My Pervert Ghost Girlfriend
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6
Nandito ako ngayon sa kwarto, kakatapos ko
lang kumain ng hapunan.Nakatulala at
tinitingnan ang tatlong multo na nasa harap
ko.
Ang batang babae at lalaki ay naglalaro
habang ang manyak na babaeng multo ay
nakaupo at nakasimangot sa akin.Hanggang
ngayon ay galit parin siya.
Ang sakit-sakit na nga ng ulo ko noong
makita ko ang batang lalaki kahapon tapos
ngayong araw ay dalawa naman ang
dumagdag.Wala na sanang dumating
pa,napapagod na ako.
"Hoy batang babae,saan ka ba galing?bakit
nalulunod ka do'n kanina?"tanong ko
sakanya at tumigil naman siya sa paglalaro.
"E kasi po tatay naglalaro nga po ako do'n
sa palayan tapos 'yon po, pumunta po ako
sa batis.Pangarap ko po talagang
makapaligo doon kaya nung makita ko po
kayo kanina ay sumama po ako".tuwang-
tuwa na sabi pa niya.Sana pala ay hinayaan
ko nalang siyang malunod dahil patay na din
naman pala 'to.
"Bakit ka naman pala namatay?at taga saan
ka?ano'ng pangalan mo?"sunod-sunod na
tanong ko sakanya.
"Hindi ko po alam tatay at wala na din po
akong pangalan, nakalimutan ko din
po".habang nag-uusap kami ay kumandong
naman ang lalaki sa manyak na multo.
"Hoy!'wag mo nga akong matawag-tawag
na tatay."bakit ba nagkaroon ako ng mga
anak at syota e mga multo pa?
"Ehhh tatay nalang po.Magkapatid naman po
kami ni kuya,isa pa pangarap ko din po na
magkaroon ng buong pamilya".malungkot
na sagot niya sa akin at naupo na din dito
sa tabi ko.Siguro 6 years old na ito at 7
naman ang lalaki.
"Bakit noong buhay kaba ay hindi buo ang
pamilya mo?nasaan ang mga magulang
mo?"bakit ganito nalang ang dalawang ito
makaasta?Yung ipinipilit na kami ang nanay
at tatay nila e hindi naman.
"Hindi ko din po alam e.Wala po akong
matandaan,basta gusto ko lang po na
magkaroon ng mga magulang".
Naguguluhan ako sa kanila.Bakit may mga
bagay sila na hindi matandaan sa past life
nila?
"Hoy babae,bakit ba ang mga patay gaya
ninyo ay kokonti lang ang matandaan?"ilang
minuto pa ay hindi parin siya sumasagot.
"Leche!sasagot ka o hindi?"sigaw ko sa
kanya.
"Tatay diba po sabi ko ayaw ni bro ang
magmura lalo na po kay nanay at sa harap
po namin?"saway nitong santong
bata.Sakristan ata siya noong nabuhuhay pa.
"Sagot khira!" Pag hindi to sasagot ay
malilintikan talaga to.
"Ewan ko,siguro 'yon ang nasa subconscious
mind nila.Ang mga bagay na gusto nilang
gawin pero hindi nila magawa noong
nabubuhay pa sila".halatang napipilitan lang
na sumagot sa akin.
Ibig sabihin,noong nabubuhay ang babaeng
'to ay hindi nakatikim ng sex pero gusto
niyang gawin?so namatay lang pala ito na
virgin?tsk kawawa naman pala.
"Kayong tatlo,alam n'yo naman siguro na
sobrang pagod ako diba?kaya nakikiusap
ako,please lang patulugin ninyo muna ako
ha.Gusto din magpahinga ng katawan
ko"pakiusap ko sa kanila.Mabuti nalang at
may heater dito sa bahay dahil kung wala,
kanina pa ako nagyeyelo sa kanilang tatlo.
"Sex muna tayo langga."tuwang- tuwa na
sabi niya sa akin.
"Hoy mga bata, sawayin nga ninyo itong
nanay n'yo.Di kana nahiya khira! sa harap ng
mga bata ang bastos mo,at multo ka nga
okey?"ang mga imposibleng bagay 'yan ang
nasa isip niya.
"Pero kapag tao ako e gagawin na natin
'yon?"malungkot na sabi niya. Alam naman
niyang imposible ang ganun dahil patay na
nga siya.
'Oo na!pero alam mo namang patay kana at
hindi pa kita mahawakan kaya please,
patulugin n'yo muna ako ha"pinatay ko na
ang ilaw.Firstime kong matulog na kasama
ang hindi lang isa kundi tatlong multo at
pamilya ko pa daw.
Ang sarap ng panaginip ko nang may parang
mainit na mga kamay na humahaplos sa
aking katawan pero hindi ko muna pinansin
at pinakiramdaman lang baka kasi
nananaginip lang ako.
Imposible namang si khira 'yon. Dapat ay
malamig ang humahaplos.
Meron talaga!dahan-dahan kong kinapa ang
switch ng lampshade na nasa bedside table
lang.
"Shit!yaya Darla ano'ng ginagawa mo
dito?"si yaya kasi ang nakadagan sa akin at
nakangisi pa.
Tinulak ko siya kaya nahulog sa kama.Diba
may katabaan? siya ang bigat nang
pagkadagan sa akin.
Tumayo ito at umakyat uli sa kama na
pagapang palapit sa akin.
"Yaya Darla!shit ano ba ang nangyayari?'wag
kang lumapit sa akin kung hindi itutulak na
talaga kita."ang tanda na niya may
pagnanasa pala siya sa akin?
"Langga?sex na tayo dali."nang- aakit ang
boses niya sa akin.Teka,parang familiar ang
pananalita niya ah.
"Khira?shit!tigilan mo 'yan.Lumabas kana sa
katawan ni yaya utang na loob"ano na
naman ba ang naisipan nito at sumanib kay
yaya Darla.
"E langga, diba sabi mo kapag buhay ako
mag churva churva na tayo?kaya heto na
o,sige na"nakapout pa na sabi nito.Hindi
naman sa ano pero kasi, katawan ni yaya ang
gamit niya.At sa ikinikilos niya, nakakadiri
talaga tingnan.Matanda na kasi si yaya at
hindi talaga bagay.Nakasuot pa ito ng
duster.
"Khira please lang.As in nagmamakaawa
talaga ako sayo.Lumabas kana d'yan."
Sige parin siya sa paggapang sa akin kaya
tumakbo na ako pababa sa hagdan.
"Langga,and'yan na ako.yohoooo"
Patakbo naman siyang bumaba na
nakasunod sa akin.
"HA/N;
Hello po sa mga love kong
readers..ayan..may reason po ako kung bakit
isinulat ko ito...napaka special po sa akin
ang story na to...basta malalaman nyo din
po un bago matapos ang kwentong to.dont
worry po.TRY ko po na everyday ay ma
update ko siya kahit one chapter
lang...Godbless..