chapter 9

11.4K 335 27
                                    









Unedited...







"Are you with me?" ulit ni Marion pero hindi pa rin siya sinasagot ng anak na tila nasa malalim na pag-iisip kaya hinampas na niya ng kanang kamay ang table nito.

"What did you say?" tanong ng binatang tila bumalik sa reyalidad.

"Gosh! Ano ba ang nangyari sa 'yo at parang wala ka sa sarili?"

"May iniisip lang ako," sagot ng binata at ibinalik sa lagayan ang hawak na ballpen.

"Gaano kahalaga ang iniisip mo, ha?"

"Pinag-iisipan ko lang kung magpapatayo ako ng iba pang business o palalaguin na lang ang negosyong meron ako."

"You're already a billionaire! For christ's sake, huwag puro pera ang isipin mo! Matanda ka na, Reon!" ani Marion. "Bigyan mo naman kami ng apo."

"Hindi nai-expire and sperm ko, mom! Let me enjoy my life muna!"

"Hindi ka pa ba nag-i-enjoy sa lagay na 'yan, ha?"

"Not so."

"Ewan ko sa 'yo! Huwag mo akong inipin o ako mismo ang maghahanap ng mapapangasawa mo!" pagbabanta ni Marion.

"You can't do that, mom!"

"Try me!" hamon ni Marion.

"Noon, ayaw mo akong mag-asawa. Ngayon, pinipilit mo na ako."

"Sympre bata ka pa noon."

Kinuha ni Marion ang shoulder bag at inirapan ang anak. "Alis na ako. Huwag ka puro bayad sa babae, baka makalusot si STD!" bilin niya saka lumabas.

Nang wala na ang ina, saka naman pumasok si Mary.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Have you heard the news?"

"Hindi ako nanonood ng TV at nagbabasa ng diyaryo."

"Ang ibig kong sabihin, alam mo na bang—tungkol kay—haist!"

"Alam ko!" sagot ni Reon.

"You mean—"

"I saw her lastnight."

"Did you talk to her?"

"No," sagot ni Reon. "For what?"

"Good!" wika ni Mary bagamat nag-aalala siya para sa binata.

"Don't worry, hindi makaapekto sa business natin ang pagbalik niya. Maybe nandito lang sya dahil sa family business or kung ano man riyan at wala tayong kinalaman."

"Okay, sabi mo eh," ani Mary. Stable naman ang business nila pero ang pinakainaalala nila ay baka bumalik sa dati ang lahat ng pinaghirapan nila. "Sige, balik na ko sa trabaho."

Dinampot ni Reon ang cellphone at tinawagan si Marvin.

"Marvin, paki-pickup si Zia mamaya sa Westbridge."

"Okay, sir," sagot ng nasa kabilang linya.

"Sa hotel mo na lang siya dalhin. Pasabing ma-late lang ako ng uwi."

"Okay, sir."

Tinapos na niya ang tawag saka kinuha ang mga papeles at agad na tinapos ang gagawin.






--------------





Palabas na ang dalaga sa gate nang makita ang familiar na kotse kaya dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa bag at bumalik sa loob ng Westbridge.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon