29

8K 312 35
                                    





Unedited...








Saktong tapos na silang kumain nang may pumasok na lalaki.

"Uy, insan!" masiglang bati ng lalaki. "Long time no see!"

"Uy, Chester! Mabuti nakauwi ka," sabi ni Zia. "Kumain ka na ba?"

"Busog na ako. Nagkape ako sa kabilang bahay. Hanep! May mamahaling sasakyan sa labas ah! Kanino 'yon?" manghang sabi ni Chester. "Sportscar! Buti at nakapasok dito."

"Sa b—boss ko," alanganing sagot ni Zia.

"Hiniram mo?"

"Ehem!" tikhim ni Reon kaya napalingon sila.

"Ah, si Sir Reon pala. Sir, si Chester, second cousin ko," pagpakilala niya.

"Magandang umaga, sir," bati ni Chester. "Mabuti at napasyal kayo rito sa amin."

"Oo, sinamahan ko lang ang girlfriend ko," sagot ni Reon.

"Tagrito rin ba ang girlfriend mo, sir?" magalang na tanong ni Chester dahil mukhang high profile ang boss ng pinsan.

"Si Zia," tipid na sagot ni Reon.

"Ah, magkapangalan pala sila ng pinsan ko. Saan ho ba siya rito nakatira?" usisa ni Chester.

"Dito mismo sa bahay na ito," sagot ni Reon.

"Ah, dito rin pal—teka, si Zia na pinsan ko ang girlfriend mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Chester sabay tingin kay Zia na hindi makatingin nang diretso sa kanya.

"Exactly!" ani Reon.

"Woah!" ani Chester at napailing. "Yung totoo, ano ho ang nakita mo sa pinsan ko?" biro niya dahil ang swerte naman ni Zia na nakabingwit ito ng ganito kayaman na boyfriend.

"Wala," tipid na sagot ni Reon.

"Akala ko ibang Zia e. Boss kasi ang tawag niya sa 'yo," sabi ni Chester.

"Boss ko naman talaga siya," sabat ni Zia at pinandilatan ang pinsan.

"Ah, ganda ng pinsan ko ah! Akalain mo 'yon, may boyfriend na! Dalaga ka na talaga!" tukso ni Chester.

"Heh! Tigilan mo nga ako!" saway ni Zia.

"Ah, sir, mabuti at nagustuhan mo ang pinsan ko. Pasensya ka na sa bahay namin."

"Okay lang," sagot ni Reon.

"Pupunta ka ba sa cementeryo?" tanong ni Zia para maiba ang usapan.

"Oo. Pero may sasakyan ka naman kaya si Tita Maricar na lang ang isakay ko," sagot ni Chester.

"Dala mo pala ang taxi mo," sabi ni Zia.

"Oo, pinapadala naman ng amo ko. Mabait naman yung mga 'yon," sagot ni Chester. Mga Chinese ang amo niya na nagmay-ari ng mga taxi sa Valenzuela. Pinapadala naman sa kanila ang taxi na pinagmaneho nila kaya madalas siyang umuuwi rito. "Si Tita Maricar?"

"Nasa palengke pa."

"Sige, gala muna ako sa kabilang bahay. Pakilala mo rin ang boyfriend mo sa kamag-anak natin uy!" sabi ni Chester. "Tara, sir, pakilala kita sa kabilang bahay."

"Ah, magbibihis pa siya," ani Zia.

"Mamaya na," ani Chester. "Ayaw mo ata siyang ipakilala eh."

"Hindi ah!" tanggi ni Zia. Ang ikinabahala niya ay si Reon. Baka kung ano ang sabihin o gawin nito sa mga kamag-anak niya.

"Tara," yaya ni Reon at sumunod kay Chester kaya napilitan ang dalagang sumama sa kabilang bahay.

Pagdating nila, saktong nandoon ang matatandang kamag-anak at ang mga tiyuhin at tiyahin niya sa sala.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon