Chapter 10 (Weird)

76 2 0
                                    

Chapter 10 (Weird)

Zaylene's Pov.

Andito ako ngayon sa Corridor ng school naglalakad. Ilang days and weeks na din ang nakakalipas. Simula ng day na nang harana si Dos. Hindi na sila nagparamdam sakin. Ewan din ba kung bakit?! Maagap pa naman pupunta na lang muna ako sa Park. Hayst. Lumakad na lang ako papuntang likod ng school. Para sakin ito ang park ._. Why? Ang tahimik kasi tapos ang peaceful pa. Nakarating na ako sa tinatawag kong park. Humiga ako sa ilalim ng puno at nagmuni-muni. Namimiss ko na din sila. Lalong lalo na si Dos.. Yung kamaisan niya sa buhay? Hay. Isang sorry na lang nila PROMISE papatawarin ko na sila. Maya-Maya napagisipan ko na ding bumalik sa loob ng school dahil malapit na din naman ang Class hour ko. Habang naglalakad ako may nakasalubong ako.

"Mukhang nagiisa ka ata"- Biglang sulpot ni Jaydee sa tabi ko. Psh. =__=

"Wala akong kasama eh"- Bored na sagot ko.

"Ang sungit"- sabi niya. Habang naglalakad kami tahimik lang. Wala ako sa mood ngayon. Psh

"Uy ayan na si Patricia, Sige na Baks sasabayan ko muna si Pat"- sabi niya ay umalis na. Sabi na eh may gusto to kay Pat eh. Lakad lang ako ng lakad ng may biglang mag-salita sa tabi ko.

"Uy zay?! Saan ka pupunta? Ito na yung room natin oh?!"- Sabi ni Alliyah. Kaya naman napatingin ako sa kaniya. Ay?!

"Ay.. Haha Salamat"- sabi ko at pumasok na ng room. Ang dami na palang tao. Umupo na ako sa upuan ko.

Dumating na din yung teacher namin at naglecture lang.

"Okey Class, Open your Book and read page 123"- Sabi ng sir namin. Nakatingin lang ako sa binta ng magsalita si Sir.

"Ms, Javier. Nagbabasa kaba talaga?"- Nagutla ako kaya naman napatingin ako sa libro ko.

"Opo sir"- sagot ko. Yung iba nagtatawanan na. Psh.

"Sigurado ka?"- Dagdag pa ni sir.

"Opo naman"- Sabi ko.

"Eh bakit English book yan! Eh ano bang time ko ngayon? Diba MATH?!"- Pasigaw na sabi ni Sir kaya naman napatingin ako sa hawak kong libro. Aist Wala ata talaga ako sa sarili ko Psh.

"Sorry sir"- sabi ko at kinuha ang math book ko. Bakit ganun? Wala talaga ata ako sa sarili ko kanina pa ako ah Psh. Tingan ko lang sina pat at ky sa dati kong upuan. Pati sila hindi na din ako pinapansin. Hay.. Masyado na nga ata ako naging matigas sa kanila.

Natapos ang klase ni Sir at lutang pa din ako hangang ngayon. Ito ako ngayon naglalakad sa corridor papasok na sana ako sa canteen ng bigla akong tawagin ng isang staff ng school.

"Neng, Ms Alessia?"- tawag sakin nung janitor kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Bakit po?!"- tanong ko. Parang ngayon ko lang siya nakita dito sa school ah? Siguro bago.

"Pwede bang pabili naman ako sa Canteen niyo? Isang Sandwich lang? Gutom na kasi talaga ako eh"- sabi niya. Halata naman sa mukha niya na gutom na siya eh. Kaya naman nagnods ako.

"Sige po. Intayin niyo na lang po"- sabi ko at pumasok na ng canteen. Masyadong mahaba yung pila hay. Kaya naman pumila na ako. Hindi ko namalayam na ako na pala ang kasunod.

"Ms? Ms? Ano po bang bibilhin niyo?"- tanong sakin ni Ate. Kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Ay, Dalwa pong burger at isang Chuckie at tubig"- sabi ko. Agad naman niyang ibinigay sakin yung binili ko kaya naman kinuha ko na yun at lumabas na ng canteen nakita ko pa sina Ky, Pat, Harry,Tiffany at uno masaya silang magkakasama. Hay.. Buti pa sila.. Agad naman akong naglakad papunta kay manong janitor.

My Sacrifice.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon