17

178 8 0
                                    

My Pervert Ghost Girlfriend

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Tumakbo na rin kami ni Belen papasok sa
ampunan si Jm ay medyo nahuli pa dahil
nahirapang bumaba sa puno.
"Yehey andyan na si Superman."tuwang-
tuwa ang mga bata lalo na ako.
"Hello mga bata, goodmorning".nakangiti
niyang bati sa amin.Napatingin ako sa
batang babae na nakahawak sa kamay niya.
"Hi Myra."nakangiti kong bati sakanya.Ang
ganda talaga niya.Naka pink dress, white
shoes at pink ponytail pa siya habang hawak
ang barbie doll niya.Kasing ganda niya ang
barbie niya.Napahawak ako sa dibdib ko
nang bigla nalang bumilis ang pagtibok
nito.Ganito lagi ang nararamdaman ko kapag
makikita ko siya.
"Bakit kasama mo sina Belen at
Jm?".nakasimangot na tanong niya.
"Ha?naglalaro lang kami kanina sa likuran
habang wala kapa".sagot ko na biglang
tumaas ang kilay niya.
"Sabi mo gusto mo'ko e bakit nakikipaglaro
ka sa iba?".lumaki na ang butas ng ilong
niya.Ang cute talaga nitong crush ko.
"Wala kapa naman e,isA pa friends din
naman natin sila."paliwanag ko sakanya.
"Hmmmp!kahit na.Daddy superman doon
lang muna ako maupo ha". Sabi niya sa dad
niya.Mabait ang daddy niya kaya Superman
ang tawag niya dito.At ang kaming mga
bata naman ay nakiki- superman din.
Mahilig kasi siyang buhatin ang lahat ng
bata dito sa ampunan at may mga pagkain
at laruan din siyang dala lagi kapag pumunta
sila dito.
Naupo sa gilid si Myra.Halatang nagtatampo
sa akin.
"Kayong mga bata talaga! matampuhin yan
si Myra kaya suyuin mo na Jam".utos ni
Superman sa akin.
"Oo nga po Superman e".sabi ko sa dad ni
Myra.
"Jam?kapag wala na si superman sana
maging si Batman ka para kay
Myra".makahulugang sabi ni tito.Napatingala
ako sakanya.Nakikita ko ang pagkagiliw sa
kanyang mga mata.
"Bakit n'yo po sinabi 'yan?ayoko po kay
Batman.Gusto ko din pong maging si
Superman kasi mas malakas siya".para sa
akin si Superman ang pinaka malakas na
superhero.
"Hindi pwedeng dalawa tayo,dapat isa sa
atin si Batman at isa din si Superman".sabi
niya sa akin habang tinitingnan ang
nagtatampo niyang anak na nakaupo sa tabi.
"Bakit po?"nagtataka kong tanong sakanya.
"Kasi,kapag wala na si Superman ay bahala
na si Batman kay Myra, at ikaw 'yon.Dapat
ingatan mo ang anak ko kung sakaling wala
na ako".masaya ako sa sinabi
niya.Atleast,wala akong problema sa daddy
ni ra dahil sobrang bait ni tito at close pa
sila ng daddy ko.
Lumapit na ako kay Myra.
Sina Jm at Belen naman ay
nakikipagsalamuha sa ibang mga bata dito
sa ampunan.
"Oy wag ka na d'yang magtampururot.Saan
na pala si mommy mo?"tumabi ako sakanya.
"Andun na sa bayan.Mamaya nalang daw
siya susunod,e 'yong parents mo?"balik-
tanong din niya sa akin habang inaayos ang
buhok ng manika niyang hawak.
"Nando'n sa city.Balikan nalang daw nila ako
mamaya.Bibili pa daw sila ng
pasalubong."nasabi ko na rin sakanya
lastweek na sa Maynila kami
magbabakasyon.Magkaklase kami nito sa
isang private school dito sa amin.
"Oyyy Myra,kumanta kana ng happy
birthday anak.Bilisan mo, medyo malakas na
din ang ulan at hangin sa labas uwi na
tayo".sabi ni tito.Inalalayan ko na si Myra
pupunta sa gitna.

Happy birthday to you.

Happy birthday yo you.

Happy birthday happy birthday

Happy birthday to you...

Kanta namin.Tuwang-tuwa naman kaming
mga bata at kumain na kami.Ako,konti lang
ang kinain ko dahil medyo busog pa ako.
"Hehehe.hingi papay".sabi ng binatang baliw
na nakapasok dito sa bahay ampunan.Lahat
ng bata ay nagsitakbuhan dahil takot sa
baliw.
"Paano nakapasok 'yan dito?hoy baliw,labas
kana nga".sabi nung isang lalaking caretaker
dito sa ampunan.
"Naku wag na po,okey lang.Ito pala kuya
oh,kain po kayo ng cupcake."iniabot ni Jm
ang dalawang cupcake sakanya.Ang isa ay
kinain niya at ang isa ay nakita kong itinago
niya sa plastic at itinali sa kanyang bewang.
"Sister,mabuti naman at pumasok ka.Uuwi
na po kami ni Myra, baka maabutan po kami
ng bagyo ngayon.Ang sabi sa balita ay
malakas daw 'tong bagyong yolanda at dito
pa sa atin sa visayas tatama.".paalam ni tito
kay sister carolina na hawak sa kamay si
Myra.
"Naku sir Eduardo, hindi na po kayo
makakalabas kasi naputol na daw ang tulay
na daanan ninyo.Hanggang tuhod na din po
ang tubig sa labas."rinig namin ang sobrang
lakas ng ihip ng hangin sa labas.May mga
punong kahoy na nga na natutumba..
"Naku,dalhin ninyo ang mga bata sa taas
dali."natarantang sabi ni sir
Superman.Nakapasok na kasi ang tubig dito
sa loob ng ampunan.
Ang ibang mga bata ay umiiyak na din dahil
sa takot.Ang lakas pa naman ng kulog at
kidlat.Ang hangin ay may tunog pa na
parang sumisipol.
"Mga bata,wag kayong mataranta. Sige
umakyat na kayo.Sundan ninyo si sister
Carolina" utos ni tito Eduardo.
Dali-dali kaming umakyat sa second floor
"Mga bata 'wag kayong umiyak.Magiging
okey din ang lahat.Manalangin tayo ha".sabi
ni sister.Halos lahat kasi ay umiiyak na.
Ang dalawang magkapatid na sina Jm at
Belen lang ata at ako ang hindi.
"Magiging okey din ang lahat
Myra"hinawakan ko siya sa kamay.
"Huhuhu natatakot ako huhuhu".iyak parin
siya nang iyak at mas hinigpitan pa ang
paghawak sa kamay ko.Nanginginig na nga
ito sa sobrang takot.
"Wag kang mag-alala ililigtas tayo ni
bro."kampanteng sabi ni ni Jm na nakahawak
kamay na rin kay Myra.Si belen ay humawak
din ng mahigpit sa isang kamay ko.
"Diyos ko nasa hagdan na ang
tubig."natarantang sabi ni sister.
"Sana titigil na ang ulan at huhupa na ang
tubig".wika ni Belen.Bilib din ako sa kanilang
magkapatid dahil matatag sila.Kahit anong
mangyari ay walang iwanan.Sana pagkatapos
nito ay maging kapatid ko na nga talaga
sila.Sigurado ako aampunin sila ni mommy
at daddy.
"Dad,dito lang po kayo huhuhu wag mo po
akong iwan".todo iyak ni Myra nang tumayo
ang dad niya.
"Dito kalang baby ha,tulungan ko lang silang
ayusin ang mga bintana para hindi na
pumasok ang tubig.Jam hijo, ikaw na muna
ang bahala sa baby ko ha.Si batman muna
ang bahala sayo baby."pumunta na si tito sa
may bintana at inayos ito.
"Diyos namin,tulungan mo po
kami."panalangin ni sister.
Lahat kami ay napasigaw nang makita namin
ang isang pamilya na nasa tapat nitong
bahay ampunan.Apat sila,ang nanay, ang
tatay at dalawa nilang anak.Nagyayakapan sa
itaas ng bubong.
Hindi kasi up and down ang bahay nila kaya
ang tubig ay nasa bubong na rin.
'Diyos ko iligtas mo po sila".umiiyak na sabi
ni sister.Kahit medyo malayo sila ay makikita
ko na nananalangin silang mag anak.Nasa
paa na kasi nila ang tubig at konti nalang ay
bibigay na ang kanilang bahay.
"Waaaaaaaaag!"sigaw naming lahat.Ang
lakas nang pagkahampas ng tubig sa kanila
at naanod ang bubong nila kasama na rin
sila.Palutang- lutang ang bubong na
pinapatungan nila.
Lahat kami ay nanalangin sa kaligtasan ng
mag-anak pero biglang hinampas ito ng
malakas na current ng tubig at tuluyan nang
lumubog ang lumulutang na bubong kasama
sila.Wala na sila.Hindi na namin nakita.Iyak
kami nang iyak dahil sa nakita at sa aming
sitwasyon.
"Huhuhu dad natatakot ako huhuhu!".wika ni
Myra habang nanginginig sa takot.
"Magiging maayos din ang lahat, tiwala lang
kay God."lahat kami ay nagyayakapan nang
biglang matanggal ang bubong dahil nilipad
ng napaka malakas na hangin.Lahat ay
nagpapanic na din.Halos liparin na kami sa
sobrang lakas ng hangin.
Ang tubig ay nasa paanan na namin at wala
na kaming maaakyatan pa.Lahat ng bahay
na nasa baba ay wala na. Natabunan na ng
tubig.Bungalow lang naman kasi ang mga
bahay dito sa probinsya at mga gawa pa sa
kawayan.
Sobrang takot ako.Doon na ako umiyak ng
sobra.Hindi ko na ba makikita si mommy at
daddy?ang dami ng mga hayop na nasa
paligid namin.Halos lahat ay patay na,na
inaanod ng tubig.May baboy,kalabaw
kambing at mga aso.
"Saklolo!".sigaw ng kasamahan naming
bata.Natangay kasi siya ng hangin pero
nakakapit pa siya sa pader.Lahat kami ay
basa na dahil wala na din ang bubong.Ang
lakas pa ng kulog at kidlat.
"Wait,kumapit ka lang".binitiwan ni sir si
Myra at tumakbo papunta sa bata.
"Daddy wag mo'kong iwan huhuhu".takot na
pakiusap ni Myra.
Kinuha ni tito Eduardo si John at pinapunta
niya sa amin.Nasa likuran si tito ni John at
papalapit sa amin pero nadulas siya, mabuti
nalang dahil nakahawak pa siya sa pader.
"SUPERMAN!"
sigaw ng mga bata nang makitang napabitiw
siya sa pader na hinahawakan dahil sa
tumilapon na sanga ng kahoy at natamaan
ito sa ulo.Hindi na namin makita ang
kanyang katawan na tinangay na ng malakas
na tubig.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon