mo ang paglilinis. Kailangan wala akong makitang alikabok kahit na dumi sa sahig," bilin ni Reon kay Zia. "At nextime, pakiagahan ng pasok! You're five minutes late!"

"Ma traffic lang ho," ani Zia na hindi mawaglit sa isip ang napakagandang bata.

"It's not my problema, Miss Mendez! Alam mong ma-traffic sana inagahan mong umalis! Where's your commonsense?"

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon