1

1.3K 35 1
                                    

My Pervert Ghost Girlfriend

by: sha_sha0808  Ash Simon

CHAPTER 1

A/N:

This story ay hindi edited. Ahmmmm...
Straight to the point: walang space after
punctuations and mali pa ang paglagay ng
punctuations. Mali ang tamang paggamit
ng: nang at ng. Nag-uumpisa pa lang akong
magsulat. Aayusin ko ito. Just give me time.
Mga 2020. Hehehe. Seryoso ako. Ang dami
ko na kasing nagawa kaya nahihirapan na
akong mag-edit. Capitalization, small letter
ang noun etc. Mas nauna pa ang (.) kesa sa
(") after ng dialogue tag hahaha. Alam kong
marami ang mali sa technicalities. Basahin
niyo o hindi, okay lang. 😀💖



UNEDITED...





BAKA MASAKIT SA MATA BASAHIN ANG FORMAT WAG NYO NA LANG BASAHIN KUNG DI PO NINYO KAYA. nagkakadikit na kasi na delete ang old acct ko.





"Good morning po, Señorito. Akin na po
'yang dalang gamit mo!" Masayang sabi ni
kuya Ben.
Kakarating ko lang dito sa mansion ng mga
magulang ko.
Mula nang nag college na ako ay hindi ko na
naisipang bumalik o magbakasyon pa sa
bayang aking sinilangan.
"Sige po kuya, ako na po ang bahala ng
ibang gamit ko," nakangiti kong sabi sa
kanya tapos inumpisahan na naming kunin
ang mga gamit ko sa taxi at ipasok sa loob
ng mansion.
"Ito raw po ang kwarto mo, sir. Pinaayos na
ng mommy at daddy mo kahapon bago
umalis," sabi ni yaya Darla. Ang katiwala dito
sa mansion.
Kasama ko siya noon sa Maynila kaso nung
kaya ko nang mag-isa ay bumalik na siya
dito sa Iloilo. Mag-asawa sila ni Kuya Ben...
"Salamat po, yaya. Sina mommy talaga.
Kung kelan naisipan kong umuwi ay saka
naman sila umalis." Kahapon ang flight nila
ni Dad papuntang Canada. May business trip
daw.
"Sige lang po, señorito. Uuwi rin sila sa
susunod na linggo," nakangiting sabi ni Yaya
habang inaayos ang mga gamit ko.
Ganun parin ang mansion. Walang
pinagbago. Halos lahat ay antigo ang mga
gamit. Mahilig sina Mommy at daddy na
mangolekta ng kung anong mga bagay
kapag mag out of the country.
Malawak ang bakuran na napapalibutan ng
mga punong- kahoy. TApos may malaking
swimming pool din sa harap ng garden.
Sa daan kanina ay nakita ko ang mga tauhan
na nagtatanim ng tubo na nakatingin sa taxi
pero hindi na ako bumaba para batiin sila.
May ilang araw pa naman akong ipanatili
rito.
Kami ang pinakamayaman sa lugar namin.
Malawak ang lupain ng parents ko at halos
lahat ng pamilya na nakatira malapit sa Villa
Lilian ay tauhan namin.
"Yaya, mamayang hapon pakigising po ako.
Maglilibot-libot po ako sa hacienda..." alas
diyes pa lang kasi ng umaga. Nakalapag ako
sa airport ng alas otso kanina at dalawang
oras ang biyahe papunta rito sa amin.
"Sige po, señorito. Matulog ka na muna
dahil alam kong pagod ka. Ano ba ang
gusto mong ulam mamaya?" habang inaayos
ang bag na nilagyan ko ng mga gamit.
Tapos na kasi niyang makuha ang mga damit
ko at inilagay sa cabinet.
"Manok po at ubad ng saging, tapos lagyan
nyo po ng monggo." excited na sabi ko. Isa
kasi 'yon sa namimiss ko dito sa Iloilo. Ang
sarap ng native na manok. Minsan lang kasi
ako nakakatikim ng ganito sa Maynila kapag
lumuwas lang sina Mommy.
"Tapos 'yung tinolang manok din po pala na
may papaya tapos lagyan mo ng labog at
dahon ng sili." ewan ko kung ano ang
tagalog ng labog. Hindi kasi ito ginagamit
sa Maynila. Basta dahon siya tapos nilalagay
para pampaasim sa tinola. Sobrang sarap
nun. Ngayon pa lang, nakaramdam na ako
ng gutom. Kumain naman ako kaninang
umaga bago umalis kaya okay lang na hindi
ako mag breakfast.
"Sige po, señorito, sasarapan ko po. Alam
ko namang sobrang namiss mo na yung
ganyan e," aam ni Yaya na kahit laking
Maynila na ako ay hindi ko pa rin
nakakalimutan ang mga lutong probinsya
lalong- lalo na ng mga Ilonggo.
-----------
Nagising ako mga ala una 'y medya na ng
haponm Pumunta muna ako sa veranda. Ito
ang gusto ko rito sa probinsiya. Ang sarap
ng simoy ng hangin. Walang ingay at walang
gulo.
Hindi pa polluted ang hangin at halos lahat
dito ay fresh pa. Prutas, tubig at mga gulay.
Basta lahat-lahat. Hindi gaya sa Maynila,
napakagulo.
Ang ganda ng view mula rito sa kinatatayuan
ko. Makikita ko ang mga punong kahoy,
mga ibon na lumilipad at lumilipat-lipat sa
sanga ng kahoy at ang malawak na palayan.
Makikita ko rin ang ilog doon sa dulo ng
lupain namin. Makapunta nga doon para
maligo.
Bumaba nalang ako para hindi na mag abala
pang umakyat si yaya..
"Oh, gising ka na pala. Halika, kumain ka
na," yaya ni Yaya habang inaayos ang mesa.
"Wow yaya, ang sarap! Busog na busog
ako!" Napadighay pa nga ako dahil marami
ang aking nakain. Ang sarap talaga ng lasa
ng native na manok!
"Ganito talaga sa probinsiya Jam. Ang
problema lang ng mga tao, e walang sapat
na pera kaya nakipagsapalaran sa Maynila."
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako
muli sa kwarto para magpahinga muna.
Alas dos 'y medya na kaya naisipan ko nang
lumabas para maglibot sa hacienda.
Dumiretso ako sa koral na kung saan ay
nakatali ang aking kabayo.
"Hello my wind, na miss mo ba ako?"
nakangiti kong sabi at niyakap ang kulay
puting kabayo. Thirteen years old na ako
nang regalohan ako ni Daddy nitong Arabian
horse.
Tatlo ang kabayo dito sa rancho. Ang isa na
itim ay kay daddy at ang isa na itim din ay
kay mommy. Tapos itong pinakabata na
kulay puti ay akin.
Wow, kilala pa niya ako. Hindi niya ako
sinipa.
"Goodboy," hinimas ko ang ulo nito tapos
umangkas na ako sa likod niya.
"Hoooo...walk!" utos ko nang makasampa na
ako.
Sanay akong mangabayo. Bata pa lang kasi
ako nang turuan na ako ni Dad.
"Haw..." sabi ko sa kanya which means go
left. Lumiko naman siya sa kaliwa.
"Easy easy boy. Woah. Woah." Bigla na
siyang tumigil. Itinali ko muna siya sa
punong mangga.
"Babalikan na lang kita dito mamaya." saka
lumakad na papasok dito sa manggahan.
Ang ganda at ang lalaki ng mga bunga.
Organic fertilizer kasi ang gamit ng aming
mga tauhan. Tapos pinapausukan lang ang
puno para magkabunga.
Halimbawa; ang mga tuyong dahon ay
sunugin mo yun sa ilalim ng puno. Ang usok
nun ay maging dahilan para mamulaklak ang
punong mangga at magkaroon ng bunga.
Iyan ang natutunan ko sa mga tauhan namin
dito sa probinsya.
Walang pesticides at kung ano man dyan na
ginagamit kaya napakatamis kapag mahinog
ang mga bunga nito. Minsan ine-export
namin 'to sa Korea at Middle east.
Naglakad-lakad muna ako. Hindi naman
mainit dahil sa natatakpan ng makakapal na
dahon ng mga punong- mangga. Ang sarap
mag picnic dito.
"Ouch!" Reklamo ko nang mahulugan ako ng
bunga ng mangga. Tumingala ako sa puno.
May batang lalaki na nasa taas.
"Hoy, bata. Bumaba ka dyan. Malalaglag ka.
Baba dali!" ang taas taas kasi ng puno.
Siguro nasa pitong taong gulang lang ang
batang ito.
"Hindi na po ako marunong bumaba. Tulong
po," naiiyak na sabi niya.
"Huh? Naku, wait lang..." may nakita akong
hagdan sa di- kalayuan kaya dali-dali kong
pinunta at binuhat ang hagdan pabalik sa
puno na may bata sa itaas. Siguro ginagamit
ito ng mga trabahador namin kapag
mamitas na ng mga bunga.
Inilagay ko ang hagdan sa puno ng mangga
tapos hinawakan sa ilalim para hindi
matumba.
"Oh, baba na! Hawakan ko baka kasi
mahulog ka," dali-dali naman itong bumaba.
"Salamat po, tatay." tapos yumakap pa ito
sa binti ko.
Huh? Naku, hindi ako ang tatay mo." todo
tanggi ko naman.
"Ikaw po ang tatay ko. B-Bumalik po kayo.
A-Akala ko iiwan mo na ako rito sa puno,"
umiiyak pa na sabi nito.
"Nagkakamali ka lang! Sige na, uwi na."
tapos naglakad na ako palayo sa kanya.
"Uuwi na po tayo, tatay?" nagulat ako.
Nakasunod pala ito sa akin.
'"Umuwi ka na, bata! Hinahanap ka na ng
magulang mo," sumakay na ako sa kabayo.
"E ikaw nga po ang tatay ko. Sige po, uwi
na lang po ako." tumalikod na ito at
naglakad palayo sa akin.
Weird naman ng batang yun. Nilibot ko
muna ang hacienda kasama ang kabayo kong
si Wind. Mag-a-alas singko na nang
makauwi ako.
Ang lagkit na ng katawan ko kaya naligo
muna ako. Pagkababa ko sa hagdan ay
nagulat ako sa aking nakita.
"Tatay!" masayang bati ng batang lalaki na
nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Ito ang
batang nakita ko kanina sa manggahan.
"Sino ang nagdala sa 'yo rito? Ang dumi-
dumi ng mukha mo," may mga putik pa kasi
ito.
"Ikaw po ang nagdala sa akin dito." sagot
niya habang tuwang-tuwa na itinuon ang
atensyon sa pinapanood.
"Anong ako? Hoy, sabi umuwi ka na e.
Yaya?" tawag ko kay yaya Darla.
"Bakit po, señorito?" tanong ni yaya.
"Tatay, nagugutom na po ako. Kain na po
ako." hinawakan pa nito ang tiyan. Gutom
na gutom na siguro talaga.
"Haist, sige na nga! Ano'ng gusto mong
ulam?" tanong ko sa bata.
"Fried chicken po. Favorite ko po iyon,"
tuwang-tuwa na sagot niya.
"Yaya, paluto po ako ng adobong baboy
tapos 'tong sa batang ito fried chicken daw
po." kinuha ko ang remote tapos naupo sa
tabi ng bata.
"Ahm, señorito? Sino pong bata?"
nagtatakang tanong ni Yaya.
"Itong bata, yaya, na nakaupo sa sofa.
Pakipunasan nablang po. Ang dungis-
dungis ng mukha at pakiusap, pakihanap na
lang ng totoong magulang niya." pakiusap
ko sa kanya. Baka mamaya, budol-budol ang
batang 'to tapos nakawan pa kami.
"Wala naman pong batang nakaupo d'yan sa
sofa sir, e." litung-lito na sabi niya sa akin.
Tiningnan ko ang bata, ngumiti lang sa akin.
"Yaya naman. Ayan po oh, ito po siya. O,
mag bless ka na dun kay Lola mo."
hinawakan ko ito sa kamay para tumayo.
Ngumiti lang ang bata sa akin.
"Señorito, wala talaga akong nakita e. H'wag
mong sabihin na nakakakita kayo ng
multo?"nag sign of the cross pa si Yaya.
"Anong multo ang sinasa---FUCK!" Natumba
ako dahil tatakbo na sana ako sa gulat kaso
nasa harap ko pala ang maliit na table dito
sa sala.
Paglingon ko kasi, ang bata kanina ay
lumulutang na sa hangin at nakangiting
nakatingin sa akin.

A/N:
Kahit anong mangyari tatapusin ko ang story
na'to hanggat buhay pa ako.echoz..slow
update nga lang..hehehe...

Favorite korean movie ko po kasi ang "hello
ghost".na inspired si aketch kaya sabi
ko,susulat din ako ng story na may
ghost...toinkz...hehehe..

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon