27

7.7K 364 69
                                    








UNEDITED...






"Sure ka bang magba-bus ka?" tanong ni Reon.

"Oo, magba-bus kasi malayo-layo naman ang probinsya namin."

"Nandiyan naman si Marvin o Mario, ihahatid ka nila."

"Huwag na kasi may pamilya rin sila. Isa pa, excited na si Kuya Marvin na bumalik sa isla." Naikwento sa kanya na Marvin na uuwi ito para magsindi rin ng kandila.

"Kahit na. Ang lapit-lapit ng Bulacan, Zia."

"Kaya nga po, ang lapit ng Bulacan kaya dito na ako sa sakayan."

"Marvin, idiretso mo nga sa Bulacan," sabi ni Reon.

"Dito na ho sa sakayan ng bus, Kuya," sabi ni Zia nang makarating na sila sa Cubao kaya napasulyap si Marvin sa kanila. "Dito na ho ako bababa."

"Bakit ka palagi ka na lang tumatanggi?!" inis na tanong ng binata.

"Hindi po kasi mahalaga sa akin ang paghatid dahil sanay naman akong mag-bus," sagot ng dalaga. Alam niyang nakakaabala na siya kina Marvin kung magpahatid pa siya. Isa pa, papasok ang bahay nila kaya magtataka talaga ang mga tao roon kung bakit may magandang sasakyan na naghatid sa kanya.

"Malayo pa ba sa inyo?"

"Ilang oras lang ho," sagot ng dalaga.

"Okay, ingat ka," sabi ng binata. "Tumawag ka na kapag nandoon ka na sa inyo." Kinuha ni Reon ang maliit na attaché case at kumuha ng pera saka inabot kay Zia. "Pocket money mo, pambili ng pasalubong."

Napatingin si Zia sa perang hawak ng binata. Ang kapal nito kaya malamang nasa 50 thousand o mahigit pa ang inaabot.

"Huwag na ho. May extra pa ako rito," tanggi niya. Bumili na rin siya ng pasalubong sa tiyahin at pinsan.

"Tanggapin mo na, baka ma-short ka."

"Sir, three days lang ho ako."

"Kahit na. Baka may gusto kang bilhin, baka magutom ka rin."

She rolled her eyes, "Talaga ho ba? Sir, probinsya po sa amin kaya hindi ako magugutom dahil marami kaming bigas at gulay sa paligid!" sabi niya. Maliban sa manukan, nagtatanim din ng gulay ang kanyang tiyahin at kapag marami ay ibinebenta nito sa palengke.

"Nasabi mo lang 'yan, Zia! Lahat nagmahal na kaya kailangan mo pa rin ng pera saang dako ka man ng Pilipinas!"

"Huwag na ho."

"Tanggapin mo na kung gusto mong bumaba rito!" pamimilit ni Reon kaya napasimangot ang dalaga.

"Sige, pero limang libo lang," napilitang pagpayag niya.

"Gawin mo nang sampu. Ibili mo sila ng masarap na pagkain," sabi ni Reon kaya hindi na nakipagtalo pa si Zia dahil hahaba lang ang usapan at baka maiwan pa siya ng bus.

"Thank you ho, sir," pasalamat niya at tumingin kay Marvin. "Ingat ho, Kuya at enjoy sa holiday."

"Ikaw rin, Ma'am," sagot ni Marvin at nginitian siya.

"Zia," ani Reon.

"Yes?"

"Ang usapan natin kagabi ha," paalala ni Reon.

"Ang alin?"

"Bawal ang lalaki!" ani Reon, "Ayaw kong pagbalik mo ay madumi ka na."

"Grabe ka talaga mag-isip, sir!" inis na sabi niya. "Tingin mo sa akin, kaladkarin?"

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon