My Pervert Ghost Girlfriend
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 8
Pagkauwi namin ni yaya Darla ay nagpahinga
muna ako pagkatapos kumain.Sobrang
napagod ako sa nangyari doon kanina kina
ka Berto.Sobrang isip bata talaga ang
multong si Khira.
Nakaupo lang siya dito sa mini couch sa
kwarto ko habang galit parin sa
akin.Nagtatampo daw siya kasi may gusto
daw ako sa babaeng yun kanina.Pati ba
naman baliw pagselosan?
Ang dalawang bata naman ay nasa
labas,naglalaro doon sa garden.
"Tatay"sigaw ng dalawa na lumusot sa
pader.
"Ano na naman?pwede ba?nagpapahinga
ako!".reklamo ko.Malaki ang pasasalamat ko
dahil nagtatampo ang isang ito kaya walang
nagmamanyak sa akin pero heto na naman
ang dalawang bata.
"Punta po tayo sa park. Sige na
po".nadaanan kasi namin 'yon
kanina.Minipark na para lang sa mga
bata.Project daw 'yon ni mayor noong
election.
Ganito naman ang mga pulitiko e, kapag
malapit na ang election gagawa ng
maraming projects o di kaya ay ipa semento
ang kalsada para makapabango ng pangalan
sa mga tao.
"Pagod ako kaya pakiusap maglaro muna
kayo sa labas".sabi ko at nahiga na.
"Gusto po namin doon sa park tatay dahil
may seasaw doon.".sabi nitong batang
babae.tsk bakit ba mga walang pangalan
ang mga ito?
"Pumunta kayo dun kung gusto
ninyo".nagtalukbong na ako ng kumot.
"Huhuhuhuhu/huhuhuhuhu".sabay na iyak ng
dalawa.Bahala sila dyan!pero hindi parin sila
tumitigil.Iyak parin ng iyak at habang
tumatagal ay mas lalong lumalakas pa.
"Psh!oo na!punta na tayo pero kapag
makauwi na tayo,pakiusap patulugin nyo na
ako".sabi ko sa kanila.Mag aala una palang
kasi ng hapon.
"Yehey ,sige po tatay".nagtatalon pa ang
dalawa sa tuwa.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa
park,malapit lang kasi sa bahay.Walking
distance lang.Nasa likod parin namin ang
babae.Wala paring kibo,nagtatampo parin...
Naupo ako dito sa mahabang bench at
pinapanood ang dalawang bata na
nagsaslide at pakabit-kabit sa kung
saan.May tatakbo sa seasaw at may hahabol
sa mga bata na nagtatakbuhan kahit hindi
naman sila nakikita ng mga ito.
Nakikita ko ang tuwa at galak sa mga mukha
nila.Itong isa naman ay tahimik lang na
naupo sa dulo nitong inuupuan ko.
Talagang binigyan pa ng malaking space sa
gitna namin.
"Hello señorito.hihihi"..nagulat ako nang
kinalabit ako nitong lalaki.Mga nasa fourty
plus na ata ang edad.Isang taong grasa.
"Hingi bakal papay hihihi".sabi nito na
parang si budoy.
"Huh?heto po oh,sige alis na po
kayo."binigyan ko siya ng isang daan para
umalis na.
"Hihihi,lahat tayo ay mamamatay.lahat tayo
ay mabubuhay!nalalapit na ang paghukom
hihihi"...malakas na sabi nito.Haist!ano ba
yan, akala ko taong grasa lang dahil punit
punit ang damit tapos madumi pa ang
mukha yun pala ay baliw din.
"Señorito hihihi penge bakal papay.Mabait
'yan si señorito e, bigyan ako niyan ng
papay.".nakalahad pa ang dalawang kamay
niya sa akin na humihingi ng pambili ng
tinapay.
"Ito nga po kuya o!bumili kana po do'n. Sige
alis na".malakas na sabi ko.Pinagtitinginan
na kami ng mga tao.
Mabuti nalang at tinanggap niya ang pera at
umalis na.
Nang magsawa na ang dalawang bata sa
kakalaro, mabuti nalang at naisipan na nilang
umuwi.
"Tatay salamat ha,kasi dinala mo kami don
sa playground".masayang sabi nitong batang
babae na nakahawak sa kamay ko habang
naglalakad kami pauwi.takte! sobrang
lamig.Kapag kasi hindi mo payagan ay iiyak
ng sobrang lakas.
"Wala 'yon,basta patulugin n'yo ako
mamayang gabi ha.Please lang".pakiusap ko
sakanya.
"Sige po tatay,hindi po kami magiging
makulit ni kuya.Nag away po ba kayo ni
nanay?"usisa niya sa akin.Siguro napansin na
nila na hindi kami nag uusap ni khira.
"Ewan ko don!kung ano ba ang problema
nun".
"Hmmmp!nagtatampo lang po 'yon
tatay.hehehe bagay po talaga kayo ni
nanay.Ang gwapo mo po tapos maganda
siya."kinikilig na sabi ng batang babae.May
nakalimutan pa siya,manyak ang nanay nila.
"Ang bata mo pa para kiligin.para kang
pinoy housemates sa pbb ah!Ang bilis
mainlove".sabi ko sakanya.
"Ano po 'yon tatay?".nakalimutan ko, patay
na pala kto at walang alam sa mga
nangyayari sa ngayon.
"Señorito hehehe penge pambili
papay".nagulat ako, pati na rin 'tong multo
dahil biglang sumulpot sa likuran namin ang
baliw na lalaki at kinalabit pa ako.
"Utang na loob po kuya, binigyan na po kita
kaya lumayo ka nga sa akin.Umuwi kana
po,hinahanap ka na ng pamilya mo".sabi ko
sa kanya.Bakit ba pagala- gala ito?
"Bait yan si señorito e..hihihi"sabi niya sa
akin na nakalahad ang kamay.
Lumapit ang dalawa sa akin.nakasimagot
parin si khira...
"Tatay bigyan mo na po yan.Ayaw po ni bro
na nagdadamot tayo sa kapwa.Meron ka
naman po d'yan diba?Isa pa,hindi naman po
kawalan sa'yo ang konting tulong sa
kapwa"heto na naman ang batang santo
nanenermon na naman sa akin.
"Sige na po tatay,pasalamat ka nga po e
hindi ka kagaya sakanya.Mas maswerte ka po
kasi nasa mabuting pag iisip ka. May bahay
at makakain ng tatlong beses sa isang araw
at higit sa lahat may mapagmahal na
pamilya.".dugtong pa nitong batang
babae.Hinihintay ko kung may sasabihin din
si Khira kaso wala, tahimik pa din.Wala
palang ibang alam 'to kundi puro
kamanyakan.
"Binigyan ko na yan kanina.Ewan ko kung
saan niya ibinigay".paliwanag ko sa kanila.
"Edi pag gusto mo po syang tulungan dalhin
nalang po natin sa bahay tatay.Tapos
pakainin para makasigurado po kayo na
hindi po niya ginagamit sa masama ang
binigay mong tulong.Mabait naman yan si
kuya e.Diba po kuya?.sabi nitong santong
batang lalaki.As if na nakikita sila nitong
baliw.
"Hihihi oo tama ka nga bata.Bait yan si
señorito e.Sige sama ako sainyo.".nagulat
ako dahil kinausap niya ang mga multo.
"Fuck!".'wag nilang sabihing multo din ang
baliw na to?bakit? Bakit at bakit nangyayari
sa akin ito?
Wala naman akong magawa dahil sunod ng
sunod siya sa amin kaya heto kami ngayon,
nakawak ang dalawang 'to sa kamay ko at
ang baliw at manyak na multo ay nakasunod
sa likuran ko.
"Oy mga bata hihihi kamusta na kayo?long
time no see ah.hihihi"nakangiting bati nitong
baliw.
"Okey naman po manong.Masaya po kami
kasi nagkita tayo muli.Salamat pala
ha."..sabi ng batang lalaki.Tatawa-tawa lang
ang baliw.
"Ang ganda mo hija,nagkita na ba kayo ng
tatay mo?".nakangiting tanong nitong multo
kay Khira.Tang'ina! 'wag niyang sabihin na
marami pa silang multo dito?
Nandito na kami ngayon sa bahay.Wala ata
si yaya Darla kaya pumunta nalang kami sa
kusina at naupo na sa mesa para kumain.
Mabuti nalang at may tinolang manok at
kanin pa dito.
Takam na takam naman itong baliw na
multong 'to at inumpisahang maupo sa mesa
para kumain.Halatang nagugutom.
"Hihihi ang sarap.Bait ni señorito hihihi,
pinakain ako"todo parin na kain niya.Hindi
na nga nag kukutsara,nagkakamay
nalang.Ang kalat na ng table namin.
Nakatingin lang kaming apat sakanya.
"Kawawa naman pala siya kuya noh?halatang
hindi nakakain ng ilang araw."sabi nitong
batang babae na nasa tabi ko Sa harap
namin ay si Khira at ang multo.
"Oo nga e,mabuti nalang dahil nakita natin
siya"pagsang-ayon nitong lalaki.Si khira ay
padabog na naglakad papunta sa sofa at
naupo doon.
Kakaiba ang baliw na 'to.Siya lang ata ang
multo na kumakain.Ang tatlo kasi ay hindi
kumakain.Kailangan pa nilang pumasok sa
katawan ng tao para malasahan ang pagkain.
Mukhang lagi kaming mauubusan ng pagkain
nito ah!kanya kanya silang hilig na apat.
Pagkatapos niyang kumain ay naupo kami sa
sofa.Nanonood ang dalawang bata ng
tv.Paborito daw nila si spongebob e.
"Naku, señorito?anong ginagawa ng baliw
na 'yan dito?".gulat na gulat na tanong ni
yaya Darla habang papasok sa loob ng
bahay.
"Ha?nakikita mo siya yaya
Darla?".nagtatakang tanong ko.
"Oo naman,'yan ang baliw na gumagala dito
sa bayan natin.Bakit dinala mo siya
dito?".napatingin ako sa baliw.
"Hihihihi.señorito penge pambili papay,bait
'yan si señorito e".nakangisi nitong sabi at
nakalahad ang mga kamay.
Fuck!bakit may kagaya ko nga na nakakita
din ng mga multo pero tang'ina! bakit
BALIW PA?.